Alan Paule and Joy Viado grace Philippine premiere of MNL 143

MNL 143 director Emerson Reyes (left) said during the premiere: "Nandito kami hindi para patunayan na mali sila kundi para patunayan na kung ano ang gusto mong gawin, pagsikapan mong gawin." The controversial film stars Alan Paule (right) and Joy Viado.


Successful ang Philippine premiere ng indie film na MNL 143 ng baguhang filmmaker na si Emerson Reyes. Ginanap ito noong Sabado ng gabi, July 7, 2012, sa Cine Adarna ng Film Institute ng University of the Philippines sa Dilman,Quezon City.

Napuno ng mga estudyante, taga-industriya at entertainment media, at cineastes ang mahigit 800-seater na venue.

Bukod sa mga lead actors ng pelikula--sina Alan Paule at Joy Viado--ay dumalo rin ang iba pang cast members as well as mainstream and theater/indie actors tulad nina Gardo Versoza, Earl Ignacio, Cris Pasturan, Sherry Lara, Cheryl Ramos, Chrome Cosio, Dante Balois, among others. Naging panauhin ang talent managers Ed Instrella na sina Ivy Vicencio.

Bago mag ika-8 ng gabi inumpisahan ang program sa pamamagitan ng maiikling pananalita mula sa co-producers, Nestor Abrogena and Baby Ruth Villarama, at MNL 143 director Emerson Reyes.

Matatandaang nagkaroon ng matinding kontrobersiya ang pagsasa-pelikula ng MNL 143 mula nang mag-disqualify ang pelikula mula sa 8th edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Ang entry na ito ni Direk Emerson ay isa sa 10 scripts na napili upang mag-compete sa New Breed Section.

Ang pinaka-ugat ng isyu ay ang hindi pag-a-approve nina Robbie Tan, Cinemalaya monitoring head, at Laurice Guillen, competition director, sa casting ng pelikula, partikular ng mga gaganap na bidang sina Alan Paule at Joy Viado.

Hindi tinanggap nina Abrogena at Emerson Reyes ang “lead casting disapproval” at mariing ipinaglaban ang orihinal nilang choice, kaya umatras sila sa Cinemalaya upang ituloy pa rin ang pagsasa-pelikula sa pamamagitan ng ibang producers at co-producers, kabilang ang Voyage Studios ni Chuck Gutierrez.

Pinalitan ang MNL 143 sa Cinemalaya (na tatakbo mula July 20-29) ng Intoy Syokoy Ng Kalye Marino, by debuting filmmaker Lem Lorca.

Sa kanyang maikling opening speech, nagpasalamat si Direk Emerson sa maraming manonood na nagpunta sa MNL 143 premiere.

"Nandito kami hindi para patunayan na mali sila," bungad ni Direk Emerson, "kundi para patunayan na kung ano ang gusto mong gawin, pagsikapan mong gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang MNL 143 ay tungkol sa isang binatang driver (Alan Paule) na may-ari ng minamanehong FX; at sa kanyang malungkot na pag-asam at paghahanap sa isang long-lost partner (Joy Viado).

Naging kuwela sa maraming napakapanood ang katatawang kuwento ng pag-ibig, na ang kabuuan ay kinunan sa matao, ma-traffic, at abalang kalye ng Maynila at Quezon City, sa araw-araw na takbo ng pamumuhay ng karaniwang Pilipino.

Masaya si Direk Emerson sa naging audience turnout; maraming beses na pinalakpakan ng mga nanood ang mga eksenang katatawanan, na sumasalamin sa mga gawi, isipan, at katotohanan ng buhay-Pinoy, sa loob at labas ng sasakyang FX.

"Ginawa ko yung gusto ko dahil sa inyo. Kung nakatulong man yung controversy, okay na rin," sabi pa ni Direk Emerson.

Tulad din sa maikling pelikula niyang Walang Katapusang Kuwarto, ang Best Picture at Best Director prize-winners sa 7th Cinemalaya (Short Film category) noong 2011, taglay ng MNL 143 ang sense of Pinoy humor na nilayon ni Emerson Reyes na maging pangunahing sangkap o katangian ng kanyang obra.

ALAN PAULE & JOY VIADO. Sa post-screening open forum ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Alan Paule at Joy Viado hinggil sa naging damdamin nila, nang tanggihan o ma-disapprove sa Cinemalaya ang pagka-cast sa kanila bilang mga pangunahing artista ng MNL 143.

"Wala na 'yon. Okey na 'yon. Pasalamat na lang kami, sa pagpunta n'yo ngayon," masiglang sagot ni Alan.

Ganu'n din ang pahayag ni Joy Viado, na kinagiliwan ng mga kabataang manonood.

"Siyempre, nasaktan kami," ani Joy. "Pero, wala na 'yon. Heto na kami ngayon... masaya!"

Matapos ang Q & A, sinabi ni Joy Viado na masaya siya sa naging karanasan sa pagganap na bida sa MNL 143. Hindi niya tinukoy kung mayroon o wala siyang talent fee na tinanggap.

"For the love..." wika lang niya nang kausapin niya ang PEP.ph.

"Siguro, gano'n ako naging ka-dedicated sa film na ito kaya nasaktan ako nu'ng...[ni-reject kami ni Alan sa Cinemalaya].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit naman sino, di ba? Parang hindi nila naintindihan na nu'ng isinusulat ng direktor [ang script na] ito, e, kami yung nasa utak niya. Yun 'yon! Given naman 'yun, di ba? 'Kaloka!

"Pero lumipas na rin 'yon," nangiti uli si Joy.

Bilang bahagi rin ng mainstream movies and television, may role si Joy Viado sa Suddenly It's Magic! Ito ang romantic comedy ng Star Cinema kunsaan bida sina Erich Gonzales at ang Thai heartthrob na si Mario Maurer. May regular appearance rin si Joy sa LUV U, a youth-oriented campus weekly sitcom on ABS-CBN.

EMERSON REYES SPEAKS UP. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP at mga estudyante na tanungin si Direk Emerson Reyes tungkol sa MNL 143:

Question: Napansin namin na parang isang take lang ang mahabang biyahe, mula Maynila hanggang sa may Philcoa, sa Quezon City...

Direk Emerson: Isang take lang [talaga 'yon]...

Question: Bakit FX ang napiling sasakyan as settings; hindi jeepney o tricycle, na palagi ring sinasakyan ng mga Pinoy?

Direk Emerson: Kasi, when I was attending a scriptwriting workshop, everyday, I rode the FX, back and forth... and I got inspired by all the people [FX passengers] who have their own stories to tell.


Sa FX din, kasi tahimik, mas convenient mag-shoot; kung sa jeep, bukas ang mga bintana, masyadong maingay. Pag tricycle, limited ang makakasakay, baka maging four hours ang film. I just tried my best to tell their stories.

Question: Magkakaroon ba ng spin-off (part 2) ang kuwento nina Ramil (Alan's character) at Mila (Joy's character)? Gaano katagal ginawa ang pelikula?

Direk Emerson: Tingnan natin (laughs)... With the actors, four days sang shoot, tapos 'yung ibang shots [establishing, cutaways, etc.], two days. From 8 AM to 5 PM. Kasi pag wala nang araw, hindi na puwede.

Question: (para sa ibang cast member) Hindi ba “bitin” ang participation n'yo, dahil maikli lang ang "biyahe" n'yo sa kuwento?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Answer: (mula kay Cris Pasturan, gumanap bilang student filmmaker/actor) Hindi po. Bago naman namin tinanggap yung project, sinabi sa amin ng direktor [ang magiging role namin]. At saka, parte naman ng paggawa ng pelikula yung merong mas mahahaba ang roles, merong mas maiksi.

"Tawa lang kami nang tawa nu'ng binabasa namin yung script. Parakaming mga baliw. I think yung napatawa mo yung mga tao dahil sa pinagsasabi mo, okay na 'yon."

"ENOUGH OF 'POVERTY PORN.'" Nagpasalamat ang mga dumalong cast, staff, at sina Direk Emerson Reyes and co-producer, Baby-Ruth Villarama, sa magandang pagtanggap sa MNL 143, Reyes' first full-length film.

Sabi ni Ms. Baby-Ruth Villarama: "Nagpapasalamat po kami. It's a very small film and we did it with our very limited resources.

"Sana, ma-inspire ang iba with this film, kasi posible naman siya. Tama na yung mga poverty porn... Sana tulungan n'yo rin kami na maipakalat ang tungkol sa pelikula... habang may Facebook at Twitter!"

Ayon pa kay Ms. Baby-Ruth, "We've been promoting regional films, like Busong and Halaw. Wala pa kaming MTRCB and Cinema Evaluation Board ratings. Hopefully, maipa-review na rin namin ang MNL 143 para makalabas kami sa sinehan.

"Pero sa mga schools, marami na'ng nag-i-invite. We're also going on a campus tour, in UP,La Salle[and other schools]."

Sabi naman ni Direk Emerson: "Salamat sa inyo. Kung nagustuhan n'yo ang film, pakibanggit sa inyong mga kaibigan, pinsan, asawa, kapatid.

"Meron pa kaming next screenings; this July sa Fully Booked sa The Fort, and sa schools.

"So far, sa schools pa lang yung mga screenings.”

REACTIONS AT EDINBURGH FEST. Tinanong din ng PEP si Direk Emerson tungkol sa naging reception ng foreign viewers nang itanghal ang MNL 143 sa Edinburgh International Filmfest sa Scotland.

"Maganda ang reaction [ng foreign viewers]," saad ni Emerson. "Bale... so far, ang daming nagsusulat ng magagandang reviews."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MNL 143 had its world premiere at the said European International Film Festival that took place from June 21 to July 1, 2012.

"The film was part of the Philippine New Wave Section. Yung iba [foreign viewers], parang first time pa lang nilang nakapanood ng Pinoy film, so na-excite silang manood pati ng ibang Pinoy films."

Any plans for a commercial/theatrical run of MNL 143 sa Pilipinas?

"Wala pa, kasi hindi pa namin mai-offer kung kanino man. Wala pa kaming distributor. Hindi pa namin nao-open sa distributors," sambit ni Direk Emerson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN