Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil and Kean Cipriano reminisce their high school life while filming The Reunion movie

The lead stars of The Reunion are: (L-R) Kean Cipriano, Enrique Gil, Enchong Dee and Xian Lim. They will star opposite leading ladies Cristine Reyes, Jessy Mendiola, Julia Montes and Bangs Garcia. Directed by Frasco Mortiz, this "barkada movie" will be screened in theaters nationwide starting August 15, 2012.


Bawat isa sa atin ay may hindi malilimutang alaala mula sa high school.

Pati ang mga lead stars ng The Reunion na sina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil at Kean Cipriano ay may masasayang alaala tungkol sa panahon na iyon.

Naikuwento ng apat na aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press noong July 31 ang kanilang most unforgettable high school memory.

Unang nagkuwento si Xian, na umaming may pagkamahiyain siya noon.

“Siguro ang pinakaunang nag-pop up sa ulo ko ‘yong mga times na wala akong kaibigan sa high school namin,” natatawang naalala ng aktor, sa presscon na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound sa Quezon City.

“Tapos kapag may mga times na… di ba, may mga days tayo na pinagtatawanan tayo, may mga gano’n, e, no’ng first day ng high school.

“Tapos kapag nag-reunion kami, pinagtatawanan namin ang mga sarili namin.”

Kung wala masyadong kaibigan si Xian noon, hindi naman papayag si Enchong na wala siyang maging kabarkada.

Kaya naman para magkaroon siya ng mga kaibigan, nagpapakopya siya ng assignments sa kanyang mga kaklase.

“Hindi, kasi mahilig ako mag-ano, ayaw ko na matapos ang high school nang wala akong nakasama, naging tropa.

“Kaya noong una wala rin akong kaibigan, sabi ko, ‘Paano ako magkakaroon ng kaibigan?’ so ako, nagpapagaya ako ng assignment,” ani Enchong.

Aminado naman sina Kean at Enrique na naging makulay ang kanilang high school life dahil sa mga kalokohang ginawa nila noon.

Hindi man kapani-paniwala, ang nami-miss ni Enrique ay ang mga panahong “napapagalitan ako ng teacher ko.”

Dahilan pa niya, “Kasi, ‘yon talaga ang memories ko sa high school hindi lang ‘yong mga good times, dapat pati ‘yong hopes na pinapatanda ng teacher mo.”

Kinuwento naman ni Kean ang pagkakataong nahalal siya bilang class president, ngunit pagkalipas ng dalawang linggo ay na-impeach siya agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa ng malakas si Kean at saka sinabing nami-miss niya talaga ang pagiging high school dahil “wala kang iniisip, wala kang problema.

“Ang problema mo lang kung may pera ka bang pang-date pagdating nang Saturday.”

MINOR MISHAP ON THE SET. Samantala, naibahagai naman ni Jessy Mendiola ang minor accident na nangyari noong isang shooting day nila.

Si Jessy ay gaganap na si Ali, ang nag-iisang babae sa barkada nina Lloyd (Enchong), Bogs (Enrique), Pat (Kean) at Joax (Xian).

Isang eksena raw kasi na naghahabulan sila ang kinukunan nang araw na iyon, nang aksidenteng maitulak ni Kean si Jessy.

Depensa naman ni Kean, “Kasi ganito ‘yan, panoorin ninyo ‘yong pelikula. Tapos tignan ‘nyo ‘yong formation namin, kung sino ang nasa likod ko.”

Kinontra naman siya ni Jessy, “Sandali, ako ang ini-interview!”

Nagtawanan at nagpalakpakan naman ang mga tao sa sagot na ito ng aktres.

THE SYNOPSIS. Ang pelikulang ito ang unang full-length film ni Direk Frasco Mortiz under Star Cinema.

Paglalarawan ng direktor, isa daw itong “barkada movie” kung saan marami ang makakarelate sa istorya, at sa bawat karakter sa kuwento.

Lahat naman daw kasi tayo’y nagdaan sa puntong “hindi mo alam paano magiging future mo, saan ka pupunta, ano magiging work mo, ano mangyayari sa buhay mo.”

Ang mga pagdadaanan ng mga karakter ay base sa ilang awitin ng OPM rock band na Eraserheads.

Tulad kasi ng The Reunion Album, ang pelikulang ito'y tribute para sa naturang OPM band.

Hindi kasi maikakaila na ang mga awitin ng banda ay naging repleksiyon ng mga pinagdadaanan ng kabataang Pilipino.

Ang kuwento ng The Reunion ay iikot sa apat na magkakabarkada na sina Lloyd, Pat, Bogs at Joax.

Habang ine-enjoy ang popularidad noong nasa high school pa sila, nagkaroon din sila ng kani-kanilang kasintahan.

Ngunit dahil sa isang kalokohang nagawa nila ay nakipaghiwalay ang mga ito sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Lloyd sa mga hiniwalayan ng kanyang kasintahan, kahit pa nadamay lamang siya sa kalokohang ginawa nina Pat, Bogs at Joax.

Mula noon, nagsimula na ang mga kamalasang nangyayari sa kanilang magbabarkada.

Kaya naman naisipan nina Pat, Bogs at Joax na tulungan si Lloyd na hanapin ang kanyang high school girlfriend upang magkabalikan sila.

Naniniwala ang tatlo na kapag naayos nila ang nasirang relasyon nina Lloyd at kasintahan nito, simula na iyon ng pag-ayos ng kani-kanilang buhay.

Ngunit ang hindi nila alam, ang paghahanap sa dating kasintahan ni Lloyd ang magiging daan upang malaman nila ang halaga ng kanilang pagkakaibigan.

Ilan pa sa mga kasama sa cast ng The Reunion ay sina Matt Evans, Megan Young, Julia Montes, Bangs Garcia, Tom Rodriguez, Joseph Marco, Ivan Dorschner, Alodia Gosiengfiao, Gina Pareno, Cacai Bautista, Luis Abuel, with the special participation of Cristine Reyes.

Mapapanood na ang The Reunion simula sa Agosto 15, sa mga sinehan nationwide.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN