Elmo Magalona stars with Julie Anne San Jose in an upcoming romantic drama

















Elmo Magalona (right) says that he is working out to prepare for his upcoming movie with Julie Anne San Jose (left) titled Just One Summer.


Isa sa mga kinakikiligang love team ngayon ay ang tandem nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.


Sa launch ng OISHI, O! Wow! na ginanap sa Trinoma Activity Center noong April 21, si Elmo Magalona ang pinakilala bilang bagong endorser. Naka duet ni Elmo si Julie Anne sa nasabing event at talaga namang tinilian ng mga fans ang performance ng dalawa.


Matapos ang duet nina Elmo at Julie Anne ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Elmo backstage ng nasabing venue at ito ang kanyang ilang pahayag tungkol sa kanilang launching movie ni Julie Anne.

Ano ang role mo sa movie, Elmo?

Elmo: “Ako dito si Niel, very misunderstood siya rito, pero very popular sa school. Madami siyang pagdadaanan sa movie na ito. Kasi nga madrama siya rito, so marami siyang pinagdaanang pabigat sa kanyang very young life. Meron mga times na napasigaw siya, napaiyak, napasaya rin. Basta, marami siyang pagdadaanan sa movie na ito.”


Tungkol saan ang movie ninyo?

Just One Summer ang title nung movie namin. It’s a dramatic-romantic movie. Kami ni Julie Anne ay galing pareho sa city, ga-graduate na kami sa college, pero bago kami magtapos, babalik kami sa province, sa may farm. Yung dad ko ang may-ari ng farm na iyon. Yung dad naman ni Julie Anne ay isa sa mga nagta trabaho dun sa farm. Babalik ako dun, kasi may ipapa sign akong papers sa father ko para makapag aral ako sa [United] States. Si Julie Anne naman, pupunta siya dun dahil dun nga nakatira yung Daddy niya, saka kailangan niyang i-reveal sa Dad niya na di siya makakapasok ng school at kailangan niyang humingi ng tulong sa dad niya. Doon iikot ang istorya, maraming dapat abangan na hindi ko na pwedeng i-reveal pa.”

Kamusta ka trabaho si Julie Anne sa movie na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, it’s a different feeling, lalo na, na kaming dalawa lang ang bida sa movie na ito, and it’s our launching movie together. Kakaiba rin kasi, it’s a different approach from our previous shows, compared sa movie namin before na Tween Academy na very light lang ang eksena. Dito sa movie namin na ito level up yung acting namin, medyo mabigat yung mga eksena. Dahil nga nag level up yung mga dapat namin gawin, nag level up din yung eagerness naming mag trabaho kasi aside sa launching movie namin to, na pressure kami na dapat galingan talaga namin yung acting namin dito. Magaling si Julie dito, nakaka touch yung mga gagawin niya rito.”

As you said, it’s a dramatic movie, anong pinaghuhugutan mong pangyayari sa buhay mo, pag may eksena ka na medyo kailangang umiyak ka?

“Everytime na may ganun scene, depende kasi sa eksena, eh. Iba-iba rin yung pinaghuhugutan ko ng motivation ko eh. Kung may namatay ba, siyempre alam na natin kung san ko kukunin yun, dun ko kukunin yun sa kung nasaan nawala yung dad ko [referring to the late Francis Magalona].”

Ano yung aabangan sa inyo ni Julie Anne na magbibigay kilig sa movie na ito?

“Nandun pa rin yung teen love team namin pero parang mas malaki na yung sense of thought nung character namin. Parang hindi na lang kami yung involved sa relationship namin na yun, involved din yung pamilya niya, pamilya ko. So, involved yung mga taong nakapaligid sa amin. May sweet moments pa rin, pero hindi naman namin pinipilit magpakilig, pero pag nakita mo talagang kikiligin ka kasi very true and honest yung eksena.”

Mayroon din bang kissing scene na aabangan sa movie n'yo na ito?

“Secret! Secret! (sabay tawa!) Yun pa yung isa sa mga dapat abangan ng mga manonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It’s a summer movie, so meron bang beach scene kayo rito?

“I think merong isa or dalawa scenes na nasa beach kami. Hindi pa kasi namin nasu shoot yun, kaya we’re not sure, hopefully soon, kasi baka umulan na, eh.”

Handa ka na ba para sa beach scenes n'yo?

“Maybe, siguro may mga ganun ding aabangan, siyempre kailangang din naming ipakita na presko dahil summer movie yun, maybe may ipakita rin na skin kahit kaunti.”

Hanggang saan yung kaya mong ipakita na skin sa movie mo na ito? Kaya mo bang mag trunks sa movie kung kinakailangan?

“Kung kakailanganin, kailangan kong mag prepare, pero right now for these movie, siguro topless lang muna at paghahandaan ko yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN