Lam-ang director Ana Agabin on lead star Rocco Nacino: “Para siyang tumalon galing sa script ko!”

Direk Ana Agabin (left) on directing an epic film like Lam-ang: "Actually, feeling ko talaga, sira-ulo ako to take on something like this, feeling ko talaga! Pero ‘pag nao-overwhelm ako, I just have to cut this into pieces, e. Okay, let’s take it one sequence at a time and the sequences, I have to take them one shot at a time. Otherwise, nakakalula talaga siya.”



“Para siyang tumalon galing sa script ko!”

Ito ang paglalarawan ng young filmmaker na si Ana Agabin sa audition ni Rocco Nacino para sa coveted role na Lam-ang.

Si Ana ang sumulat at nagdidirek ng epic film na ito tungkol sa buhay ng fictional Ilocano superhero na si Lam-ang.

ROCCO’S AUDITION. Sa set visit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling press sa shooting ng Lam-Ang sa San Ildefonso, Ilocos Sur noong April 29, ay ikinuwento ni Direk Ana ang pag-o-audition ni Rocco sa naturang role.

Inamin niya na hindi siya masyadong pamilyar kung sino si Rocco.

“I didn’t know much about him… hindi talaga.

“Kasi, nung sinadyest siya sa 'kin ni Dennis [Evangelista, line producer ng Lam-ang], sabi ko, ‘Rocco, Rocco, Rocco…’

Hanggang sa mabanggit sa kanya ang paglabas ng StarStruck alumnus sa Cinemalaya entry last year na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Pero sabi raw ni Direk Ana pagkarinig nito: “Ay, malambot!”

Sa naturang pelikula kasi ay gumanap si Rocco bilang isang closet gay.

“So, nung audition,” patuloy ng direktor, “pagpasok niyang gano’n, pinagawa ko siya ng mga improv exercises.

“Sabi ko, ‘My God, para siyang tumalon galing sa script ko!’

“Yeah! He had it, e—yung look niya, yung dating niya, ‘tapos the way he acted it out.

“He’s the third person who auditioned for the role, pero feeling ko, ‘Okay, sige na.’”

Pinabasa niya ng script si Rocco during the audition.

Pero paglilinaw ni Direk Ana, “I think it’s not fair to give someone out cold na magre-reading ka. Hindi naman nila napag-aralan yun, di ba?

“So, ang basis ko really is to see how they act.

“Sa improv, makikita mo kung umo-OA, kung di makapaglabas ng emotion, kung kaya ba…”

Ano ba ang requirements ni Direk Ana sa role na Lam-ang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someone who can… actually, nung iniisip ko siya, sabi ko, ‘Okay, someone who can do action, comedy, some drama, and yet he looks like he’s Superman. Parang gano’n.

“So, parang ang hirap ng standards ko!

“But he got it. Kuha niya yung role, yung look niya, tamang tama— medyo chinito, not too tall!” natatawang sabi ng direktor tungkol sa kanyang bidang artista.

So, swak siya dun sa role?

“Oo, swak talaga. So nung presscon, he was thanking me, ‘Thanks for giving me the role.’

“Sabi ko nga, ‘No, you’re perfect for it.’”

At sa mahigit isang linggo nilang pagsu-shooting ng first leg ng pelikula ay “very happy” daw si Direk Ana sa ipinapakita ni Rocco bilang bida.

Dagdag niya, “I think he got the character… nakuha niya talaga yung gusto ko.”

“He works really hard, ha. Yung training pa lang, medyo tedious na, eh.”

ROCHELLE’S AUDITION. Unang napabalita na si Isabelle Daza ang makakasama ni Rocco sa Lam-ang. Pero hindi natuloy ang anak ni Gloria Diaz at napunta ang role na Saridandan sa dancer-actress na si Rochelle Pangilinan.

Paano nila nakuha si Rochelle sa pelikula?

Kuwento ni Direk Ana, “Nung hindi natuloy si Isabelle Daza, nagpa-audition ulit kami, nag-audition si Rochelle.”

Hindi raw alam ni Rochelle na audition ‘yon.

“Yeah, hindi niya alam, akala niya chikahan lang!” tawa ng direktor.

“Yeah, ‘tapos when I saw her, sabi ko, parang ano... she was very conscious.

“Because she felt na… I’ll tell the truth ha—because feeling ko, hindi sila sanay na mag-audition, di ba? Usually kina-cast na lang, e.

“So, naramdaman ko na she was very conscious.

“But when I reviewed the footage, ‘A, may pinaghuhugutan ‘to!’ Oo!” tawa na naman niya.

“And when we asked her to do some moves, I was really impressed kasi, honestly, hindi ko talaga siya kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nung gumalaw siya, sabi ko, ‘Whoa, you know, she can really move!’

“After that, sabi ko, magaling siya. She would be great sa fight scene—stylized na parang medyo dance.

“Plus yung fact na feeling ko na merong puwedeng paghugutan. I just have to work on how to get it out—and we did.

“So we decided to cast her… bagay siya sa role."

Kumusta naman ang chemistry nina Rocco at Rochelle? May love angle ba sa pagitan ng dalawang Kapuso stars sa pelikula?

“I can’t really call it a love angle, parang landian!” tawa na naman ni Direk Ana.

So, hindi emphasized yung love angle dito?

“Hindi, it’s really more of the adventure. May attraction, pero not really paired up.”

WHO IS LAM-ANG? Para sa mga hindi nakakakilala kung sino si Lam-ang, paano ipakikilala ni Direk Ana ang Ilocano superhero na ito, lalo na sa bagong henerasyon?

“Si Lam-ang, siya ang talagang ultimate Filipino action hero.

“Yung talagang noon pa… hindi siya bagong likha, e. Epic siya noong una pang panahon, bago pa dumating yung mga Spanish…

“Yung kuwento niya, napasa-pasa-pasa na.

“He’s this epitome of a male ideal Filipino hero.”

Kung ang kuwento ng orihinal na Lam-ang ay nangyari bago pa dumating ang mga Kastila, bakit sa pelikulang ginagawa nila ay may mga karakter na Kastila?

Paliwanag ni Direk Ana, “Kasi yung actual epic, ‘pag binasa mo, ano siya, e, puwede mo siyang ilagay sa kahit na anong time.

“E, I felt na para maging mas relevant siya, kailangan may social context.

“So, nilagay ko siya dun sa 1600s nung panahon na yung Spanish, sinusubukan nilang i-conquer yung mga tribes sa Cordillera—including his [Lam-ang’s] village.”

Dahil isang action hero si Lam-ang, meron din ba siyang superpowers na makikita sa pelikula?

“Yung powers, yung skills niya—yung fighting skills niya, yung lakas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, kasi yung kasama niyang mag-travel can transform into animals.

“Siya, yung galing niya sa pakikipaglaban.”

Sa pelikula ay may makakasamang aso at sisiw si Lam-ang; si Alchris Galura ang aso at ang child actor na si Nathaniel Britt naman ang nagiging sisiw.

Wala bang X-ray vision si Lam-ang o hindi ba siya nakakalipad?

“A, wala wala… Sa original, meron pa yung parang medyo kaya niyang i-control yung hangin, yung ulan.

“Pero hindi na namin sinama kasi I felt na hindi na kailangan,” sabi ng female director.

MORE THAN AN INDIE FILM. Sa laki ng budget at sa dami ng cast and crew, tila hindi yata kapani-paniwala na isang indie film ang Lam-ang.

Ang ginagamit nilang video camera ay Alexa, na kung bibilhin ay aabot sa P9 million, pero nirerentahan lang nila ito.

Ang tree house na ginawa para maging bahay ni Rochelle, bilang Saridandan, ay nagkakahalaga raw ng P100,000.

Nang mag-umpisa ang shooting nila sa Ilocos Sur ay halos 200 katao ang nakasama sa pelikula—mula sa cast, production, crew, hanggang sa extras.

Kaya tinanong ng PEP si Direk Ana kung paano niya ika-classify ang Lam-ang.

“Paano ba… indie siya in the sense na hindi siya formula and hindi kami limited sa gusto ng mga producers na may love story, mga ganyan.

“Definitely, it’s a very, very ambitious project considering na wala kaming major backing from any major studio.

“Pero the whole thing is fueled by passion, e.

“So if you see the people here, most of them accepted the project not because we’re paying them well but because they love the material.”

Co-producer ni Ana sa pelikula ang vice governor ng Ilocos Sur na si DV Savellano; bilang isang Ilocano ang pangunahing tauhan sa istorya.

Para sa mga nakakaalam ng kuwento ng Biag Ni Lam-ang, kapag napanood ba nila ang pelikula ay maiisip nilang nabasa na nila ito o iba ito sa nabasa nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Direk Ana, “Parang ang ginawa na lang namin, kung ‘eto yung kuwento niya…

“E, normally naman kasi, mga folklore, manipis ang kuwento, di ba? So, lalagyan mo ng palabok.

“So it explains a part of his life na malabo dun sa epic. Ganun yung ginawa namin.

“I took liberties with it.

“Pero kung alam mo yung story nung original na epic, puwede mo pa rin talaga siyang ipasok dun kasi ginamit pa rin namin yung circumstances doon sa epic.”

Walang bang pressure sa parte ni Direk Ana sa laki ng proyektong ginagawa niya?

“Oo nga, e. Actually, feeling ko talaga, sira-ulo ako to take on something like this, feeling ko talaga!” natatawang pahayag niya.

“Pero ‘pag nao-overwhelm ako, I just have to cut this into pieces, e.

“Okay, let’s take it one sequence at a time and the sequences, I have to take them one shot at a time.

“Otherwise, nakakalula talaga siya.”

SOMETHING NEW. Pero sa palagay ba ni Direk Ana ay handa ang Filipino audience na panoorin ang ganitong klaseng pelikula, lalo na’t ang nauusong genre ngayon ay love triangle at comedy.

“I think so… I think there is really an audience that’s looking for something new.

“Kasi ngayon pa lang, hindi pa kami nagsu-shoot ng isang shooting day, may mga kumokontak na sa ‘king mga distributors and mga schools, na that they want screenings of this. Talagang naghahanap talaga ng iba.

“And this will certainly be different from your usual action-adventure.

“So, masarap na gawin siya out of the usual studio system, kasi we can really do what we want.”

LAM-ANG SCREENING. Ayon kay Direk Ana, ang target playdate ng Lam-ang ay September or October ng taong kasalukuyan.

Pansamantalang natigil ang shooting nila, pero magre-resume sila sa katapusan ng buwang ito. Kukunan ang second leg ng pelikula sa La Union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang plano raw nila ay ipalabas muna ang Lam-ang sa mga sinehan sa Metro Manila. Pagkakatapos ay magkakaroon sila ng screening sa mga eskuwelahan sa probinsiya.

WHO IS ANA AGABIN. Si Direk Ana ay anak ng dating Dean ng UP College of Law na si Pacifico Agabin.

Nag-graduate si Ana sa University of the Philippines noong 1998 kunsaan kumuha siya ng kursong European Languages.

Noong nasa college siya ay nakahiligan niya ang theater acting.

Pagkatapos niya namang mag-graduate ay pumasok siya sa isang production outfit na nagpo-produce ng women’s show para sa ANC.

Ang debut film ni Ana ay ang 24K na naging entry sa Cinemalaya (New Breed category) noong 2009.

Ang asawa ni Direk Ana ay isa ring abugado katulad ng kanyang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN