Gardo Versoza acts opposite Eddie Garcia for Cinemalaya entry Bwakaw












Isang matandang binata, na wala nang pamilya, at isang "unconventional" parish priest ang magiging magkaibigan sa Bwakaw, isa sa mga entries sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition (Directors' Showcase). Ang direktor ay si Jun Lana, na siya ring sumulat ng screenplay.

Ang parish priest ay gagampanan ni Gardo Versoza; at ang pangunahing character, na matandang "masungit" at tanging ang alagang aso ang kasama sa buhay, ay gagampanan ng veteran actor na si Eddie Garcia.

In major (and minor) support roles, kabilang naman sina: Soliman Cruz, Alan Paule, Joey Paras, Luz Valdez, Soxy Topacio, at Armida Siguion-Reyna (in a special role, as Eddie Garcia's "long lost love").

In a recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Gardo shared what he considers the "unconventionality" of his character Father Eddie in dealing with situations that he and Eddie Garcia as Mang Rene often get into.

Bakit Bwakaw ang napiling title ni Direk Jun Lana?

"Dahil yung aso, na lone companion ng lead character [Mang Rene], matakaw, malakas kumain," pagtukoy ni Gardo.

"Sabi ni Direk Jun, yung passion niya o pagkahilig din sa pag-aalaga ng aso ang dahilan kung bakit naisip niya ang kuwento ng pelikula.

"Dog-lover din siya, tulad ko," sabi ni Gardo. Marami siyang high-breed dogs na inaalagaan sa kanilang tahanan, sa isang Pasig City subdivision.

Of Eddie's Mang Rene character, Gardo mentioned a peculiarity:

"Isang example, yung meron siyang list ng mga papamanahan niya ng mga pag-aari niya, pag namatay raw siya.

"Mga kaibigan niya ang gusto niyang pamanahan, dahil wala na siyang pamilya."

At gusto raw ni Mang Rene na si Fr. Eddie ang mamahala ng pag-a-announce at pamamahagi ng mga pamana sa mga kinauukulan.

"Parang gano'n," sabi ni Gardo. "E, yung pari, nagtatanong ngayon sa matanda, 'Bakit hindi ka kumuha ng abugado, bakit sa akin mo sinasabi?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sasagutin naman daw siya ng matandang masungit, " 'Paggagastusin mo pa ako, e, nandiyan ka na nga!'

Gardo added, referring to Eddie Garcia, "Marami kaming eksena ni 'Manoy' na natatawa ako.

"Sabi nga ni Ivy [Vicencio, Gardo's manager], 'Binabasa mo pa lang 'yon, ha. E, pag ginawa o iniarte na ni 'Manoy', mas nakakatawa siguro..."

GARDO'S PEG. Paano nagpi-prepare, o sino ang peg ni Gardo para sa papel niya sa Bwakaw?

"Priest [referring to a 2011 Hollywood movie]," nangiti si Gardo, wari'y nagbibiro.

Masayahing pari raw siya sa indie film entry.

"Hindi siya strict, medyo modern ang kanyang pananaw at pamamalakad."

As far as he knows, walang masyadong eksena na nagmimisa ang pari o ang character niya.

"Parang lumang style na yung may pulpito at nagsesermon," Gardo observed.

"Sa may patay lang, na may nakaburol, may eksenang nag-administer siya," sabi naman ni Ivy, na siyang tumatanggap at nagbabasa ng mga script, para sa mina-manage na aktor.

"Mas madalas na eksena niya, sa confessional. Dun kasi madalas pumupunta si Mang Rene," wika pa ng lady manager.

Gardo describes the entire story as a "comedy na hindi kinu-comedy."

"Seryoso kasi yung situation. At, minsan kasi, pag kinu-comedy, lalong nagiging... [asiwa ang dating].

"So, yung mga comic touches, pag-iisipang mabuti at i-e-execute nang maayos, para hindi masyadong maging mabigat ang pelikula, sa kabuuan," saad niya.

WORKING WITH 'MANOY' EDDIE. Marami nang napagsamahang pelikula sina Gardo at Eddie Garcia: Emong Salvacion, Mariano Mison, NBA; Cesar Climaco Story, among others.

He describes the veteran actor as "very professional."

Naging maganda raw ang working rapport nila ni Eddie Garcia, a multi-award-winning actor.

Naging masuwerte naman daw si Gardo sa pagsasama nila noon ni Eddie, sa Emong Salvacion, kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actor award noong 1997 Metro Manila Filmfest.

"Oo, kasi, pag gamay mo na ang [ang katrabaho], kampante ka na, relaxed ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas magiging maganda lalo yung pagtatrabaho mo."

Sa pagtatrabaho nila uli ni Eddie, via a digital indie film, nakikita ni Gardo na mas magiging madali ang trabaho para sa kanilang dalawa.

"Digital na kasi, kaya mas madaling mag-another take. So, mas mapi-perfect na ang mga eksena.

"Unlike kung film-based, bawat take, malaki ang gastos, di ba?" pag-obserba pa niya.

DIREK JUN LANA. Excited naman si Gardo Versoza sa una nilang pagtatrabaho ni Direk Jun Lana, na napag-alaman niyang marami nang obra na nagawa.

Kabilang dito ang Gigil, Roxxxane, Kulam, Tarot, at ang MMFF 2011 entry, Yesterday, Today, Tomorrow.

"Nung story conference, diniscuss niya sa amin yung kabuuan ng kuwento.

"Hindi pa kami nagka-one-on-one tungkol sa role ko."

Pero magiging madali nga raw para sa kanila ng kanyang direktor ang pag-unawa sa kuwento ng Bwakaw.

"Kasi may one thing in common kami ni Direk Jun; at siguro, ng iba pa naming kasama sa movie, ang common denominator namin—our fondness for pet dogs!" natutuwang sambit uli ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN