Coco Martin on difficulty of shooting Sta. Nina: "Nagbuhat ako ng krus dito sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw."


Ngayong 2012, muling mapapanood si Coco Martin sa isang independently produced film. Ang actor na tinaguriang “The Indie Prince” ay siya ring co-producer ng Cinemalaya entry na Sta. Niña.

Directed by Manny Palo, ang Sta. Niña ay entry para sa New Breed category ng 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gaganapin mula July 20-29, 2012. Ang naturang pelikula ay ipapalabas sa Cultural Center of the Philippines, at select cinemas sa Greenbelt, Makati City; at TriNoma, Quezon City.

(CLICK HERE to read all about the entries and check schedules)


Sa recent press conference ng Sta. Niña ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco tungkol sa bago niyang indie film. Ang huli niyang nagawang indie film ay ang Noy na ipinalabas noong 2010.

“Medyo mahirap kasi, habang ginagawa ko yung Walang Hanggan, ginagawa ko rin yung pelikula namin ni Angeline [Quinto] na Born To Love You, kasabay ang paggawa ko nitong indie film ko na Sta. Nina,” kuwento ni Coco.

“Sabi nga ng iba, kung nagda diet daw ako, sabi ko hindi ako nagda diet, nangangayayat ako dahil sa hirap sa trabaho. Lalo na ito na medyo nagbuhat ako ng krus dito sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw.

“Pero masaya, kasi, dito ako sa indie film nagsimula kaya kahit anong hirap ay talagang masaya kong ginawa ang pelikulang ito, dahil na miss ko talaga yung indie film.”

Tungkol saan ba ang Sta. Nina?

Coco: “Meron akong anak dito, two years old siya at namatay noong 1995. Kasama ko rito si Alessandra de Rossi bilang asawa ko. Noong 1995, bumagyo then pumutok ang Mount Pinatubo. That time nakaburol ang anak namin, habang lumilikas kami para takasan ang lahar, inagos yung anak namin na naka burol hangga’t hindi na namin siya na save. After 10 years na nagkahiwalay na kami ni Alessandra, nagta trabaho ako sa isang quarry, nahukay ko yung bangkay ng anak ko. Hindi siya na agnas, walang nangyari sa kanya. Parang after 10 years kung ano yung itsura nya binurol siya ganun pa rin itsura niya. Lahat nung mga nasa baryo ang iniisip na baka nag hihimala siya. Hanggang sa dumami nang dumami ang naniniwala na nag hihimala siya, mayroon napapagaling, merong hindi. Ayun nga, dahil sa pangyayaring yun, pinu push ko yung anak ko na maging santo.”

Ayon kay Direk Manny Palo, ang Sta. Niña ay isang fictional story na kanyang sinulat with his co-writer Liza Magtoto.

Aniya, na-inspire siya na sulatin ito ng makakita siya ng litrato ng isang batang babae na na-preserve ang katawan noong namatay siya sa Italy noong 1920.

What inspired you to write this story?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manny: "I’ve been wanting to join Cinemalaya since 2008 but I was also busy directing soaps. Last year pinanuod ko lahat yung Cinemalaya films with the intent of joining this year. And then nag-isip ako ng kwento na kakaiba dun sa mga naunang Cinemalaya entries. And then parang gusto ko tungkol sa mga Kapampangan. I’m from Angeles City. It has always been a dream for me to have my first film to shot in Pampanga. So I thought of a story na situated in Pampanga tapos sabi ko, why not in Bacolor? Ito ang oldest town in Pampanga na natabunan ng lahar in 1991. Then nabuo yung kuwento ko by a picture na which I saw from a magazine, sa National Geographic actually."


Ano pong itsura nung photo na yun?

Manny: "Yung mga Capuchins…may Capuchin monastery in Sicily, Italy. There is a picture of a young girl, a two-year old girl named Rosalia Lambardo who died of pneumonia in early 1900’s and up to now napreserve yung katawan niya. That started yung idea na kwento ng isang bata na pinanganak nung naglahar tapos 10 years later nahukay siya sa lahar intact yung katawan niya.


"Another image kasi na nag-inspire sa akin...I studied my post grad in Film Direction sa India. And in 2005, nag-celebrate nila sa India ung 400th year ng death anniversary ni St. Francis Xavier in Goa. At that time, we were attending the International Film Festival of India. So nakita ko siya, pinrocession siya, eh. Yung katawan niya was intact, 400 years na yung katawan nya. So sabi ko, baka pagdating ng panahon, makagawa ako ng pelikula about this.


"And in the Philippines, napakarami nating faith healers, missionaries and mga psychics. I was bent on making a film na Pilipino ang sensibility at pinapakita sa kwento na tayong mga Pilipino naniniwala tayo sa mga faith healers. Also, we depend on luck o swerte because we are poor. When you are poor, you have no one to run to. Kapag nagkakaproblema ka, you run to God or you rely on luck o swerte."


MOVIE WITH MARIAN RIVERA. Kinuha rin ng PEP.ph ang pagkakataon na ito upang tanungin si Coco tungkol sa gagawin niyang pelikula with Marian Rivera na ipo-produce ng Regal Films.

Sa previous interview ng PEP.ph kay Marian Rivera, sinabi ng GMA-7 actress tungkol kay Coco: ““Ang galing niyang umarte. Natsa-challenge ako sa kanya… magaling nga talaga at may puso talaga siyang umarte.”

(CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta yung pelikulang ginagawa niyo ni Marian, nagsimula na ba yung shooting niyo?

“Hindi pa, baka start ng shoot namin sa August pa.”

Anong masasabi mo sa reaksyon ni Marian na na excited daw siyang maka trabaho ka kasi sobrang galing mo raw umarte? Anong reaksyon mo sa sinabi niya?

“Nakakatuwa, excited na rin akong makatrabaho sya, nasananga masimulan na. Inaayos na lang siguro yung story at yung schedules namin baka by August masimulan na.”

Ano ba ang theme ng pelikula nyo ni Marian?

“It’s a drama love story. Excited din ako kasi kauna unahan kong makaka trabaho bilang director si Direk Mario J. delos Reyes.”

Na meet mo na ba personally si Marian?

“Nag meet na kami before ni Marian kasama si Direk Mario J, pinag meetingan na namin about dun nga sa pelikulang aming gagawin.”

Na-meet mo na rin personally si Dingdong Dantes, ang boyfriend ni Marian?

“Oo naman, napakabait na tao ni Dingdong.”

Napag usapan niyo na ba yung magtatambal nga kayo ni Marian sa isang pelikula?

“Hindi pa namin napapag usapan yun, pero kasi nagkasama na kami [ni Dingdong] sa isang campaign ni President Noynoy Aquino noon, kaya nasabi kong napakabait at napaka humble na tao ni Dingdong.”

(CLICK HERE to view screening schedules and learn how to purchase tickets for Cinemalaya 2012)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN