Five outcasts aim to touch moviegoers' hearts in Moron 5 and the Crying Lady


















Direk Wenn Deramas (third from left) is joined by the stars of Moron 5 and the Crying Lady namely (from left) DJ Durano, Billy Crawford, John "Sweet" Lapus and Martin Escudero.


Matatandaang si Wenn Deramas ang director ng naging box-office hit noong 2011, ang comedy film na Praybeyt Benjamin. Kilala rin si Direk Wenn pagdating sa mga comedy tulad ng Ang Tanging Ina at marami pang iba. Sinabi ni Direk Wenn na gusto niyang mag eksperimento ng ibang klaseng pelikula na ang layunin ay tumawa lang ng tumawa ang manonood. Kaya sa kanyang susunod na pelikula daw na pinamagatang Moron 5 and The Crying Lady ay titiyakin niya raw na walang minuto na hindi tatawa ang mga manonood dahil sa limang karakter na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano at Martin Escudero. Kasama nila si John “Sweet” Lapus bilang the crying lady.


Sa katatapos na presscon nang nasabing pelikula na ginanap sa City Best Restaturant noong nakaraang Marso 22 at nakanayam ng PEP.ph at ng ibang press si Direk Wenn kasama ang ilang bida na sina Billy, Marvin, DJ, Martin at John Lapus. At ito ang ilang pahayag ni Direk Wenn tungkol sa kanyang bagong pelikula:

Tungkol saan po ang Moron 5 and The Crying Lady?

“Istorya ito ng limang magkakaibigan na bata pa lang sila ay ‘bobo’ na talaga at walang laman yung utak. Pero kung ano ang kinakapos ng kanilang utak sobra namang kinabusog ng kanilang puso. Masyadong magmahal ang limang ito. Biro mo, pinakulong na, inapi na, kung anu anong pagsasalbahe na yung ginawa sa kanila and yet di pa rin nila nalalaman kung bakit nangyari sa kanila yun. Tanggap lang sila ng tanggap sa mga nangyayari sa buhay nila.”

Meron ba silang mga ka love team dito?

“Yun din ang isang aabangan ng mga manonood, yung pag sulpot sulpot ng iba’t ibang karakter sa loob ng pelikula. So, maraming cameo role kayong makikita rito sa pelikula.”

Paano nabuo ang idea ng pelikulang ito?

“Nagsimula ito nung Praybet Benjamin, kasi may isang character dun, yung kay DJ Durano na karakter na saksakan nang bobo, tinanong ako kung ano ang gusto kong sunod na gagawin na pelikula? Sabi ko, yung tungkol sa istorya ng 5 ‘idiots.’ Kung yung isang ‘idiot’ sa Praybeyt Benjamin nakakatawa, paano pa kaya kung limang ‘idiots’ yun, di ba? Dun na po nag start yung concept nito, at pinagbigyan naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto, nasabihan lang ako na may isang Indian movie na Three Idiots. Pinalitan ko na lang yung title baka kasi tanungin n’yo na galing ba ito sa Indian movie na Three Idiots. Bilang sikat naman ang Maroon 5, inispoof ko na gawing Moron 5. Istorya ito nang limang magkakaiban na outcasts dahil nga sa kahinaan ng ulo, meron isang laging tagapagtanggol, kahit noong mga bata pa sila. Kung bakit sila pumapasa, kung bakit pa rin sila pumapasok sa eskwelahan dahil sa karakter ni Sweet na napaka talino namang tao. So, limang bobo at isang napakatalino. Na hindi niya naman alam kung paano niya gagamitin ang katalinuhan niya. So, yun naman yung dahilan kung bakit pumasok yung title na Crying Lady. So, ang title Moron 5 and the Crying Lady.

Anong lessons ang mapupulot ng mga manonood dito?

“Hindi masusukat sa isang tao, na dahil bobo siya ay wala na siyang kwenta. Minsan, wala nga silang utak pero sila yung may puso. Minsan nga yung sobrang talino yun pa yung may attitude, e. Minsan, kailangan nating mabobo para turuan tayo ng puso, di ba? Puso minsan ang kailangan natin, hindi palaging utak.

“Lagi ko namang sinasabi na ang purpose ng mga pelikulang ginagawa ko ay mang entertain at magpatawa. Kung may aral kayo matututunan, salamat po, pero hindi ko na naisip yun. Ang isang importante sa movie na ito mapatawa ko yung mga manunuod.”

Anong pinagkaiba nito sa mga ibang pelikulang ginawa n’yo before?

“Kung mapapansin po ninyo, sa kauna unahang pagkakataon, hindi ito yung formula na ginagawa ko. Medyo, nag experiment ako bilang ako mismo ay dalang sawa na sa mga ibang ginagawa ko sa buhay, pero don’t worry di naman ako magpapakamatay. (sabay tawa) Ang pinagkaiba siguro nitong Moron 5 and the Crying Lady, gusto n’yo akong magpatawa, so, series of gags ito, series of joke ito, maya’t maya, kung pwedeng segu-segundo ay mapapatawa ko kayo, na may istorya naman. Panibago lang naman ito, gusto kong maka witness sa sinehan nang mga manonood na tawa lang nang tawa hanggang sa sumakit ang tiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa pa, kadalasan nang ginagawa kong pelikula ay laging nangingibabaw yung nanay sa Tanging Ina series, kahit yung Apat Dapat na pelikula ko, laging nagingibabaw yung nanay, yung kapatid. Pangalawa naman pag si Vice Ganda naman, tungkol naman sa homosexuality yung topic ko. Dito kasi, tina try ko yung gag, after gag, after gag, yung magpapatawa muna ako nang magpapatawa na hindi dapat hanapan ng kung paano nangyari yun, kasi talagang nangyayari yun sa totoong buhay. Hindi ko sinasabing walang kwenta yung pelikula. Gusto ko lang magsunod sunod yung pagtawa nung mga manonood, na na-achieve naman namin sa pelikula kong Praybeyt Benjamin. This time tingnan naman natin ditto na ngayon lang rin ako humawak ng mga lalaki, kasi laging bakla or nanay ang aking bida. Dito ngayon, puro mga lalaki naman so tingnan natin kung effective.”

MEET THE MORON 5.


DJ Durano: “Ako po si Mozart or Mo. Isa po ako sa mga moron dito. Noong nasa grade school pa po ako. Lagi akong nakikipag talo sa teacher ko tungkol sa bagyo.

Martin Escudero: “Ako si Michaelangelo or Mike. Ako yung pinaka bagets, yung pinakabata rito, pinaka fresh sa kanilang lahat. Tung pakiramdam ko..para sa akin matalino ako, tapos naniniwala ako sa himala. Pero yung talino ko pala ay kabaligtaran. Ako yung laging nag sa suggest sa kanila na magandang idea, pero yun pala mali rin.”

Marvin Agustin: “Ako rito si Aristotle or Aris. Yung Auntie ko naman pinipilit akong mag-aral pero wala talaga dun yung hilig ko, feeling ko magiging tanyag akong model. Yun ang pinapangarap ko.”

Billy Crawford: “Ako dito si Isaac. Bobo rin ako rito pero ang pinag kaiba yung buong pamilya ko sila naman yung matatalino, sila yung mga may pinuntahan sa buhay kahit yung nakababatang kong kapatid natanggap saJapan para sa kanyang pag-aaral, binigyan ng awards, ako puro kabobohan lang ang nakikita nila pero tinanggap naman nila ako. Minahal naman ako ganito ako kabobo. Pero aside from that ako rin dito yung mahilig kumain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bagamat wala si Luis Manzano noong presscon dahil mayroon syang ibang appointment that time, pero ito ang description ng kanyang karakter sa pelikula:

Luis Manzano bilang si Albert,
ang tumatayong leader ng mga moron. Nahihirapang makipag-usap sa Tagalog dahil sa kanyang Bisaya accent.

John Lapus: “Ako rito si Beckie Pamintuan, isang impersonator at bipolar. Nag imbento ng apat na persona tulad ni Nanay Martha, Inday, Baby sis Kim at Kuya Ben, para lang mapaniwala na masaya at kumpleto ang kanyang pamilya.”

May kinalaman ba ang karakter ni Sweet dito sa karakter ni Sharon Cuneta sa Crying Ladies na pelikula?

“Wala po, kanina nga pinag uusapan namin nung editor nitong movie na si Maria Ignacio, na napakaganda ng karakter ni Sweet. Yung journey niya po rito ay kitang kita n’yo…mula sa pagiging mabait at matalino, kung paano siya pinasama at kung paano umabot sa kaloka lokahang pinag gagawa niya. Walang pinanggalingan yung karakter niya kundi andun lang talaga siya para sa Moron 5.”

Mapapanood na sa April 7 (Black Saturday) ang Moron 5 and the Crying Lady sa mga sinehan. Ito ay produced ng Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN