Ryan Agoncillo gets offer to replace Dingdong Dantes in horror film "Dagaw"


Ryan Agoncillo is agog over GMA Films' offer for him to replace Dingdong Dantes in the horror film Dagaw. He doesn't mind being the third choice and he just needs to read the script first.



Hindi na magagawa ni Dingdong Dantes ang Dagaw, ang horror movie na idinidirek ni Chito Roño para sa GMA Films kung saan makakasama niya sana for the first time si Richard Gutierrez. Ang sobrang toxic na schedule ni Dingdong para sa Marimar ang dahilan ng kanyang pagba-backout sa pelikula.

In-offer ng GMA Films kay Diether Ocampo ang role ni Dingdong, pero hindi ito pinayagan ng ABS-CBN. Ang latest ay kay Ryan Agoncillo na inalok ang naturang role.

Sa presscon ng My Kuya's Wedding noong August 23 ay hindi pa masabi ni Ryan kung tatanggapin niya ang offer dahil hindi pa raw niya nababasa ang script.



"[Wednesday] ko lang nalaman ang tungkol sa offer at excited ako. Ang ganda ng offer, I'll be working with Direk Chito and Richard Gutierrez—he's the man! May blessings na ni Tito Alfie [Lorenzo] at okay na rin kay Tita Annabelle [Rama]. It doesn't matter kung third choice ako. Dito nga sa My Kuya's Wedding, hindi rin ako ang first choice," pahayag ni Ryan sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Walang nakikitang conflict si Ryan sa Star Cinema kung tatanggapin niya ang Dagaw dahil sa October pa sila magsisimulang mag-shooting ng kasintahang si Judy Ann Santos ng Sakal, Sakali, Saklolo, ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo. Nagsimula na ang shooting ng Dagaw at tatapusin daw ito ni Direk Chito sa loob ng 15 days. Sa Camarines Sur ang location ng horror film.



"Hindi ko pa tinatanggap categorically ang Dagaw," paglilinaw ni Ryan. "Hindi ko pa kasi nababasa ang script at hindi pa kami nag-uusap ni Noel [Ferrer, his manager na may posisyon din sa GMA Films]. Hindi pa rin ako nagpapaalam kay Tita Malou [Santos ng Star Cinema] with the same reason."



May posibilidad bang i-turn down niya ang offer?



"Ayoko!" bulalas niya. "It depends on a lot of factors, but the fact na I'll be working with Direk Chito and Richard, sold na ako. Tingnan na lang natin kung kakayanin ng schedule ko dahil hindi ko tatanggapin ang movie kung hindi ko rin magagawa. But I'm really excited with the offer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



OFFER FROM GMA-7. Inamin din ni Ryan sa PEP na nag-offer din sa kanya ng show ang GMA-7. Pero sa ngayon daw ay nagdesisyon siyang manatili sa ABS-CBN.



"I spoke to Tita Malou and Tita Cory [Vidanes] and told them I'm happy with the work they're giving me, like Ysabella and KKK. But by next year, it's another chapter in my life. Sana ipakita nila ang plano nila sa akin. Sabi nila, babalikan daw ako, hindi pa tapos ang usapan namin. Eight years na rin ako sa ABS," kuwento ni Ryan.



Ayaw rin munang pag-usapan ni Ryan ang offer ng GMA-7 at kung ano ang future plans sa kanya ng ABS-CBN. Ang focus daw kasi niya ngayon ay ang Ysabella at mai-promote ang My Kuya's Wedding, na showing na sa August 29.



"Birthday wish ni Mother Lily na kumita ang pelikula, sana magkatotoo ang wish niya. Dream din ito ni Maja [Salvador], tulungan natin siya at tulungan n'yo kami," pakiusap ni Ryan sa press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN