Kim Chiu and Gerald Anderson's "I've Fallen For You" opens on September 26


Kim Chiu and Gerald Anderson (leftmost) play characters who havetotally opposite personalities in the movie I've Fallen For You.This Star Cinema film is directed by Lino Cayetano (middle).


Baby project ni Direk Lino Cayetano ang pelikula nina KimChiu at Gerald Anderson titled I've Fallen For You na showing na sa September 26.



"We are happy that Direk Lino came on board for this project. He is verymeticulous, hardworking and it showed in this endeavor," ayon sa producerng pelikula na si Marizel Samson-Martinez.



Hindi lang ang mga fans nina Kim at Gerald ang nakaabang na sa nasabingpelikula kundi maging ang pamilya ni Direk Lino. Pero may wish ang bagong moviedirector na nali-link ngayon sa anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KCConcepcion.


"Sana noon pa ako gumawa ng pelikula para napanood ng Daddy ko,"ang dasal ni Direk Lino, referring to his late father, former Senator ReneCayetano. Namatay ang Senador noong 2003 dahil sa sakit niyang stomach cancer.



Base sa napanood naming rushes ng pelikula, hindi lang ito love story kundi mayaral din para sa mga pamilya anuman ang katayuan nila sa buhay. Kasama sa kuwento ngpag-ibig ang values na kailangang mapanood ng mga kabataan lalo na sa panahongito.



"Nakakatuwa po ang characters namin dito ni Gerald. Very Pinoy at makikitapo natin kung paano na mag-isip ang mga kabataan ngayon at very real po ang issues natina-tackle po namin sa pelikula," kuwento ni Kim.



"Parents will definitely enjoy this movie not just because of the viewingexperience but also because they know na maraming mapupulot [na aral] ang kids nila dito. Kamimismo we learned a lot from our characters and nagpapasalamat kami sa StarCinema for giving us a beautiful material," dagdag naman ni Gerald.

Sina Kim at Gerald ay mga batang parehong may pangarap attutulungan nila ang isa't isa na abutin ang mga pangarap na iyon. Ngunit, maynakaraan ang kanilang mga magulang na siyang magiging hadlang upangmagkatuluyan ang dalawa.

Ang pelikulang ito mula sa Star Cinema ay ipapalabas samahigit na 100 cinemas sa buong Pilipinas simula September 26. Bukod kina Kim atGerald, mapapanood rin sa I've Fallen For You sina Albert Martinez atChin-Chin Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN