Bea Alonzo shoots love scenes with veteran actor Ronaldo Valdez


Kontrobersyal ang love story na kasasangkutan ng veteran actor na si Ronaldo Valdez sa unang "mature" film nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ang The Mistress.

Sa Star Cinema movie na ito, gaganap si Ronaldo bilang "benefactor" ni Bea.

"Nung mabasa ko yung script at malaman ko yung role ko bilang si Rico, ang mature benefactor ni Sari [Bea], na-excite ako kaya pumayag agad ako," sabi ni Ronaldo, base sa isang release mula sa Star Cinema.

Sinabi pa nito sa parehong press release, "Kinilig ako kasi it’s a love story of two people na nagkataon 'yung isa younger at 'yung isa older, tapos at nagkataon din na meron nang pamilya si Rico."

Ayon sa 64-year-old actor, malaking hamon para sa kanya ang The Mistress, ang pelikula na magsisilibing selebrasyon ng Star Cinema para sa 10th anniversary ng love team nina Bea at John Lloyd Cruz.

Bagama't nagkatrabaho na sina Bea at Ronaldo sa teleserye na I Love Betty La Fea, hindi na lamang tipikal na tatay ang role ni Ronaldo sa pelikula, kundi karibal ni John Lloyd sa puso ni Bea.

"Sa Betty La Fea, anak ko si Bea dun. Dito, karelasyon ko siya," kuwento ni Ronaldo.

"Dahil baka mailang siya, I tried my best to be at ease with her.

"Ayokong isipin niya na nagte-take advantage ako. Well, it's work, but then again siyempre kailangan ng preparations, lalo na at may love scenes."

Saludo ang beteranong aktor sa professionalism at talino na nakita niya kay Bea habang ginagawa ang kanilang "napakatapang" na pelikula.

"Nagtatanong siya kung papa'no ang mas magandang atake sa ilang eksena. It’s a partnership, so nakakapag-input kami para magmukhang natural ang lahat," sabi ng veteran actor.

Para kay Ronaldo, makatotohanan ang kuwento ng The Mistress, na tiyak na susubok sa lalim nang pang-unawa ng lipunan sa isyu ng pagkawasak ng pamilya, pangangaliwa, at pagiging kabit ng ilang kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nangyayari naman yun sa totoong buhay. It just happens. You don’t plan to have a mistress," pahayag ni Ronaldo. "Hindi mo naman iniisip na hindi ako dapat ma-in love o kailangan ma-in love ako. Sabi nga ng dialogue sa mga Danny Zialcita films, 'hindi natuturuan ang puso.'"

Ayon sa veteran actor, dapat daw abangan ng mga moviegoers ang malaking twist sa kuwento. "Ikagugulat ng audience ang napaka-interesting twist sa movie. Mare-realize nila na with great love comes great pain and hope," aniya.

Bukod kina Bea, John Lloyd, at Ronaldo, bahagi rin ng The Mistress si Hilda Koronel, na gaganap sa pelikuka bilang si Regina, ang misis ni Rico.

Mapapanood na ang The Mistress sa mga sinehan nationwide simula September 12, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN