Malaysian actor Pierre Andre stars in "Don't Look Back"

by Cesar Pambid
Aug 30, 2007
Malaysian actor Pierre Andre is the scriptwriter and star of the horror thriller Don't Look Back that is based on his own actual encounters with ghosts and lost souls.

Isang Malaysian actor ang mismong kumumpirmang sikat na sikat si Jericho Rosales sa Malaysia. Nasa bansa kasi ngayon ang Malaysian actor na si Pierre Andre, kasama ang kanyang producer na si David Teo, para sa promosyon ng isang Malaysian movie na palabas na ngayon sa mga sinehan sa Metro Manila. Ito ang Don't Look Back (Jangan Pandang Belakang) kung saan bida si Pierre Andre.

Sa panayam sa kanya sa premiere night ng movie na ginanap sa Cinema 1 sa Robinsons Galleria noong August 28, sinabi ni Pierre na bilib siya sa kakayahan sa acting ni Jericho Rosales. Umaasa raw siyang kahit paano ay mapantayan ang galing ng ating local actor.

"He's very, very good, everybody in Malaysia knows Jericho Rosales. I watch his soap opera in Malaysia and I admire him very much," sabi pa ni Pierre sa matatas sa pagsasalita ng Ingles.

Bukod kay Jericho, humahanga rin si Pierre kay Kris Aquino. Napanood daw kasi niya ang ang Feng Shui at talaga namang nasiyahan siya rito. "I like that movie, it is the very first Filipino movie I have seen. Kris Aquino is very good Filipino actress. Also the director of the movie, [Chito Roño] he's very good. I like to see more local movies while I am here to discover more things about your movie industry," sabi pa nito.

Continue reading below ↓

Umaasa rin si Pierre na sana raw ay magustuhan ng local viewers ang kanyang pelikulang kasalukuyang palabas dito upang makapagdesisyon din siyang maging kaparte ng local movie industry.

"I want to make movies here, I hope Filipinos will support me. I wish to the be Jericho Rosales counterpart and like him, make it [big] in another country," sabi pa ni Pierre.

Sa ngayon, si Pierre ay 22 years old na at bukod sa acting, nagsusulat din siya ng mga script pampelikula. Siya ang sumulat ng script ng Don't Look Back at ayon sa kanya gusto niyang maging career ang acting at pagsusulat.

Nag-aral ang aktor na ito sa Akademi Seni Kebangsaan, isang paaralan para sa performing arts sa Malaysia.

"This satisfies me, I get my inspiration from my experiences, I like to act and write more scripts in the future," pagwawakas ni Pierre.

Sinulat ni Pierre ang script ng pelikulang ito base sa kanyang mga engkwentro sa mga multo at lost souls. Mayroon rin siyang third eye na siyang nagbibigay daan upang makakita siya ng mga kaluluwa.

Continue reading below ↓

Don't Look Back (2007)

Director: Ahmad Idham Nadzri

Scriptwriter: Pierre Andre

Producer: David Teo

Cast: Pierre Andre, Intan Ladyana

Don't Look Back (Jangan Pandang Belakang) is the horrifying tale of a young man named Dharma (Pierre Andre) who's trying to figure out the mysterious death of his fiancée Rose (Intan Ladyana). Together with Rose's twin sister Seri (also played by Intan), Dharma tries to find the answer to her death, in the process encountering shocking events that change his life.

Don't Look Back is released in the Philippines by William Lao's Megavision.

Read Next
Read More Stories About
Malaysia, indie
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaysian actor Pierre Andre is the scriptwriter and star of the horror thriller Don't Look Back that is based on his own actual encounters with ghosts and lost souls.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results