Eugene Domingo got carried away by her kissing scene with Zanjoe Marudo; endured below zero temperatures in Korea

Eugene Domingo (left) is joined in this photo by Zanjoe Marudo (right), one of her leading men in Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme. Dingdong Dantes (not in photo) also reprises his role as the other leading man of the comedienne.


Isa ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme sa naging blockbuster na pelikula ni Eugene Domingo na talaga namang tinangkilik at tinawanan ng mga manonood. Dahil sa tagumpay na nakamit ng Kimmy Dora 1 ay magkakaroon ito ng part 2 na pinamagatang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme.

Si Bb. Joyce Bernal ang director ng naturang pelikula mula sa screenplay ni Chris Martinez. Pinili ng producers na i-shoot ang pelikula sa South Korea kunsaan umabot raw ng -17 degrees below zero ang temperature.

Si Eugene pa rin ang gumanap ng twins na sina Kimmy at Dora samantalang nagbabalik si Ariel Ureta bilang kanilang ama. Si Kimmy ay in love sa kanyang partner na si Barry (Zanjoe Marudo) samantalang si Dora ay kapareha naman ni Johnson (Dingdong Dantes).

Sa presscon ng nasabing pelikula noong May 29 na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound ay pinag-usapan ang halikan nina Zanjoe Marudo at Eugene Domingo.

Aliw na aliw ang mga press sa mga nakakatawang sagot ni Eugene sa mga tanong ng mga press tungkol sa comedy film na mapapanood na simula June 13.

Kamusta ang kissing scene ninyo ni Zanjoe para sa pelikula na ito?

Eugene: “Wala pa yang nakikita n’yong halikan namin si Zanjoe sa trailer, kasi meron pa yung talagang nadala ako sa eksena namin, na hanggang sumigaw na si Direk Joyce na ‘Tama na!’ Kasi nakalimot na ako, eh, although wala naman kay Zanjoe yung kissing scene na yun, eh, kaso wala na na-cut na ni Direk.”

“May na re-react nga sa play back na sabi…’Ang bait talaga ni Zanjoe ano?’”

Mayroon bang malisya yung kissing scene na yun sa inyong dalawa?

“ Wala talaga eh!” sabi ni Eugene pero sambit naman ni Zanjoe: “Siyempre meron!”

Sabi ni Uge, “Eto naman oh, bakit mo kasi inamin, hindi na tuloy ako ang laman ng article nila, ikaw na ang headline ng article ng press kasi inamin mong may malisya. ‘Kaw talaga Zanjoe oh!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upang mapukaw ang atensiyon ng press, bumukaka si Eugene Domingo upang ipakita niya ang kanyang panty sa media. Ayon sa komedyante, bumukaka siya para siya na lang ang pagusapan at hindi ang pag-amin ni Zanjoe na may malisya raw ang kanilang kissing scene.

Matapos ang masayang presscon ay nagkaroon pa ang ilang press, kasama na ang PEP.ph, na makapanayam si Uge tungkol sa kanyang pelikula.

Naging successful sa box-office ang unang installment ng Kimmy Dora. Kinakabahan ka ba na hindi ito maging successful dahil ikukumpara sa unang Kimmy Dora?

Eugene: “Yes, may kaba! Siyempre, di ba? Di naman ako bato saka wala naman akong confidence na kala mo kung sino, di ba? May kaba pero yung tiwala at pananalig na pinaghirapan n’yo, pinag-aralan, pinagsumikapan at ang gusto namin talaga, eh, maging sulit ang bawat sentimo na ibabayad ng mga manonood. Hindi naman siguro kami pababayaan ng mga fans at gusto naman talaga namin sa movie na ito ay lumigaya kayo habang pinapanuod n’yo ang aming pelikula.”

May cameo role ba si Piolo Pascual [one of the producers] sa Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme?

Eugene: “Naku! Busy siya, busy siya sa pagsu shooting ng Every Breath U Take nila ni Angelica [Panganiban]. Pasalamat na nga lang ako na kung minsan ay nakakadaan siya, eh, kasi tine text ko siya na ‘I miss you!’ Tapos magsu surprise visit siya, may dalang ice cream, tapos ayun! Okay na!”

Magkakaroon ka rin ba ng leading man sa Korea, dahil pagkakaalam namin na si Zanjoe at Dingdong ay di naman kasama sa Korea?

Eugene: “Oo! Pero secret! Super secret! Panoorin n’yo yung movie para makita n’yo kung sino ang leading man ko dun. Kung kilala ba siya? Of course you know him! Very popular! Kung sino man yung pakakasalan ni Kimmy or Dora noong nasa Korea sila, yun ang isa sa mga sorpresa ng pelikulang ito. Kilala n’yo siya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung horror character ba rito sa pelikula, part ba ng pamilya n’yo yung karakter?

Eugene: “Part siya sa lihim ng pamilya namin, na tinatago ng karakter ni Ariel Ureta na ama nina Kimmy at Dora. Meron pala siyang nagawang parang hindi naman pagkakamali, kundi mayroon siyang hindi tinupad na pangako. So kaya maririnig n’yo na…I believe in karma…si Kimmy at Dora yata ang magiging pambayad. And they have to fight. Nakita n’yo naman sa trailer na nagpo propose na yung dalawa nilang leading man tapos hindi matutuloy ang kasal…there…doon na tatakbo ang istorya. ”

Intentional ba yung pagpapataba mo para sa movie?

Eugene: “There was a time na masyado akong pumayat dahil naaliw ako sa pagpapapayat and then si Chris Martinez, while he was writing the script sabi niya, ‘Hindi pwedeng ganyan! Hindi ka pwedeng payat.’ Nag-a-argue pa kami that time, sabi ko bakit? Artista naman ako, pwede akong magsuot ng fat suit. Sabi niya, ‘No! Kailangan talaga chubby ka sa movie, walang daya.’ Ayun! Kumain uli ako uli ng kumain for this movie. Pero eto na yung katawan ko, hindi na ako tataba pa ng sobra dahil I still eat healthy food at wala akong bisyo.”


DIREK JOYCE BERNAL. Nakapanayam din ng Pep.ph si Direk Joyce Bernal tungkol sa pelikula at ito ang kanyang ilang pahayag:

Balita po namin na dalawang script ang pinagpilian n’yo para sa Kimmy Dora 2? Ano pong nangyari doon sa naunang script?

Direk Joyce: “Oo dalawa siya. Yung isa, super action talaga, medyo ibang klase yun. Tapos parang ang bida pa namin dun na lalaki ay si Sam Concepcion na idadagdagsana na karakter nung time na yun, pero nung naging horror na, siyempre nawala si Sam tapos naghanap kami ng ibang karakter.”

Naramdaman n’yo ba ang pressure bilang director na maging mas successful ito kumpara sa unang Kimmy Dora?

Direk Joyce:
“Nung time na yun siguro OO, pero kasi ngayon, nawala yung pressure. Of course, mas gusto kong mas kumita ito ng mas higit doon. Kasi may ginawa kami sa movie na ito na sabi namin nasana mapansin at makita ng mga manonood ang ganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung mas bago rito na dapat abangan kumpara sa Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme?

Direk Joyce: “Aside from the horror part, kasi mas mahirap to para kay Uge, kasi magkasama sila palagi nung kambal niyang si Kimmy at si Dora. So imagine n’yo yung hirap ni Uge sa dalawang karakter na siya nagpo portray. Pero yung hirap ni Uge mas mahirap pala kasi, hindi lang siya dalawa rito, kundi tatlo siya rito. Yun ang dapat n’yong abangan bakit ko nasabing tatlo s’ya rito. Production wise, mas mahal ang Kimmy Dora na ito kasi nga may mga shoot kami saKorea.”

Sinasabi n’yo na si Chris Martinez ang isa sa mga best writers na kakilala nyo? Sa palagay nyo po naibigay niya yung gusto nyong script na dapat makita sa Kimmy Dora 2?

Direk Joyce: “Si Chris Martinez, kaya ko siya nirerespeto bilang director at writer kasi hindi niya kami pinagbibigyan bilang producer kung ano yung gusto namin, more on kung ano ang nararapat dun sa konseptong ginawa niya. Ganun siyang writer!”

Ano po yung pinaka nahirapan kayong i-shoot sa movie na ito?

Direk Joyce: “Tulad nga nung sabi ko kanina medyo nahirapan kaming lahat doon sa shoot sa Korea dahil sobrang lamig 0 degrees ang panahon. Nasira yung kamera namin sa sobrang lamig dun. Pero it’s not the weather, eh, ang mas mahirap ay yung mga ipagagawa mo kay Uge, yung eksena na mahirap na dapat magawa niya na hindi niya ipahahalatang nahihirapan siya. Ako pa naman yung director na kung ano yung binigay mo sa akin sa script ay pasasabugin ko para mas maging mas maganda.”


SYNOPSIS. Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme reveals the new adventures of the Go Dong Hae heiress-sisters as they go on a trip to Korea, accept wedding proposals, and fight against a dark specter from the clan’s untold past.

This second installment continues from where the first installment left off. Kimmy and Dora (both played by Eugene Domingo) are deeply in love with their respective partners: Kimmy with Barry (Zanjoe Marudo) and Dora with Johnson (Dingdong Dantes).

The new adventure begins when the sisters join their father, Luisito, on a trip to Korea, his homeland. There, the patriarch tells them that one of them has to marry into the Sang clan as a fulfillment of a promise made in the Go Dong Hae’s past. The sisters refuse to marry a Sang since they are both in love with their beaus.

Then, a mysterious Korean ghost follows them back to Manila, haunting them and claiming the souls of the men in their lives. The only way to pacify the ghost is to give in to their father’s request or they can fight off the malevolent spirit. But how, when only Kimmy can hear the ghost and only Dora can see it?

Co-produced by Star Cinema and Spring Films, Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme will open in cinemas by June 13, 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN