Iza Calzado swears and engages in confrontation scenes for Cinemalaya entry Mga Mumunting Lihim


Marami-rami na rin nagawang dramatic movies si Iza Calzado pero ayon sa actresss kakaiba ang latest assignment niyang Mga Mumunting Lihim, one of the entries sa Directors’ Showcase ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Ito ay gaganapin sa Cultural Center of the Philippines from July 20 to 29, 2012.

“Hindi over acting ang dating. Mas natural lang ang acting ko rito at hindi rin ako masyadong mabait,” kuwento ni Iza nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Cinemalaya kamakailan.

“Would you believe na nagmumura ako rito? Very natural ang dating ng character. Ang dating ng mga characters na pino-portray namin dito ay mga totoong totoo. Kung paano magre-react ang isang tao in a real life situation, ganun din ang gagawin ng mga characters,” pahayag pa ni Iza.

“Lahat kami tunay na tao kaya very natural ang reaction. Hindi mo na kailangan pang i-dramatize ang mga eksena. Just feel it.”

Mula sa panulat at direksiyon ng premyadong writer-director na si Jose Javier Reyes, Mga Mumunting Lihim is a movie about friendship. Istorya ito ng magkakaibigan and is told the way it is to be: simple lang, natural, very human. Bukod kay Iza, ang ibang bida ng Mga Mumunting Lihim ay sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, at Janice de Belen.

(CLICK HERE to read all about the entries of Cinemalaya 2012)

“Natural lang kami, hindi kami masyadong mababait. Minsan kasi ang worry natin pag gumagawa tayo ng movie, nasa isip natin na hindi na puwedeng gawin bad si ganito kasi makakasira sa image,” saad ni Iza.

“Like si Juday, hindi siya ganu’n kabait. Kahit ako walang dating na mabait na mabait ang character ko. Lahat kasi may sungay. Lahat kami may kanya-kanyang faults. At lumalabas ang mga sungay namin habang natutuklasan ang mga lihim sa diary ng kaibigan namin.”

Ayon kay Iza, nagandahan siya sa kuwento ng Mga Mumunting Lihim kaya niya tinanggap ang project plus isang beses pa lang niya nakatrabaho si Direk Joey (sa 2010 version ng Working Girls). She wanted to work with Direk Joey again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Secondly, maganda ang casting. Minsan mo lang mapapagsama sa isang project sina Juday, Iza, Agot Isidro and Janice de Belen (who was taken in to replace Eugene Domingo, who was the original choice for the role).

“The script is very personal to Direk Joey. It means so much to him. And like what he said, we are not doing this for the money. This is my first Cinemalaya project and hopefully not my last,” pahayag pa ni Iza.

The offer to do Mga Mumunting Lihim came at that right time for Iza. Kalilipat pa lang niya at the time sa ABS-CBN at inaayos pa ang project na nakatakda niyang gawin for the Kapamilya Network kaya may libreng oras when she was offered a role in the Joey Reyes film.

Happy rin si Iza na kahit na medyo nahirapan sila na mag-ayos nang kanya-kanyang schedules para tumugma sa shooting ay nagawa pa rin nila ang movie. “We were able to make it work and film the movie,” sabi pa ng aktres.

Kumusta naman katrabaho sina Juday, Agot and Janice? Ano ang mga na-discover mo sa kanila after working with them?

“Ganoon pa rin ako kay Juday. Fan pa rin ako niya. Pero naging fan ako ni Juday nung mag-artista na ako. At saka nung makasama ko sa sa trabaho so kahit na kaibigan ko na siya, ang tingin ko pa rin sa kanya ay si Juday na hinahangaan ko, ‘yung hinahangaan kong individual,” wika ni Iza.

“Si Ate Janice, nakakatuwa siya kasi ang husay niya. First time ko kasi nakatrabaho si Ate Janice sa movie. Nakakatawa siya. Eh, nagkataon naman na yung role niya, nakakatawa talaga siya. Pag nagmura siya, nakakatawa talaga siya.

“May mga confrontation scenes kasi kami sa movie na nakakatuwa at nakakatawa. And si Agot also, ang galing din. First time ko rin siyang nakatrabaho. Pero kasi with Agot, kaibigan ko. Naging kaibigan ko muna siya before I had the chance to work with her. I discovered na mahusay din siya kasi first time ko lang siyang nakasama in one project. Kalog siya. Saka napansin ko rito sa movie, lahat kami ay masaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman katrabaho si Direk Joey for the second time?

“Isa rin siyang masayang tao sa set. Napakagaan katrabaho ni Direk Joey sa set. Aalalayan ka niya sa ginagawa mo. Personal kasi sa kanya ang project. Actually, ako si Joey Reyes sa movie. Naglolokohan kami palagi,” sabi ni Iza.

Ano ang expectations mo sa Cinemalaya, having said that ito ang una mong Cinemalaya movie?

“I’ve always wanted to do a Cinemalaya film kaya lang minsan ang timing ang problema. O kaya hindi ko type ang role or yung material ay hindi masyadong sumang-ayon sa gusto ko at that point. And I think the biggest factor was timing. I guess I was too busy before and nagkataon na ito ‘yung time na kakalipat ko nga lang. Our show for Channel 2 is still being prepared so ngayon nagkaroon ako opportunity to make a movie for Cinemalaya,” paliwanag ni Iza na isa rin sa mga bida sa ABS-CBN primetime series na Kahit Puso’y Masugatan.

Ano ang impression mo sa Cinemalaya? Would you say it’s a big deal to be part of it?

“Yes, definitely, it’s a big deal. It’s the first independent festival in thePhilippinesand ang dami ng magagandang pelikulang na na-produced ng Cinemalaya. Kumbaga, pag isa kang actor at mainstream movie ang ginagawa mo, you would want to do a Cinemalaya project at baka makahuli ka nang isang magandang material.

“Hindi naman sa hindi maganda ang material sa TV or sa mainstream movie pero there are a lot of compromises that you have to make, image-wise. Or iisipin rin nila: will the become a hit? Pero pag sa Cinemalaya, you don’t have to make those adjustments for money-making purposes. Story ang priority,” pagwawakas ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN