Bea Alonzo reunites with John Lloyd Cruz for their most daring movie


Isang mapangahas na Bea Alonzo ang makikita sa pagbabalik-tambalan nila ng loveteam partner na si John Lloyd Cruz.

Ngayong 2012 ay magbibida sina Bea at John Lloyd sa mature film ng Star Cinema na pinamagatang The Mistress.

Ayon kay Bea, ang The Mistress ay maituturing na engrandeng pagdiriwang ng 10th anniversary nila ni John Lloyd.

Matatandaan na unang nagkapareha ang dalawa sa ABS-CBN teleserye Kay Tagal Kang Hinintay, na umere noong 2002.

"Nakakatuwa, kasi ang layo na nang narating nung relasyon namin bilang magkatrabaho. Isang dekada na," ani Bea, base sa isang statement mula sa ABS-CBN.

"Honestly, bawat project ay iniisip namin, baka last na, kagaya ng One More Chance at Miss You Like Crazy. Pero hindi. Kaya sobra po talaga ang pasasalamat namin sa mga naniwala at sumusuporta sa amin sa loob ng sampung taon.

"Hanggang ngayon, napapatulala pa rin ako kung paano niya dinideliver ang roles niya, he’s such a good actor.

"Every time na magkatrabaho kami ni Lloydie, parang may sense of familiarity ka, yet it's always refreshing kasi palagi siyang may binibigay na bago.

"'Yung talagang mapapasabi ka ng 'Uy, bago yun ah.'"

Sa sampung taon na samahan ni Bea at John Lloyd at sa loob ng isang dekada rin niya sa Star Cinema, ang The Mistress na raw ang pinakamatapang na proyektong nagawa ni Bea bilang aktres.

"Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon. Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ano ako yung regular na mabait na character.

"By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena," paliwanag ni Bea.

Dahil sa maseselang eksena na first time na ginawa ni Bea, laking pasalamat daw niya sa suporta sa kanya ng kanyang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Jackpot talaga ako na John Lloyd ang kasama ko sa The Mistress. He’s very generous when it comes to giving emotions and giving me reactions sa scenes ko kahit hindi niya shot. He’s very supportive," aniya.

"Mas lalo akong nagpupursige kasi iniisip ko, siya nga, he’s on top right now, halos lahat ng award-giving bodies kinilala na siya, pero hindi siya nagkakampante.

"Madadala ka kapag makikita mo kung paano siya nagko-concentrate, nagre-research, at kung gaano kalaki yung dedication na 'binibigay niya sa trabaho."

Sa first-ever "bravest" film nila John Lloyd, baon daw ni Bea ang mga "pinagdaanan" niya sa nakaraang sampung taon.

"Baon ko dito ang lahat memories at mga pinagdaanan ko, good times and bad times. Nag-grow ako as an actress dahil sa lahat ng experiences na yun."


Ayon kay Bea, ang The Mistress ay isang napakagandang "imperfect love story."

Aniya, "Siguro habambuhay kong pagsisisihan kung nag-'no' ako sa pelikulang ito. Kailangan mo siyang panoorin para madiscover mo na may another form of love, mayroong imperfect love story, pero mararamdaman mo, it’s a perfect feeling.

"At maintindihan nating may mga bagay na hindi 'binibigay sa atin para maging happily ever after ang love story natin, pero para matuto ka."

Ang The Mistress ay ang hindi ordinaryong kuwento ng pag-ibig nina Sari Alfonso (Bea) at JD Torres (John Lloyd), na pinagkrus ang landas sa hindi inaasahang pagkakataon. Ano ang gagawin mo kung ang kaisa-isang babaeng minamahal mo ay pagmamay-ari na ng iba?

Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang The Mistress ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula September 12, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN