LJ Reyes recalls her intimate scenes with JM de Guzman in Intoy Syokoy ng Kalye Marino

(From left) LJ Reyes, Joross Gamboa, and JM de Guzman topbill the 2012 Cinemalaya entry Intoy Syokoy ng Kalye Marino. The stars shot their scenes in Sangley Point in Cavite.


Matatandaang nanalo si LJ Reyes bilang Best Supporting Actress para sa 2010 Cinemalaya entry na pinamagatang The Leaving. Ngayong 2012, muling kasali ang Kapuso actress sa 8th edition ng Cinemalaya Philippine Independent International Film Festival.


Si LJ ang katambal ng ABS-CBN actor na si JM De Guzman sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino. Directed by Lemuel Lorca, ito ay base sa short story ni Eros Atalia na nanalo ng first prize sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature in 2006.

(CLICK HERE to read all about the entries of the 2012 Cinemalaya)


Noong June 28 press conference ng Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines ay nakapanayam ng PEP.ph si LJ Reyes tungkol sa Cinemalaya entry niya at ito ang kanyang ilang pahayag:

What is your role dito sa pelikula ninyo ni JM de Guzman?

LJ: “Ako si Doray dito, sobrang hirap kasi nila, kinailangan nyang mag trabaho at magbenta ng laman para mabuhay yung dalawa niyang kapatid.”

Ibig sabihin ba nito na medyo daring yung role mo rito dahil sa karakter na gagampanan mo?

LJ: “Opo, bilang pokpok po ako rito, meron akong dalawang customer na na-shoot talaga. Tapos meron din kaming intimate scene ni JM dito, saka talagang medyo mabigat talaga yung baggage nung karakter ko rito.”

Buti tinanggap mo yung karakter kahit medyo sensitive yung mga scenes na gagampanan mo?

LJ: “Maganda po yung script, eh. Na in love po ako dun sa script eh dahil maganda talaga siya.”

Hanggang saan yung ipapakita mo rito bilang sexy yung karakter sa film na ito?

LJ: “Hanggang sa dapat, dahil pokpok nga po ako rito, pinakita lang namin kung ano yung totoo, kung ano talaga yung ginagawa ng isang karakter.”

Talagang ready ka nang gumanap ng mga ganung klaseng role? Tuluy tuloy na ba ang paggawa mo ng sexy projects?

LJ: “Hindi na rin po kasi ako bata, saka hindi naman malaswa yung pagkakakuha sa mga eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano mo na-assure sa director mo na hindi pa rin magiging bastos yung dating nung karakter mo?

LJ: “Nag-uusap kasi kami, tingin ko rin kasi kung bakit di bastos ang dating niya dahil sinundan niya talaga yung buhay from the start, malalaman mo yung dahilan kung bakit siya naging ganun.”

Anong masasabi mo na nagiging isa ka na rin sa paborito ng mga film makers ng Cinemalaya dahil nabibigyan ka ng pagkakataon na gumanap sa kanilang pelikula?

LJ: “Hindi pa naman yata ako nandun sa paborito, pero siguro po may kanya kanyang oras yan. There will come a time na magkakaroon din ng pagkakataon po ang iba.”

Alam naman nating marami kang makakalaban na artista para sa best actress award, do you think you can make it on the awards night?

LJ: “Sa totoo lang po, sobrang sarap po ng pakiramdam ng buong team namin sa film, dahil sa tingin ko nagawa ko naman yung best para dun sa karakter ko, dahil sobrang ganda ng experience sa akin nito, hindi na ako naghahangad ng award. Kung merong award, eh di maganda po, kung wala naman masaya pa rin ako kasi it’s a great experience for me. Ang sarap ng pakiramdam na na-portray ko yung karakter ni Doray.”

First time mo bang gagawin itong karakter na ito? Hindi ka ba kinabahan?

LJ: “First time talaga, kabado talaga ako, kaya lagi ko pong kausap yung director ko. Pero di ko pa maihelera yung sarili ko sa mga iniidolo kong aktres, malayong malayo pa po yung dapat tahakin nung career ko bago ko masabing nandun na ako sa category nila. Pero I’m wishing something na makatrabaho ko sila at mag improve pa po yung acting career ko.”

Kamusta ka trabaho si JM? Is it your first time to work with him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LJ: “Yes! First time. Si JM very generous sya at very gentleman. Nakakatuwa kasi very generous siya sa emotions, very professional. Very gentleman, kasi hindi nya ako pinabayaan sa set, lalo na sa intimate scene namin.”

Kamusta yung eksena n’yo ni JM dito, lalo na yung intimate scene nyo?

LJ: “Yung eksena namin ni JM dito, very intimate and passionate, compared dun sa mga customer ko bilang pokpok, yun yung medyo grabe.”

Ano ang relasyon ng characters ninyo ni JM dito?

LJ: “Magkababata at barkada talaga kami kasama namin sina Joross [Gamboa], Arnold [Reyes] at Kenneth [Salva], matagal na kaming magkakabarkada. Pero in love kami ni JM sa isa’t isa, yun nga lang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa, yun nga yung sitwasyon namin.”

Anong mga moral lesson ang mapupulot ng mga manunuod sa inyong pelikula?

LJ: “Marami, dahil maraming na tackle yung movie namin tungkol sa family, friendship, love, malaki yung scope niya actually at nabigyan pansin yung bawat karakter.”

Hindi ba naging issue sa ‘yo yung talent fee, kasi alam naman nating di ganun kalaki ang budget ng Cinemalaya?

LJ: “Hindi na po ako nagtanong about talent fee, alam naman po nating lahat na maliit lang yung budget ng indie film. Pero, ako kasi ang una kong tinitingnan pag tumatanggap ako ng indie film ay yung script, yung director ko at yung mga makakatrabaho ko.”

Anong role pa na yung gusto mong gampanan bilang actress?

LJ: “Marami pa po eh, tulad nang gusto kong gumanap ng buhay ng isang athlete, gusto ko ring ma-try yung medyo may pagka psycho yung dating, yung may kung sa pag iisip, marami pa talaga actually.”

Sinu sino pa yung gusto mong maging leading man at maka trabaho na magagaling na aktor ngayon?

LJ: “Gusto ko pong maka trabaho si John Lloyd Cruz, kasi magaling talaga siya eh. Si Kuya Dingdong Dantes din, although naka trabaho ko na siya pero hindi talaga yung kami yung magka eksena eh. Saka si Coco Martin, gusto ko ring makatrabaho, ang galing galing kasi niCoco, para kasi nanglalamon siya eh. Sila yung top 3 ko na gusto kong makatrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Any other projects aside from this Cinemalaya entry?

LJ: “Kasali po ako sa movie nina Kuya Dingdong at Lovi Poe po yung Tiktik na lalabas din this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN