Direk Joel Lamangan on Jodi Sta. Maria: "Isang malaking kawalan sa mga award giving bodies kapag hindi na-nominate si Jodi [sa Migrante] bilang Best Actress."

Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg">

Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg">

Migrante, starring Allen Dizon and Jodi Sta. Maria, will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15, 2012.


Sa final interlock ng Migrante (The Filipino Diaspora) ay pinalad ang PEP.ph na mapanood ang pelikula at nakapanayam ang si Direk Joel Lamangan kasama ang scriptwriter na si Bonifacio P. Ilagan noong July 28 sa post production house sa Makati.

Sa kabuuan mistulang mainstream film ang Migrante, majority ng mga artistang nagsiganap sa pelikula ay mga mainstream stars kagaya nina Jodi Sta. Maria, Allen Dizon, Bangs Garcia, Alex Castro na pawang napapanood sa ABS-CBN at sa GMA-7 tulad nina Luis Alandy, Chynna Ortaleza, Ryza Cenon at Rich Asuncion. Curious kami kung paano nila nagawang magpasama sa kabila ng matitinding schedule at magkalaban ang mga istasyon na kinabibilangan nila sa kasalukuyan.

"Hindi naging mahirap para sa amin ang schedule ng shooting dahil bawat artista sa pelikula ay cooperative at sadyang inayus ang individual schedule para mapagsama-sama sila ng schedule. Kabilang na dito ang shooting abroad…” paliwanag ni Direk Joel.

Sa hanay ng mga OFW films na aming napanuod ay natural lamang ang pag-shooting abroad upang mapakita ang distansya ng pinagta-trabahuhan nila at added attraction ang ganda ng lugar sa ibang bansa. Ilan dito ang pelikulang "Milan" na nag-shooting sa Italy, ang “Dubai” na nag-shoot sa Dubai, ang “Anak” na nag-shooting sa Hongkong, ang “Caregiver” na nag-location sa London, ang “A Mother’s Story” na nag-shoot sa Amerika”, “Miss X” sa Amsterdam,”Waikiki” sa Hawaii at “Carnival Queen” sa Brazil.

Ang “Migrante” ay nag-shooting sa Israel halos 70% ng pelikula ay nangyari sa Holy Land kagaya ng Jerusalem, Via Dolorosa kung saan pinasan ni Jesus Christ ang mabigat na krus; ang Bethlehem kung saan pinanganak si Jesus; Sea of Galilee; Nazareth; ang pamosong Dead Sea; Garden of Gethsemane; Church of Mary Magdalene at marami pang iba. Obviously, sa location pa lang ay ginastusan na ang pelikula. Hindi rin nagpahuli ang location sa Pilipinas, kung saan pinakita ang ganda ng Candaba,Pampanga, ang Bird Sanctuary ng punong-puno ng migratory birds at ang bundok Arayat.

Tinanong namin ang scriptwriter kung bakit nila naisipan na mag-location shooting sa Israel.

"Ang kagandahan ng Holy Land ay bagay na bagay sa tema ng aming OFW story to a certain extent [because] of religious symbolism and parallelism when it comes to our OFW sacrifices. Plus the fact that we need a Middle East country and shooting in Israel is great despite of their tight security. Bago ko isinulat ang script ay nag-research kami at location check ng supervising producer and line producer na si Dennis Evangelista,” pagku-kuwento ni Boni Ilagan.

Bilang director, naiderehe na ni Direk Joel Lamangan ang halos lahat ng major stars tulad nina Nora Aunor,Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa,Jaclyn Jose, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, at Eddie Garcia, among others. Ano ba ang sekreto ni Direk Joel sa pag-mootivate ng kanyang mga artista?

"Likas silang mahuhusay. I only guide them and there are times na kailangan tutukan para sabihin kung anu ang sobra at kulang sa performance nila. I told them not to act or perform. Gusto ko natural lang at nasa puso nila ang character," abni Direk Joel.

Tinanong namin ang scriptwriter na si Boni Ilagan, kung sino sa cast sa tingin niya ay mahusay sa pagbibigay buhay sa kanyang script.

"Lahat sila magaling pero masayang-masaya ako sa performance na binigay ni Jodi. Mula simula hanggang katapusan ay nabigyang buhay niya ang hinihingi ng character, the whole gamut of emotions pero buong husay niyang naipakita with flying colors. Kapuri-puri rin si Allen sa kanyang simple pero tumatagos sa puso na pagganap, lalo na sa huling yugto ng pelikula. One thing about Allen, he is a natural actor, never siyang nag-OA [overacting] at hindi siya nagpakita ng soap opera acting na sobrang emote. Nagustuhan ko rin sila Jaime Pebanco, Chynna Ortaleza at Luis Alandy as they represent OFWs working also as volunteer at tumutulong sa mga kapwa nila OFW.”

Bilib rin si Direk Joel sa performance ni Jodi kung kaya sabi niya, "Isang malaking kawalan sa mga award giving bodies kapag hindi na-nominate si Jodi dito bilang Best Actress."

Nakakalamang ang domestic drama kesa political na tema sa pelikula kumpara sa mga naunang tambalan nina Lamangan at Ilagan. Nangingibabaw sa pelikula ang kuwento ng pamilyang nawasak dahil sa pangingibang bansa. Isang trahedya na masakit tanggapin pero isang nagmumurang katotohanan. Pero hindi pa rin makakaila na likas na matapang ang pelikulang “Migrante” pagdating sa isyu na nais nitong talakayan. Anu nga ba ang nais iparating ng tambalang Lamangan at Ilagan sa kanilang mga taga-subaybay?

"Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit pero lahat ng mga character na makikita ninyo sa pelikula ay mga tunay na tao, pansinin ninyo ang embassy, ang Department of Foreign Affairs at ang gobyerno. Ano ba ang 'labor export policy? Tunay bang may proteksyon ang mga kababayan nating OFW?” pagwawakas ni Boni Ilagan.

"Marami ng OFW stories na nagawa pero sa aming pelikula ay hindi kami nangingimi na patamaan ang responsible sa dusang dinadanas ng mga mahal nating OFW. Tunay nga na sila ay bagong bayani pero kalunos-lunos ang kanilang sitwasyon. Sana ang pelikula bilang makapangyarihan na midyum ay maging instrumento para maging boses siya ng mga OFW na nasisira ang buhay dahil sa patuloy na kahirapan sa ating bayan…” matapang na paglalahad ni Direk Lamangan….

Nalilinya rin ngayon si Direk Joel sa paggawa ng mga tinatawag na indie films. Kilala ang direktor sa paggawa ng mga mainstream film. Ano ba ang naghikayat sa kaniya para gumawa ng mga ganitong tema ng pelikula?

"Unang-una ang maganda kasi sa indie film, malaya ka. Walang nagdidikta sa iyong producer kung kung ano ang dapat gawin at hindi gagawin. Kung sino ang dapat ilagay sa cast at hindi dapat ilagay. yung mga ganun. Independent. Walang dikta. Malaya.
Natutuwa rin ang batikang direktor sa magandang kaganapan ngayon sa Cinemalaya Film Festivasl dahil halos karamihan ng mga entries ngayon ay pinasukan na ng mga mainstream at mga major stars ng pelikulang lokal.

"Tama. Maganda yun. Nabibigyan na ng importansiya at pansin ang mga mga indie film. Magandang senyales yan na yung mga artista nating sabihin na nating sikat o may pangalan ay nakiisa at nakisama na rin pero sa akin din naman ok lang din kahit sinong ilagay sa pelikula ko kahit may pangalan o walang pangalan ay ok lang. Naniniwala naman ako na hindi naman nakasalalay sa ikagaganda ng pelikula kung sino ang gumanap basta mahusay yun ang importante sa akin.

Ang Migrante ay pang-lima sa pelikulang pinagsamahan ni Direk JOel at Boni Ilagan. Nauna na dito ang The Flor Contemplacion Story na napili para sa Cairo International Film Festival best picture at best actress (Nora Aunor), co-writer ni Mr. Ilagan sa nasabing obra si Ricky Lee. Sumunod ang "Dukot” na tumalakay sa human rights violations and extra judicial killings. Pangatlo,ang historical political drama na “Sigwa” na tumalakay sa masalimuot na era ng Martial Law. Pang-apat ang “Deadline: The Reign of Impunity” about media killings and loosely based on the Maguindanao massacre. Ikalima nga sa team-up nina Lamangan at Ilagan ang Migrante (The Filipino Diaspora).

Samantala, Ang Migrante (The Filipino Diaspora) ay magkakaroon ng Philippine premiere sa July 15,2012 sa Robinsons Galleria. Magkakaroon siya ng whole day screening na magsisimula sa 10am, 1pm, 4pm at 7pm na siyang pinaka-gala premiere kung saan inaasahan na dadalo ang buong cast and staff ng pelikula.

Katulong ang Migrante International sa pagpapalabas ng pelikula sa Robinsons Galleria Cinema 5. Inaasahan ang pagdalo ng mga OFW advocates and supporters. Ang Philippine premiere ay pasimula ng malawakang pagpapalabas ng pelikula sa ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa kagaya ng Europa, America, Canada, Australia, Hong Kong, Taiwan, Japan, New Zealand, at Middle East countries.

Ayon naman kay Dennis Evangelista, supervising producer, ongoing ang negotiations para sa possible film distribution of Migrante in Italy. There is also talk of having it dubbed in Italian. In addition, there are plans to showcase the film Filipino communities in Europe.

Ang Migrante ay produced ng XITI Productions na siya ring nag-produce ng Deadline: The Reign of Impunity at Patikul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg">


Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg"> Migrante] bilang Best Actress."" data-url="https://www.pep.ph/guide/movies/10545/direk-joel-lamangan-on-jodi-sta-maria-isang-malaking-kawalan-sa-mga-award-giving-bodies-kapag-hindi-" data-desc="Migrante will have special screenings at Robinsons Galleria on July 15." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/ecc85b4e4.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN