Rated X ang commercial version ng "Ang Lalake Sa Parola"

by Dinno Erece
Sep 10, 2007
Above, a scene from Ang Lalake Sa Parola, a Viva Film that has been given an "X" rating by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Rated "X" ang commercial version ng Ang Lalake Sa Parola.

Last Monday, September 3, nagbigay ng special screening ang Viva Films for its gay-themed movie starring two Provoq Men Harry Laurel at Justin de Leon sa University of the Philippines Film Center. Napakaraming na-shock sa dami ng frontal nudity ng dalawang baguhang actor including a simulated sex scene.

This is the director's cut of the film helmed by Jay Altajeros, iba pa rin ang pina-review sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) last Tuesday.

Sa tatlong reviewers, dalawa ang nag-rate ng "X" at isa ang R-18 without cuts. Nanalo ang X kung kaya't kailangan pang ma-trim down ang commercial version na according to our source ay hamak na maiikli na at mabibilis ang mga frontal shots.

Next week nakatakdang ipa-re-review ang Ang Lalake Sa Parola sa MTRCB. Kung papasa, ipapalabas ang pelikula commercially this month.

Ang Lalake Sa Parola (The Man In The Lighhouse) ay isang digital film tungkol sa homoerotic journey ni Mateo (Harry Laurel) na gustong mahanap ang kanyang tunay na ama na umiwan sa kanya noong siya ay five-years old pa lang siya. Nakarating siya sa Lobo, Batangas, kung saan ‘di na niya naabutan ang kanyang ama na lumipad patungong Dubai.

Continue reading below ↓

Nakilala niya si Jerome (Justin de Leon) na isang bading mula sa Maynila habang nagtatrabaho siya bilang caretaker ng lighthouse sa Lobo. Doon na nagsimula ang kanilang kakaibang relasyon.

Pero biglang papasok si Suzet (Jennifer Lee), ang babaeng nagsusumikap na makuha ang pagmamahal at atensyon ni Mateo. Sino na ngayon ang pipiliin ni Mateo? Anong buhay ang gusto niyang sundin?

Read Next
Read More Stories About
indie
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Above, a scene from Ang Lalake Sa Parola, a Viva Film that has been given an "X" rating by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results