Independent films ang bumuo sa listahan ng mga nominado para sa kategoryang Best Film sa gaganapin na 35th Gawad Urian.
Ito ang napuna ng karamihan nang ianunsyo kanina, Abril 26, ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado sa 9501 Restaurant, sa 14th floor ng ELJ Building, Mother Ignacia St., Quezon City.
Pinangunahan ng Pangulo ng MPP na si Grace Javier Alfonso ang pag-aanunsyo ng mga nominado. Kasama niya ang ilang miyembro na sina Nicanor Tiongson, Bien Lumbera, at Tito Valiente.
Nilinaw ng kanilang samahan na bagamat hindi napasama ang mga mainstream films para sa kategoryang Best Film, nominado naman sila sa ibang kategorya tulad ng Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.
Sa taong ito’y pararangalan din sa pamamagitan ng Natatanging Gawad Urian ang sinuman sa industriya ng pelikula ang may di-matatawarang kontribusyon. Ang recipient ng naturang award ay makikilala sa darating na mga araw.
Ilan sa mga tumanggap noon ng nasabing parangal ay mga National Artist na sina Fernando Poe, Jr., Gerardo de Leon, Lamberto Avellana, at Eddie Romero, at sina Anita Linda, Rosa Rosal, Gloria Romero, Nida Blanca, Dolphy, Eddie Garcia, Pancho Magalona, Mona Lisa, at iba pang creative artists tulad ng mga cinematographer, editor at scriptwriter.
Ang 35th Gawad Urian Awards Night ay magaganap sa Hunyo 14, sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City.
NOMINEES. Narito ang buong listahan ng mga nominado para sa 35th Gawad Urian:
Best Film
The Natural Phenomenon of Madness
Ang Babae sa Septic Tank
Busong
Bisperas
Amok
Ka Oryang
Niño
Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa
Boundary
Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay
Best Actress
Lilia Cuntapay (Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay)
Raquel Villavicencio (Bisperas)
Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank)
Maja Salavador (Thelma)
Opaline Santos (The Natural Phenomenon of Madness)
Isabel Lopez (Cuchera)
Alessandra de Rossi (Ka Oryang)
Fides Cuyugan (Niño)
Cherie Pie Picache (Isda)
Diana Zubiri (Bahay Bata)
Best Actor
Bong Cabrera (Sa Ilalim ng Tulay)
Tirso Cruz III (Bisperas)
Paulo Avelino (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Alfred Vargas (Teoriya)
Ronnie Lazaro (Boundary)
Raymond Bagatsing (Boundary)
TJ Trinidad (Deadline)
Martin Escudero (Zombading)
JM de Guzman (Ang Babae sa Septic Tank)
Kean Cipriano (Ang Babae sa Septic Tank)
Jess Mendoza (The Natural Phenomenon of Madness)
Best Supporting Actress
Angeli Bayani (Ka Oryang)
Julia Clarete (Bisperas)
Jean Garcia (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Sharmaine Buencamino (Niño)
Solenn Heussaff (Yesterday, Today, Tomorrow)
Best Supporting Actor
Bembol Rocco (Isda)
Jojit Lorenzo (Anatomiya ng Korupsyon)
Marvin Agustin (Patikul)
Mark Gil (Amok)
John Regala (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Dido dela Paz (Amok)
Art Acuña (Niño)
Joem Bascon (Ka Oryang)
Ronnie Lazaro (Boundary)
Jake Cuenca (In The Name of Love)
Garry Lim (Amok)
Best Director
Sari Lluch Dalena (Ka Oryang)
Lawrence Fajardo (Amok)
Benito Bautista (Boundary)
Loy Arcenas (Niño)
Marlon Rivera (Ang Babae sa Septic Tank)
Alvin Yapan (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Jeffrey Jeturian (Bisperas)
Antoinette Jadaone (Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay)
Auraeus Solito (Busong)
Best Sound
Albert Michael Idioma and Addiss Tabong (Amok)
Albert Michael Idioma and Addiss Tabong (Ang Babae sa Septic Tank)
Albert Michael Idioma (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Albert Michael Idioma and Alex Tomboc (Bisperas)
Raffy Magsaysay (Boundary)
Aguila, Junel Valencia and Mark Locsin (Liberacion)
Best Screenplay
Antoinette Jadaone (Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay)
Charliebebs Gohetia (The Natural Phenomenon of Madness)
John Bedia (Amok)
Bonifacio P. Ilagan (Deadline)
Paul Sta. Ana (Bisperas)
Rody Vera (Niño)
Sari Lluch Dalena and Keith Sicat (Ka Oryang)
Alvin Yapan (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Chris Martinez (Ang Babae sa Septic Tank)
Best Editing
Keith Sicat (Ka Oryang)
Danny Añonuevo (Niño)
Ike Veneracion (Ang Babae sa Septic Tank)
Mai Dionisio (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Lawrence Fajardo (Amok)
Chuck Gutierrez (Busong)
Leo Valencia and Glenn Ituriaga (Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay)
Best Music
Jerrold Tarog (Niño)
Waway Linsahay Saway (Sakay sa Hangin)
Teresa Barrozo (Ka Oryang)
Amok
Diwa de Leon (Busong)
Christine Muyco and Jema Pamintuan (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Best Cinematography
Niel Daza and Kiri Dalena (Ka Oryang)
Albert Banzon (Liberacion)
Arvin Viola (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)
Roberto Yniquez (Bisperas)
Louie Quirino (Amok)
Regiben Romana (Sakay sa Hangin)
Carlo Mendoza (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Louie Quirino (Busong)
Best in Production Design
Maulen Fadul (The Natural Phenomenon of Madness)
Rodrigo Ricio (Bisperas)
Regiben Romana (Sakay sa Hangin)
Reji Regalado (Ang Babae sa Septic Tank)
Lawrence Fajardo (Amok)
Laida Lim (Niño)
Fritz Silorio (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)
Rodrigo Ricio (Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay)
Featured Searches: