Paolo Ballesteros gives acceptance message as MMFF 2016 Best Actor

IMAGE Noel Orsal



Hindi nakarating ang 2016 Metro Manila Film Festival Best Actor na si Paolo Ballesteros sa awards night ng film festival nitong Thursday ng gabi, December 29, sa Kia Theater.

Nakamit ni Paolo ang kanyang unang MMFF Best Actor trophy para sa pagganap bilang transgender na si Trisha Echevarria sa pelikulang Die Beautiful sa ilalim ng direksiyon ni Jun Robles Lana.

Si Direk Jun rin ang tumanggap ng award para sa aktor.

Kanina, isang mensahe ng pasasalamat ang pinost ni Paolo sa kanyang Instagram account dahil hindi ito nakapagbigay ng kanyang acceptance speech sa Gabi ng Parangal.

Ayon kay Paolo, iba raw ang pakiramdam nang may matanggap na acting award mula sa sariling bansa.

Dalawang acting recognitions na ang naiuwi ni Paolo. Kabilang dito ang Best Actor trophy mula sa 29th Tokyo International Film Festival ng Japan, at ang kanyang Special Jury Prize for Acting mula naman sa 21st Kerala International Film Festival ng India.

Aniya, "Winning 2 acting awards internationally is quite overwhelming. But being recognized as the Best Actor in your own country gives a different kind of joy."

Patuloy pa nito, "To the MMFF, maraming salamat and congratulations for a very successful festival. It is only the beginning and we will continue making movies that will be competent both locally and internationally."

Nagpasalamat din si Paolo sa lahat ng cast at crew members ng kanilang pelikula at sa lahat ng sumuporta dito.

"To the whole team of Die Beautiful, Regal, I will forever thank you. Direk Jun, thank you for trusting me as Trisha. To my Family, Friends, Fans, my Dabarkads, thank you for always supporting.

"To the LGBT community, let this movie be an inspiration to everyone. And to all those who watched, and voted for us, thank you!"

Sa huli bahagi ng kanyang mensahe, Oscars naman daw sana ang nais nitong makamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Direk!!! Awards pa more! Festivals pa more! Let’s go for Oscars! Mabuhay Philippines!"

At dahil hindi ako nakarating... #mmff2016 #gabingparangal #dieBeautiful

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on


Nakuha naman ni Christian Bables, ang gumanap bilang BFF ni Trisha sa pelikula na si Barbs, ang award para sa Best Supporting Actor.

Naiuwi rin ng Die Beautiful ang MMFF 2016's My Most Favorite Film award at Best Float award.



Stories We Are Tracking

Christian Bables cries over MMFF Best Supporting Actor award
Christian Bables cries over MMFF Best Supporting Actor award
Paolo B, Irma named Best Actor, Best Actress in MMFF 2016
Paolo B, Irma named Best Actor, Best Actress in MMFF 2016





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN