Nora Aunor wins Italian critics' prize for her performance in Thy Womb

Isang araw bago ganapin ang awarding ceremonies ng 69th Venice Film Festival, isang independent film critics' group ang naggawad ng parangal sa Filipino actress na si Nora Aunor para sa kanyang pagganap sa Thy Womb. Nagwagi si Nora ng Bisato d'Oro Award mula sa Premio Della Critica Indipendente.


Film critics and entertainment journalists, online bloggers, and even Twitter account holders from different parts of the world—who are currently in Venice, Italy, as observers and participants at the ongoing 69th Venice International Film Festival—have continuously heaped praises for the Philippine film entry, Sinapupunan (Thy Womb).

The Brillante Mendoza film is among the 18 films from all over the world vying for the prestigious Golden Lion Award for Best Picture.


Thy Womb is topbilled by Nora Aunor with Bembol Roco, Lovi Poe, and Mercedes Cabral. It is written by Henry Burgos.


Thy Womb tells of a Badjao couple: Shaleha Sarail (Nora), a midwife, and her husband, Bangas An (Bembol), who both had to deal with Shaleha's sterility; and a young fertile woman, Mercila (Lovi), who Bangas An took for a second wife, with Shaleha's consent, in the couple's desire to have Bangas An sire his own child.

As of Friday, September 7, karamihan ay positive reviews ang natamo ng Thy Womb at ng bidang aktres na si Nora mula sa mga kritiko at film enthusiasts.

Kasunod ito ng matagumpay na red carpet gala premiere ng Thy Womb noong Huwebes ng gabi, September 6, sa Palazzo del Cinema (Sala Grande), kung saan binigyan ng standing ovation ang Philippine delegation.

Um-attend din sa gala premiere ng Thy Womb ang mismong festival director na si Alberto Barbera.



"BRAVO!" Tuwang tuwa ang buong delegasyon ng Pilipinas sa naging pagtanggap ng mga manonood na banyaga sa ating pelikula.

"Kapag nagustuhan ng mga Italyano ang movie mo, magtatayuan sila at magpapalakpakan, sabay sigaw ng 'Bravo!’"

Nasabi ito ni Direk Brillante sa mga kasamang nasa Venice bago magsimula ang gala premiere. At ganun nga ang nangyari, kaya masaya silang lahat.

"Grabeng response! Overwhelming!" banggit din ni Larry Castillo, line producer ng Thy Womb, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa parangal para sa Best Picture at Best Director, maraming avid followers ni Nora ang nagnanais na mapanalunan ng Superstar ang prestihiyosong Volpi Cup, na katumbas na parangal ng Best Actress.

Ngayong September 8 ng gabi (September 9 ng madaling-araw sa Pilipinas) malalaman ang mga nagwagi sa 69th Venice Filmfest.

Gayunman, may nauna nang parangal na naigawad sa Philippine superstar.

At press time, napaulat ang pananalo ni Nora ng Bisato d'Oro Award, mula sa isang independent award-giving body sa Venice, para sa kanyang pagganap sa Thy Womb.

Mula ito sa Premio Della Critica Indipendente na binubuo ng mga independent film critics bilang mga hurado.

Si Nora ang unang Pilipinang aktres na nanalo ng naturang parangal.



ACCLAIMED. Maaaring hindi iniisip kapwa nina Direk Brillante at Nora ang posibleng chances ng pelikula at ni Nora mismo na manalo, pero maraming ulat sa news blogsites, sa iba't ibang lengguwahe, ang nagbibigay ng kaukulang papuri sa Thy Womb at sa aktres.

Halimbawa nito ang pahayag ng Italian critic na si Paola Piacenza: "Una candidatura certa, al Leone e, per la straordinaria attrice Nora Aunor, alla Copa Volpi!"

In English, she said: "Nora Aunor, an extraordinary actress, deserves the Volpi Cup!"

Mula naman sa isa pang Italian film critic na si Andrea Chimento:

"Thy Womb becomes an opportunity to speak effectively about something else.

"The protagonist, in fact, with her eyes sad, but determined to transmit serenity to those around them, can be the symbol of the universe in which the importance and respect for tradition is to overcome the lack of a life more privileged..."

Ayon naman sa tweet ng cineaste/journalist na Hendy Bicaise, in French, tungkol sa performance ni Nora: "she is very impressive, so far, my guess for the Volpi Cup/Best Actress award!"

Mula naman sa website ng CineVue: "Thy Womb is a moving and visually captivating movie, with two commanding yet understated central performances..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy rito ay ang pagganap nina Nora at Bembol.

CineVue, which posted the review by Jo-Ann Titmarsh, also said: "Mendoza's film deserves an accolade at Venezia 69."

Sabi naman ng The Hollywood Reporter tungkol sa performance ni Nora:“…her elfin features, so powerfully expressive of both happiness and sorrow, help make Shahela an engaging, unlikely heroine here.”

Mula naman sa Italian Quo Media News: "Pay attention to Thy Womb of Filipino Brillante Mendoza, that alternatively could take home the Volpi Cup… superb female protagonist, Nora Aunor, among the most famous actresses in the Philippines..."

From Artribune, an Italian magazine: "The good movies came late at the Film Festival in Venice. One of them is Thy Womb..."

The coverage and critical appraisal of Venezia 69 competition films indicate which films are likely to dominate the awards.

Kabilang daw sa top four contenders ang Thy Womb ng Pilipinas, with a grade of four stars.

Ang iba pa'y ang Pieta ng South Korea with four stars; The Fifth Season ng France at The Master ng U.S.A. both with five stars each.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN