Janice de Belen, Andi Eigenmann, and JM de Guzman topbill horror film Pridyider

The horror film Pridyider stars (L-R) Andi Eigenmann, Janice de Belen, and JM de Guzman. This is a spin-off of the "Pridyider" segment of Shake, Rattle & Roll 1 first released in 1984.


Nakausap ng PEP.ph ang director na si Rico Ilarde at napag-alaman namin na pang-limang mainstream movie na niyang nagawa ang Pridyider. Ang naturang horror film ay ipapalabas sa mga sinehan simula September 19.

“Mother Lily gave me my break actually. My first one in the mainstream, iyong Dugo ng Birhen [1999] with Monsour del Rosario and Klaudia Koronel,” kuwento ni Direk Rico.

Bago raw ang Pridyider na produced ng Regal Entertainment, ang film outfit na pag-mamay-ari ni Mother Lily Monteverde.


Ang Villa Estrella (2009) ng Star Cinema ang huling movie na ginawa ni Direk Rico.


Parang nalilinya yata siya sa mga horror films, isang bagay na kinumpirma ng director.


“Parang ganun po. Ang hilig ko, growing up was watching, and then eventually in film school, making horror films and action films.”


Napanood ni direk Rico ang original na Pridyider episode ni idinerehe ni Ishmael Bernal sa pinakaunang Shake, Rattle & Roll film franchise.


Ginaya ba niya ito o iniba?


“Paran ganon po, inspired by lang po yun rather than a straight remake. It's a reimagining of the original Pridyider.”


Malaki ba ang pagkakaiba?


“Feeling ko, eh, kasi nung sinulat namin yung script, sinulat ko yung script, the original story hindi ko rin maalala yung original dahil walang available na kopya in commercial.


“Nung bata pa po ako napanood ko na yung original, eh, so naalala ko lang yung the feel of the piece.


“And then someone uploaded...noong ginagawa na namin yung Pridyider, someone uploaded the whole segment sa YouTube.


“Direk Ishma gets a lot of credit for it but yung nag-write ng piece na yun si Amado Lacuesta so he should be given credit also for the original Pridyider.”


Sa 2012 version ng Pridyider, bida sina Janice de Belen, JM de Guzman, Baron Geisler, Venus Raj, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Bekimon, at si Andi Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Si Janice ang bida sa original na Pridyider episode noon.


“Kasi po doon, siya yung victim sa original Pridyider by Direk Ishmael, and…ayokong magbigay masyadong spoilers, eh, pero parang doon victim siya, dito naman victimizer siya,” ang natatawang kuwento ni direk Rico.


Kumusta ang experience working with his cast members?


“Si Janice it’s my first time to work with her, si Baron rin.Si Ronnie and si Joel I’ve work with them previously.

“Very good si Janice e, walang ere, she’s a pro’s pro, professional’s professional, she’s like…trabaho kung trabaho, walang arte.

“Kasi may mga pinagawa kami sa kanya na nag-ano siya sa nakakadiri na set na ginawa namin, na parang dugu-dugo, at ang dami naming ginawa sa kanya, not one complaint.

“And then na puna ko po si Janice de Belen is such a huge star sa masa, sa public, to this day!

“Kahit…di ba, yung regular show niya na Spoon, people have such a connection with her because of all her I guess mga TV series and movies niya noon, and to this day malaki pa rin ang following niya sa tao, nagulat ako!”

Si Baron binigyan ka ba niya ng sakit ng ulo?

“Ay hindi naman, hindi po. I think he’s consciously making an effort to erase that perception of him.

“Kasi dito he was on time all the time and kasi marami pong stunts and madugu-dugo ang mga eksena nitong film na ito, si Baron din e, pina-harness namin, ilang oras siyang nakabitin, wala, no complaints.

“Ma-pisikal ito actually for all performers.”

Kamusta naman ang performance ng mga baguhan niyang cast members?

“Si Andi okay rin. Si Andi is very smart tapos yung exterior niya medyo parang she’s a very tough girl but beneath that tough façade niya, exterior niya, parang bata pa siya inside, e. Para siyang bata pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si JM parang… up and coming actor. Sa masa pag nagsu- shooting kami, ang daming gustong manood kay JM so parang feeling ko medyo matunog ang [name] niya sa masa, si JM.”

Si Venus na beauty queen na naging artista, hindi ba siya nahirapang pa-aktingin?

“Hindi! Nahirapan lang ako sa hours nilang lahat. Eh, kasi lahat sila merong TV gig, tulad si Miss Venus…. parang silang lahat may certain cut-off time, e.

“Parang puzzle e, kung kailan sila puwedeng magsabay-sabay kasi nga iba-ibaang schedule.

“Mahirap, ang hirap, lahat sila may TV show so ganun, e.”

So gaano katagal bago na buo ang movie?

“Spread out ilang buwan e, pero yung shooting days itself parang nag- 15 days lang kami ng shoot, e.

“That’s normal na in the industry now. Kung gagawa ka ng pelikula kailangan ikaw ang mag-adjust sa mga schedule n gartista. Oo, ganun na ngayon, eh.”

Wala ba siyang kaba na sunud-sunod ang horror films na ipinalabas?

“Medyo. Pero kakaiba itong movie namin, eh. If you look at the trailer iba siya eh, hindi siya… kasi madalas ngayon puro Asian horror ang treatment nila. Ito hindi e, parang medyo mas wild ito, medyo may gore siya.”

Naniniwala si Direk Rico na kapag horror movie ay kumikita ito?

“Feeling ko kahit papaano,opo. Kahit papaano po yung tawag nila… if a film opens, pag horror may chance ka, mag-o-open ka kahit papaano kasi merong mga iba, let’s say mga romance, ganun, pag hindi mo na-market ng tama parang mahina ang [bx-office gross] mo, eh.

“Ang horror kahit papaano first two days mo, may manonood eh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN