Jericho Rosales produces an anti-human trafficking indie film titled Alagwa









Jericho Rosales (right) plays the father of Bugoy Cariño in the indie film Alagwa. Jericho also serves as a producer of this project, which tackles human trafficking.


Karamihan sa mga artista ngayon ay hindi lang pag arte ang pinagkakaabalahan. Maging ang pagdi direk at pagpo produce ng film ay pinapasok na nila. Isa na rito ang aktor na si Jericho Rosales na siyang nagproduce ng kanyang unang indie film na pinamagatang Alagwa.



Bukod sa pagiging producer, si Echo rin ang gaganap na bida sa indie film na ito. Kasama niya rito ang bida ng ABS-CBN teleserye na E-Boy, si Bugoy Cariño. Sa recent set visit para sa teleserye ni Echo na pinamagatang Dahil Sa Pag-Ibig, nagkaroon ang ibang press at ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam ang aktor tungkol sa indie film na ito.


Ani Jericho, “It’s my first time to produce an indie film, ang title niya Alagwa, directed by Ian Loreños. Ipapalabas siya dito sa Pilipinas then dadalhin sa ibang bansa. We are working with the Visayan Forum that supported by USA against human trafficking. So, may advocacy yung movie na ito, yun nga yung against human trafficking.”



Ang Alagwa (international title: Breakaway) ay inspired ng isang urban legend tungkol sa isang bata na nawala sa Chinatown.

Ano ang plot ng Alagwa?

“Kasama ko rito si Bugoy Cariño. It’s a story of father and son, anak ko si Bugoy rito. Istorya ito ng mag-ama na nawala niya yung anak niya dahil sa human trafficking, so binenta yung anak ng ibang tao then hindi na niya nakita. Parang Taken yung peg nung movie because of human trafficking. Pero yung istorya niya, of course, iba dun sa istorya nung Taken. Isa ako fire extinguisher salesman rito na nagta trabaho sa Binondo. Puro Binondo yung shoot namin dito. So sobrang ganda at intense nung istorya. Most probably by August of this year ay maipalabas na yun.”

Bakit mo pinasok ang pag po produce?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi matagal ko nang gustong pasukin ang pagpo produce. I love making movies. Pangarap kong maging director and producer. Naniniwala ako na in 10 to 20 years time, I have my own big film production company. I don’t know...sana matupad. That’s my dream kahit dati pa. Kaya ngayon pa lang, kung makapag produce at makagawa ako mas maganda di ba, kasi nagsisimula na akong tuparin yung pangarap ko. Kasi gusto ko yung work na yun, e, ang mag direk ka mag produce ng film, nasa puso ko talaga yun, e.

“Dalawa kami nung director ko na nagtutulungan sa movie na ito. Sobrang pasasalamat ko sa kanya para ma iproduce yung movie na ito. As an actor pinababayaan niya kaming gawin yung gusto namin. Binigyan niya kami ng script, pero ang script walang dialogue, makikita mo dun, guide lang. Kami ang gagawa ng sarili naming dialogue. So, pinag uusapan namin yung every scene kung ano ang gagawin namin sa bawat eksena. [Nagtatanong kami] 'how do u feel about this scene, saan mo gustong manggagaling, anong gagawin mo?' ganun! Lumabas talaga yung creativity naming dalawa ni Ian sa movie na ito. That’s why now, I love indie movies. This is my first indie movie, so feeling ko tuloy tuloy na yung pag produce ko ng iba pang indie movies.”

Hindi ba nahirapan si Bugoy na guide lang ang ibinigay sa kanya na script at siya mag ad lib sa mga sasabihin nya?

“Hindi, hindi talaga, magaling si Bugoy dito. Nag workshop kaming dalawa, pinag uusapan din namin yung every scene namin, ini explain ko sa kanya na ganito at ganyan ang gagawin, 'O, Bugoy, mag-ama tayo dito ha, ganito gagawin natin ha.' Nag workshop kaming dalawa para sa mga karakter namin. Hindi siya talaga nahirapan, mas gusto niya kasi yung ad lib kesa daw nag memorize ng script. Sabi niya nga sa ‘kin na, ‘Sana Tito Echo kayo na lang lagi producer ko, kasi di ako nag memorize ng script, mas gusto ko ad lib kasi.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN