"Kubrador" producer prepares for next film project


"Mahirap itong [Kubrador] tapatan. Perosi Armando ‘Bing' Lao ang susulat ng script na magiging next project ngMLR Films. Sisimulan na niyang sulatin ang script and, hopefully,makakapag-shoot na kami by next year," says MLR Films producer Atty. Joji Alonso about her next film project after Kubrador, which was topbilled by veteran actress Gina Pareño (in photo).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Joji Alonso sa blowout party na ibinigay ng veteran actress na si Gina PareƱo para sa success ng indie film na Kubrador. Ipinahayag ng lady producer-lawyer na inihahanda na nila ang follow-up project nila sa MLR Films.

Ayon sa lady producer, mahirap daw humanap ng proyekto na kasing ganda ng Kubrador.

"Mahirap itong [Kubrador] tapatan," pahayag ni Atty. Joji. "Pero si Armando 'Bing' Lao ang susulat ng script na magiging next project ng MLR Films. Sisimulan na niyang sulatin ang script and, hopefully, makakapag-shoot na kami by next year. Hindi nga lang namin alam kung aabot kami sa mga film festivals na balak namin salihan next year."

Hindi pa alam ni Atty. Joji kung anong script ang susulatin ni Bing kaya hindi pa niya alam kung sino ang kukunin nila para magbida sa proyekto. Pero nagpiprisinta na muli si Gina na siya muli ang kuning bida ng MLR Films para sa kanilang follow-up project.

Samantala, excited si Atty. Joji para kay Gina sa darating na Urian Awards on September 13 na gaganapin sa Henry Lee Irwin Theatre ng Ateneo de Manila. Nominated kasi sa dalawang kategorya ang veteran actress: best actress para sa Kubrador at best supporting actress para sa Kasal, Kasali, Kasalo.

Ang wish ni Atty. Joji ay manalo si Gina sa dalawang kategorya. Kung mangyayari ito, it would be a first in the history of the Urian Awards. Pero alam naman daw ni Atty. Joji mahirap matupad ang kanyang wish.

Ang wika naman ni Gina, masaya na siya kanyang dalawang acting nominations. Para na rin daw siyang nanalo. Excited na nga siyang dumalo sa awards night ng Urian. Gawa na raw ang gown na kanyang isusuot.

"Gusto kong magpakita ng cleavage ko sa Urian Awards!" pabirong wika ni Gina na nagwagi na ng marami-rami na rin acting awards para sa Kubrador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN