Ryan Agoncillo backs out from GMA Films' "Dagaw"


Ryan Agoncillo (in photo) is the second actor to actually back out from doing GMA-7's horror film Dagaw. (The said project was originally offered to Dingdong Dantes.)



Ang laki ng panghihinayang ng isang malapit kay Ryan Agoncillo nang ibinalita nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na matutuloy ang actor-TV host sa paggawa Dagaw ng GMA Films. Conflict of schedule ang rason sa pagba-backout ni Ryan sa naturang horror film, dahil sa halip na sa October ay sa Tuesday, September 4, na ang first day shooting ng Sakal, Sakali, Sakalo—ang sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo nila ni Judy Ann Santos na entry ng Star Cinema sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Matatandaang si Ryan ang napili ng GMA Films at ni Direk Chito Roño na pumalit sana sa role ni Dingdong Dantes sa Dagaw. In-offer ang role kay Ryan at tinanggap na nito ang role. Pero nagkaroon ng problema sa schedule ng isa pa niyang pelikula.



Nakipag-meeting si Ryan at ang direktor ng Sakal, Sakali, Saklolo na si Joey Reyes sa Star Cinema at napagdesisyunan na agahan ang shooting ng movie dahil may location sila abroad. One week ang shooting nila sa Barcelona, Spain, at doon didiretso sina Ryan at Judy Ann after their Love Speak U.S. Tour.



Kahit anong pag-aayos sa schedule ni Ryan, hindi raw pupuwede dahil sa Camarines Norte pa ang shooting ng Dagaw at kailangang mag-stay siya roon ng 15 or more days.

Walang magawa ang actor-TV host kung hindi manghinayang. Pati ang kasintahan nitong si Judy Ann ay malaki ang panghihinayang sa nangyari dahil bukod sa magandang project, si Chito pa ang direktor ng Dagaw.



May mga suggestion na i-postpone muna ang shooting ng Dagaw kung walang makikitang kapalit si Ryan dahil hindi pala ito agad ipapalabas. Sa November pa magiging available si Ryan at kung mahihintay siya ng GMA Films at ni Direk Chito, baka magawa niya rin ang pelikula.

Baka nga ang mangyari, mauna pang magsama sa pelikula sina Judy Ann at Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Dagaw ay Waray para sa salitang shadow o anino. Sinulat ito ni Aloy Adlawan na mula sa probinsya ng Samar, tulad ni Direk Chito Roño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN