Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo to shoot their movie in Spain


"Naku, walang kasalang magaganap! Promise! Marami na kaming napuntahang ibang bansa, pero never napumasok sa utak namin na magpakasal agad ni Ryan," replies Judy Ann Santos when asked about the possibility that she and boyfriend Ryan Agoncillo might get married in Spain while shooting their film Sakal, Sakali, Saklolo.



Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa first shooting day ng Sakal, Sakali, Saklolo, ang sequel sa blockbuster hit na Kasal, Kasali, Kasalo ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Napag-alaman namin na all-out pala talaga ang suporta ng ABS-CBN Productions sa naturang pelikula dahil magsu-shoot pa ito ng maraming eksena sa Barcelona, Spain.



Natuwa ang leading lady ng pelikula na si Judy Ann dito, bagama't sa unang plano ay sa Russia ito magsu-shoot—sa ilang spots sa Moscow at St. Petersburg.



"That's okay, pero kahit sa shooting sa Barcelona, hindi ako nag-e-expect talaga hangga't hindi pa tumatapak ang mga paa namin sa mismong lugar," nakangiting sabi ni Juday noong September 6, sa San Bartolome, Novaliches City.



WEDDING IN SPAIN? Dahil sa Spain kukunan ang ilang eksena ng Sakal, Sakali, Saklolo, marami tuloy ang nagsasabing baka ituloy nina Juday at Ryan Agoncillo ang pagpapakasal doon. Lalo pa't napag-alaman naming ang roots ng mga Agoncillo ay sa Spain mate-trace, lalo sa Madrid.



"Naku, walang kasalang magaganap! Promise!" tili ni Juday habang natatawa. "Marami na kaming napuntahang ibang bansa, pero never na pumasok sa utak namin na magpakasal agad ni Ryan.



"Hindi namin gagawin ang mga bagay na 'yan na biglaan. May moments talaga na naging private at very intimate kami ni Ryan sa ibang bansa, pero never na pumasok sa isip naming magpakasal agad."



ANGELICA IN YSABELLA. Habang nagsu-shoot na sina Juday at Ryan ng kanilang 2007 Metro Manila Film Festival entry, painit naman nang painit ang mga eksena nila sa teleserye ng ABS-CBN na Ysabella. Aabutan pa tiyak ng Kapaskuhan ang itinatakbo ng nabanggit na teleserye ng Dos, na ayon sa national TV surveys ay pumapangalawa ito sa overall top-rating programs sa Pilipinas.



Kaugnay pa rin ng Ysabella, nilinaw namin kay Juday ang lumabas na balitang nainis daw ang kampo ng aktres dahil bigla na lang daw pumasok ang character ni Angelica Panganiban sa kanilang teleserye nang hindi niya nalalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, it's not true na nainis ako," tanggi ni Juday. "Walang negang feeling tungkol sa bagay na 'yan. Nagulat, yes, that's the term. Kasi, nasabi nga sa akin nagte-taping na pala sila ni Derek [Ramsey] sa Subic.



"Okay sa akin ang pagpasok ni Angelica sa Ysabella. Makatutulong ang presence ng pair nila ni Derek. Nakatutuwa kasi dalawang reel and real-life pairs ang nasa teleserye, and I feel, makatutulong 'yon para ma-drumbeat pa nang husto ang programa namin," sabi ng young superstar.



Marami na ring fans ang nagkakagusto sa tambalan nila ni Derek, na ayon pa nga sa mga bali-balita ay pinagseselosan na rin nang husto ni Ryan. Ano ang masasabi ni Juday rito?



"Naku, si Ryan pa nga ang nagsasabing may tulog daw siya kay Derek!" tawa ni Juday. "Yung selosan sa amin, hindi totohanan, e, kasi nasasabi namin. Gaya niyan, nasasabi ni Ryan, dehado siya kay Derek. Biruan 'yan, so walang ganung feeling talaga na nagseselos siya. Secure kaming pareho sa relasyon namin ni Ryan. At mararamdaman mo kung may selosan na talaga. Hindi na kami nagkikibuan.



"Happy kami ni Ryan, kasi hindi naman talaga kami loveteam. Hindi ganun ang pagbebenta sa amin. Kaya yung mga susunod na moves namin, may times na hindi kami magkasama. May kanya-kanya pa rin kaming career.



"Kaya maganda rin yung mayroong kilig sa amin ni Derek para sa fans. At the same time, nariyan yung sa kanila ni Angelica, kaya mas lalong malakas sa televiewers yung mga ganoong anggulo," sabi ni Juday bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN