PEP EXCLUSIVE: JM de Guzman talks about portraying martyr saint Pedro Calungsod

JM de Guzman hopes to inpire young people through the movie Pedro Calungsod: Batang Martir.


Pagkatapos maging bida ni JM de Guzman sa ABS-CBN afternoon soap na Angelito: Batang Ama, gaganap naman siya bilang isang batang martir sa pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir.


Mula sa panulat at direksiyon ni Francis Villacorta (history graduate ng De La Salle University at theater director ng maraming stage plays), ang film biography na ito na nasa pre-production stage na sa kasalukuyan.


Si Blessed Pedro Calungsod ay isang binatang Visayan native na sumama sa “Mission to the Marianas (Old Guam)” noong 1668-1672 at naging assistant ng Father Superior na si Padre Diego Luis de San Vitores.

Tumulong si Calungsod sa evangelization at baptism ng mga native Chamorros (tawag sa mga taga-Old Guam), na mga “pagans” o hindi naniniwala sa Diyos. Eventually, pinatay si Calungsod at Padre de San Vitores ng ibang Chamorros.

Dahil namatay si Calungsod in the name of the Christian faith, makalipas ang nasa 340 years, nagdesisyon ang Vatican City sa Rome na gawin siyang isang ganap na santo.

Ngayong October 2012, nakatakdang ganapin ang kanyang canonization, making Pedro Calungsod the second Filipino saint after San Lorenzo Ruiz.

Kamakailan ay eksklusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si JM sa Napa Restaurant sa Quezon City.

Ayon kay JM, hindi siya makapaniwalang gaganap siya bilang batang martir na magiging santo sa Pedro Calungsod: Batang Martir.

Kuwento ni JM: “Actually, the fact na solo ko ito or title role, parang ngayon lang nagsi-sink-in na ganon pala ang pakiramdam.

“Kasi, kaya ko po ito tinanggap, mas importante sa ‘kin kung sino yung gaganapan ko, kung ano yung istorya… And kung hindi mo lang natanong yung feeling na ganon, hindi ko naman po na pinapasok sa utak ko na hindi ito yung first.

“Pero, siyempre, thankful ako na pinagkatiwala sa ‘kin ang role ni Pedro Calungsod.”

Noong first time niyang narinig na may offer na ganito sa kanya ang writer-director na si Francis Villacorta, ano ang naging initial reaction niya?

“Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’ Kasi, bale nag-offer si Direk Francis ng dalawang movies. Isa ito. Inuwi ko muna yung files ng Calungsod ‘saka yung isa, at ito yung nagustuhan ko.

“Kasi parang it’s rare for a person yung ma-canonize bilang isang saint, so ano’ng meron sa taong ito? Ano yung ginawa niyang mga sakripisyo?

“Interesting siya for me and hindi pa ako nakagawa ng role ng isang martir na magiging santo.”

Pakiramdam ni JM, malaki ang responsibilidad niya sa bagong film role, dahil ang gagampanan niyang role ay ang second Filipino saint, after San Lorenzo Ruiz.

“Mabigat ang responsibility, kasi, siyempre, parang ito yung magiging libro ng mga tao, eh. Libro ng mga bata, ng mga estudyante… ‘Sino ba itong si Pedro Calungsod?’ ‘Yung mga gano’n.”

At dahil ang isang pelikula nga ay pang-habambuhay na?

“Opo,” sang-ayon niya. “Tsaka, in the future, isang salang mo lang sa DVD ng film, ‘andyan na ‘yan eh, diyan ka na ma-iinform sa film na ‘yan.

“’Yan naman ang goal natin, ‘di ba, sa paggawa ng pelikula? To inform. To educate. To inspire.”

Noong binasa niya ang buod ng kuwento ni Pedro Calungsod, personally, ano yung nakita niya sa batang martir?

“Maganda siyang showcase ng isang personalidad, para maka-inspire talaga sa new generation.

“Kasi, bihira na yung mga ganitong tao, kaya karapat-dapat lang siya gawan ng pelikula.”

Mahigit isang taon nang nire-research ni Direk Francis Villacorta ang talambuhay ni Pedro Calungsod, mula sa iba’t ibang resources (books, journals, etc), para sa ginagawa nitong film script, na directorial debut niya rin.

Base sa previous meetings niya at ng kanyang handler sa ABS-CBN Star Magic with Direk Francis, ano yung sinabi nito sa kanya na pointers or ideas upang magampanan niya ang role nang maayos?

“Well, ang maganda naman kay Direk Francis, wala naman siyang demands.

“Naramdaman ko na pinagkakatiwalaan niya ako, so yun yung pinaka-importante sa ‘kin, yung pinagkakatiwalaan ako, and yung pointers, siyempre, yung nourishment nung character, binigay niya sa akin.”


BLESSING FOR JM. Ayon pa rin kay JM, hindi niya sukat akalain na very important role ang gagampanan niya this time, dahil in his past movies ay mga ordinaryong tao lamang ang kanyang ginagampanan – pero dito nga’y isa nang martir na magiging santo.

“True to life kasi ang role, kaya exciting and I feel blessed. I really feel blessed kasi, blessing ito for me as actor, eh.

“Timing rin na ika-canonize na si Pedro Calungsod this October, so, malamang, magtatanong ang tao, ‘Sino siya?’

“So, hopefully dito sa movie na ito, mapakita namin kung sino talaga siya or ano yung mga sakripisyo niya.”

Ano’ng eksaktong pakiramdam niya ngayon: excited, mixed emotions, nagugulat pa, overwhelmed, or takot?

“Excited, blessed, at the same time patient.”

Bakit “patient”?

“Ayoko madaliin,” aniya. “Gusto ko, magsi-sink-in muna talaga siya sa ‘kin.”

Ganoon ba lagi ang isang JM de Guzman sa pagtanggap ng roles?

“Kung may time, I make use of it. I make good use of the time na binibigay sa ‘kin. Kung wala nang time, eh ‘di magka-cramming ako.”

Mas gusto raw niyang may panahon bago siya gumawa ng isang pelikula.

“Mas maganda po, ganoon, para bago mag-start, kung paano mo sisimulan, puro imagination, so mas maiisip ko siya [yung character].”

Sa dinami-rami ng young actors sa industriya, siya ang napili to portray the “role of a lifetime” as Pedro Calungsod.

Paano niya hahawakan ang ganitong rare opportunity?

“Ang mapa-promise ko lang, I can give my one hundred percent shot, my best shot. Papakita ko na deserving ako na ako yung very best na actor [to play the role],”
pahayag ni JM.


Ang past indie films na tinampukan na ni JM De Guzman ay Last Supper No. 3, Rekrut, Ang Babae Sa Septic Tank (kunsaan siya nominado as Best Actor sa Gawad Urian), at ang Pintakasi kunsaan siya nanalong Best New Wave Actor sa Metro Manila Film Festival 2011 (New Wave o “Indie” section).

Kasalukuyan niya ring sinu-shooting ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino for Cinemalaya 2012.

Samantala, nasa casting stage na nga ang Pedro Calungsod: Batang Martir.

As of press time, pasok na sa cast ang Golden Screen best supporting actor awardee na si Art Acuña, character actor Robert Correa, newcomer RK Bagatsing, Geoff Taylor, Carlo Gonzales, Arthur Solinap, Wilma Doesnt, and indie actor Johnron Tanada. Under negotiations pa ang ibang actors.

Award-winning rin ang mga nasa likod ng produksiyon.

Production designer si Arthur Nicdao -- winner as Gawad Urian best production designer for Mga Munting Tinig (2002), and nominee for the same category sa FAMAS and PMPC Star Awards for Movies para naman sa Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010).

Film editor naman si John Anthony Wong na winner as best festival editor ng Metro Manila Film Festival for Rosario (2010), and nominee as best editor for the same movie sa FAMAS at PMPC Star Awards for Movies.

Ngayong taon, na-nominate rin si Wong as best editor sa Golden Screen Awards and PMPC Star Awards for Movies para naman sa Deadline (2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN