Eddie Garcia, Armida Siguion-Reyna, and Rez Cortez learn about friendship because of a dog in Bwakaw

In Bwakaw, Eddie Garcia is cast as a 75-year-old gay man who learns to open up because of his pet dog. His character Rene (right) becomes particularly close to a tricyle driver played by Rez Cortez (left).


Kasalukuyang ginaganap ang 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City; Trinoma (Cinema 1) sa Quezon City, and Greenbelt 3 (Cinemas 3 and 5) sa Makati City.

Naging popular through “word of mouth” ang Bwakaw mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana (as he is billed in the film), na pinangununahan ng seasoned actor-director na si Eddie Garcia. Ito ay isa sa 5 entries na maglalaban sa Director’s Showcase category ng Cinemalaya na magtatapos sa darating na Linggo, July 29, sa CCP.

Saksi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papaano punuin ng Bwakaw ang CCP Main Theater noong gala screening ng pelikula noong July 23, Lunes ng gabi.

May “riot” comedy scenes ditong talagang bentang-benta sa audience, partikular na ang “kabaong” scene at ang “kissing scene” ng mga characters ni Eddie na si Rene at ang tricycle driver na si Sol, played by Rez Cortez. Ang character ni Eddie ay isang 75-year-old gay na may alagang asong may pangalan na “Bwakaw.”

Bago pa man nagbukas ang Cinemalaya 2012 ay nakausap na ng writer na ito ang writer-director ng pelikula na si Direk Jun, sa press conference ng nasabing indie film festival na nasa ikawalong taon na.

Ayon kay Direk Jun, ang inspirasyon niya sa paglikha ng script ng Bwakaw ay ang kanyang pumanaw na mentor na si Rene Villanueva.

“Noong 2007 ko pa sinimulan ito,” sabi ni Direk Jun.

“I wanted to write something to honor my mentor, Rene Villanueva. He’s a playwright.

“After he died, I was toying with the idea to write a material based on his character. And ayun, eto! Slowly, nabuo.

“And I also wanted to do a movie about dogs, ‘coz I really have a passion for dogs. I love dogs. So, ayun, nabuo ko siya.”

Dagdag niya, tumagal ng 5 taon bago ito naisakatuparan dahil nahirapan siyang i-alok ang kanyang material sa mainstream producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, matagal ko na siya talaga nilalako [sa mga film producers].

“Mahirap lang talaga siya ibenta sa mainstream [producers], sa totoo lang.

“Imagine, ang bida ko is a 75-year-old guy na bading pa. Tapos, may aso… Mahirap talaga siyang ibenta sa mainstream.

“So, nag-iipon din ako talaga [ng pera to finance the film]. I was thinking na ifa-fund ko siya.”

Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na sinubukan niyang i-submit ang kanyang “obra” sa screening committee ng annual Cinemalaya noong isang taon.

“And then, ayun, dumating ‘yung opportunity ng Cinemalaya… And, tamang-tama naman, eksakstong kasing-edad ni Tito Eddie, perfect for the role.”

Hindi siya sumuko sa kanyang “dream film project”?

“Hindi,” sagot niya. “Kasi, there was a time na noong sinusubukan ko siyang maging pelikula, nahirapan rin akong maghanap ng aso.

“Hindi ganoon kadali, eh.”

Bakit mula noon ay hindi niya sinubukang i-submit ang kanyang Bwakaw script sa Cinemalaya?

“Nalalapagsan ako palagi ng pagkakataon. Nakakalimutan ko. Late ko nang nalalaman. Hanggang sa medyo naging busy na rin ako sa GMA [bilang creative consultant ng maraming shows].

“Talagang nalalagpasan lang talaga ng deadlines. Nakakalimutan ko! Until ngayon, until nabuo ko na siya.

“At nagka-oras na rin ako, tamang-tama itong Cinemalaya talaga.”

Sa unang pagkakataon niyang i-submit ang kanyang script sa Cinemalaya, punung-puno ng mixed feelings si Direk Jun – kabado, excited, takot.

“I was a little bit scared, because from the very beginning kasi I knew na I had to work with a certain budget.

“Tapos, pi-neg kong dapat 10 [shooting] days lang ako, tapos na ang pelikula. Tapos, siyempre, may aso ako… ‘Matapos ko kaya ito?’ Gano’n ang thinking ko.

“You know, hindi mo mapipilit ang isang aso kung ayaw niya. The dog must be really, really good.

“And then, a month before the actual shoot, biglang nag-back out yung aso! Sabi ko, ‘My God! I don’t think na matutuloy pa ito!’” kuwento ni Direk Jun na hindi na nag-elaborate ng dahilan sa pag-back out ng original aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON EDDIE GARCIA. Sa telebisyon, nakaka-ilang beses na ring nakatrabaho ni Direk Jun ang legendary actor na si Eddie Garcia, pero first time sa big screen.

“On television, I have worked with Tito Eddie several times. Ang isa ay ‘yung La Lola, I was the co-director noon and si Tito Eddie ang isa sa mga artista namin. And yung iba pang projects on television.”

Ano’ng masasabi niya sa perforamce ni Eddie Garcia?

“He’s always been professional,” sabi niya. “’Yung endurance and professionalism niya, it amazes me!”

Sa San Pablo, Laguna ang magandang location ng kabuuan ng pelikula.

Imbis na magbakasyon, gniamit ng cast ang Holy Week nitong taong ito para sa shooting ng Bwakaw.

Kahit puyat at pagod, bilib daw si Direk Jun sa professionalism ni Tito Eddie sa trabaho.

Kuwento ni Direk Jun: “Sa isang shooting day namin, nag-pack up kami nang 12 midnight, dahil naubusan na kami ng oras.

“Ang next call time namin [the following day], ay 3 a.m.! Nakiusap ako, pumayag siya.

“Sa next day, dumating ako at ang staff ng 4 a.m., dahil sa sobrang pagka-ngarag at pagod… Si Tito Eddie, nasa set na ng 2:30 a.m.!

“Hiyang-hiya ako sa kanya, grabe! I mean, di ba?! Na-pack-up ng 12 midnight, halos hindi na siya natulog. Umuwi pa siya [sa tinutuluyan ng cast].

“Isa yun sa mga hinding-hindi ko malilimutan sa kanya.”

Sa pakikipag-trabaho niya kay Tito Eddie sa pelikula, ano ang narealize niyang tunay na ugali nito na hindi alam ng public, in general?

“I am amazed talaga sa kanya… Sa dami ng mga artistang nakatrabaho ko, mga artista kasi ay tao rin naman ‘yan eh.

“Minsan, ‘pag pagod na, there’s no more time to talk with the staff. To mingle with the fans…

“Si Tito Eddie, ibang klase! Dinudumog kami ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For his age, ha? He’s a superstar! Unbelievable yung appeal niya na, here’s this guy na ang tagal-tagal na, kahit saan kami magpunta, may sisigaw ng ‘Manoy! Manoy!’

“Basta, dinudumog kami basta exterior scenes namin.

“Kung minsan, tirik na tirik ang araw. Ang init-init. Pagud na pagod na kaming lahat… Pagktapos ng scene, kukunin ko siya para ilayo.

“Sasabihin niya, ‘Hindi, hindi, dito muna ako.’ Then, kakausapin niya ang mga tao… Lahat yun!

“Bilib talaga ako, bilib ako! Kinakausap talaga niya ang fans… Bilib ako, ibang klase.”

Sa pagtanggap ni Tito Eddie ng kanyang role, meron ba itong mga naging requirements o demands sa role?

“Wala, wala talaga. Kung ano yung pagkain namin, yun na ‘yon. Walang special-special.

“Sa preliminary meetings namin, madetalye talaga siya sa character niya, sa kuwento. Talagang pinag-usapan naming mabuti, like yung look niya…

“Meron siyang requirements na hiningi pero para sa character niya, hindi para sa kanya bilang artista.”

Overwhelmed at super-suwerte raw si Direk Jun in having worked with the award-winning actor and director.

ON ARMIDA SIGUION-REYNA. Sa Bwakaw, babalik sa pag-arte on the big screen si Ms. Armida Siguion-Reyna who has a special role in the film.

“Naku, isa pa ‘yang si Tita Midz! Hay, naku, talaga, sobra!

“Hindi ko talaga makakalimutan sa pagkakataong ito is to be able to work with Tita Midz… She’s magical. Yung presence niya, it’s magical.

“I didn’t realize kung gaano kalaki ang presence ni Tita Midz sa pelikula. Especially noong nagsama pa sila ni Tito Eddie sa eksena. Ang saya! Ang saya ng naging experience namin.”

Bakit niya nasabing “magical” ang presence ni Tita Midz? Nakatrabaho na ba niya ang dating producer ng Reyna Films?

“I’ve worked with her noon as producer sa mga pelikula ko noong nagsisimula ako. Prinodyus niya yung Tatlo, Magkasalo (starring Ara Mina). It was based on a Palanca-award winning script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, si Bibeth [Orteza, anak ni Armida] also bought a script na dinirek niya for television.

“This is the first time for me to work with Tita Midz as her director.

“Ibang klase siya! Hindi niya kailangan ng dialogue para i-convey ang emotions na kailangan ng script. Sobrang honor for me to work with her.”

Kasama rin sa cast sina Soxie Topacio, Joey Paras, Gardo Versoza, Alan Paule, Luz Valdez, Beverly Salviejo, etc., at proud rin si Direk Jun sa kanila.

“From the beginning, we really had to pull off a 10-day non-stop shoot. And so, we must have a brilliant cast.

“So, nakiusap kami sa mga taong ito. Sobrang binabaan nila ang mga TF [talent fee] nila. Pinadala muna namin ang script para mabasa nila. And naniniwala naman daw sila sa proyekto.

“At Holy Week pa kami nag-shoot. Kinuha ko ang mga bakasyon nila. Hindi sila nagdalawang-isip. Tuwang-tuwa ako na ang laki ng suportang ibinigay nila sa movie namin.”

First time ba niyang sumali sa Cinemalaya?

“Noong unang-unang Cinemalaya, the first Cinemalaya (2005), Palanca script ‘yung sinabmit ko… Na-short-list ako. Pero hindi ako nakuha [as official finalist].

“This is my second time after a long time.”

Ano ang mensahe ng Bwakaw sa kanyang audience?

“The movie is about the fear of growing old, and growing old alone. So, I guess, everybody will be able to relate to it.

“Also, more than anything, it’s about friendship, eh. Loyalty is not just between a man and a dog, but it’s really about friendship between people, and how it can save you; or how friendships can give you hope.

“It has a very universal message that everybody can relate,” pagtatapos ni Direk Jun.


Bwakaw is one of the 5 entries competing in the Director's Showcase category of the 8th edition of Cinemalaya. It will be screened at the Cultural Center of the Philippines, Greenbelt 3 and Trinoma until July 29, 2012.


(CLICK HERE to read all about this year’s competing entries)


(CLICK HERE to view screening schedules)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN