Ryza Cenon joins boyfriend Cholo and Barretto clan for VKJ screening

IMAGE From Instagram account of Pocholo Barretto



Imbes na ikabahala ni Ryza Cenon na dumarami ang bashers sa social media dahil sa role niya sa teleseryeng Ika-6 Na Utos, ikinatutuwa pa raw niya ito dahil ibig sabihin ay sinusubaybayan ng marami ang kanilang teleserye.

S GMA-7 teleserye, ginagampanan ni Ryza ang papel na Georgia, ang babaeng magiging kabit ni Rome (Gabby Concepcion) at sanhi ng pagkamiserable ni Emma (Sunshine Dizon).

Ayon pa kay Ryza ay nakakatanggap siya ng hate messages sa kanyang social meda accounts at nai-share pa ng aktres ang ilan sa mga mensaheng ito.

“Hindi ako nagagalit kasi ibig sabihin effective ako na kabit!” tawa pa ni Ryza.

“Heto yung isa sa message, ‘Hay nako nakakagigil ka talaga babae ka!! Sana mangyari sa totoong buhay mo na 'yung asawa mo o boyfriend mo maghanap ng mas mahigit sa 'yo. Tingnan ko lang kung ano gagawin mo sa babae nun! Kapal ng mukha mo!”’

Nag-post sa kanyang Instagram si Ryza noong nakaraang December 27 bilang pasasalamat sa mga naiinis sa kanyang pagganap bilang isang kabit.

“Naku po! Salamat sa pagsubaybay. Lagi kayong manood dahil marami pang mangyayari sa #ika6nautos. Good Morning!"

Kahit daring ang role ng aktres sa Ika-6 Na Utos, hindi naman daw apektado ang kanyang boyfriend na si Cholo Barretto.

Naiintindihan daw ni Cholo ang kanyang trabaho dahil nasa showbiz din ito.

Nag-post pa si Ryza sa Instagram ng kanyang holiday vacation sa Bohol at sa Baler kasama ang kanyang pamilya at si Cholo.





May isang nakakatuwang caption si Ryza sa isang pinost niyang photo with Cholo.

“Yes! Nakapagpapicture din ako sa forever crush ko! Thank you sir @pocholobarretto


Yes! Nakapagpapicture din ako sa forever crush ko!??? Thank you sir @pocholobarretto ???

A photo posted by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on



Kamakailan ay nakita si Ryza na kasama ang Barretto clan upang panoorin ang 2016 Metro Manila Film Fest entry na Vince & Kath & James.

Ito ang MMFF 2016 entry na pinagbibidahan ni Julia Barretto, ang pinsan ni Cholo. Ang mga leading men ni Julia rito ay sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Sa Instagram account ni Cholo ay nagpost ito ng group shot ng Barretto clan.

Makikita sa litrato ang GMA-7 actress kasama ng bf na si Cholo. Nandun rin si Joshua, ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto, at lolo ni Julia na si Miguel Barretto. Spotted rin ang half-sister ni Julia na si Dani Barretto.

Ang pinost na caption ni Cholo: "Sulit Christmas Day ko kasama family para manuod ng Vince & Kath & James. Solid!!! Nuod na guys, balitaan niyo ako kung team vince kayo or team james! #vkj #ProudKuya #GandangPelikula #KiniligAko #TaoLang


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN