Sharon Cuneta-Richard Gomez movie for GMA Films is a horror-love story


Sharon Cuneta and Richard Gomez will be reunited in GMA Films' Hula, a horror-love story. The shooting of the movie may start end of this year or early next year.



Kay Richard Gomez unang narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na gagawa sila ng pelikula ng Megastar na si Sharon Cuneta sa GMA Films. Nakausap muli ng PEP ang aktor sa taping ng Marimar sa Punta de Uian sa San Antonio, Zambales at naibalita ni Goma na bukod sa telenovela ng GMA-7 ay muli siyang gagawa ng pelikula next year.



Walang masyadong detalye na ibinigay si Richard sa PEP, maliban na si Chito Roño ang kanilang magiging direktor. Hindi siya nakapagbigay ng title ng naturang pelikula dahil initial talks pa lang daw ang nangyayari.



Nagtanung-tanong ang PEP tungkol sa pelikula nina Goma at Sharon at nakakuha kami ng dagdag na detalye. Totoong ang GMA Films ang magpo-produce ng reunion movie nila at totoo ring si Chito ang direktor nito, his second project sa GMA Films after Dagaw na kasalukuyan na niyang isinu-shoot.



Kundi late this year, early next year sisimulan ang shooting. Uunahin lang ni Direk Chito ang London Caregiver ng Star Cinema na si Sharon din ang bida.

Hula ang magiging title ng Sharon-Richard movie, isang horror love story kung saan gaganap silang mag-asawa. Pinipili na ni Direk Chito at ng producer na si Annette Gozon-Abrogar ang ibang bubuo ng cast ng pelikula.



Kapwa nagpahayag ng tuwa at excitement sina Sharon at Richard sa muli nilang pagtatambal. Sa first few days, siguradong kantiyawan at tuksuhan muna ang mangyayari sa dalawa at baka magka-ilangan din sila. But after a few days, tiyak na magiging kumportable na ang dating magkarelasyon at matatapos nang maayos ang pelikula.



Ang movie with Richard ang ipapalit sa plinanong Sharon-Robin Padilla na hindi muna matutuloy. Hindi na si Sharon ang kasama ni Robin sa gagawin niyang pelikula sa GMA Films, his second sa pinirmahan niyang kontrata.

Huling nagkasama sina Richard at Sharon sa pelikulang Walang Kapalit (2003) ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN