Joey Marquez describes challenges of using a chroma screen for Tiktik: The Aswang Chronicles

by Nerisa Almo
Sep 12, 2012


Hindi na bago sa paggawa ng pelikula ang actor-TV host na si Joey Marquez. Pero sa bagong pelikulang kinabibilangan niya, ang Tiktik: The Aswang Chronicles, panibagong karanasan ang kanyang nakuha.

Ang suspense-horror na pelikulang ito, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Lovi Poe, ay kakaiba dahil ang kabuuan nito ay kinunan gamit ang chroma at computer-generated imagery (CGI).


Ang chroma key compositing o chroma keying ay isang special effect/post production technique kunsaan tinatanggal ang background ng video upang i-create ang nais na special effects. Kadalasan ay kulay green ang screen ang ginagamit na background sa teknolohiyang ito.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahikayat ang komedyanteng si Joey na tanggapin ang role bilang ama ni Lovi.


“Actually, when I saw the script of this movie; the plan of how they do it, it gave me a lot of curiosity; it is a level-up movie, eh,” sabi ni Joey sa mga naimbitahan media sa ginanap na pocket press conference para sa pelikula kamakailan.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, “It’s something new for the [Philippine] cinema. It’s something that I like to be part, which is to be legacy to the Philippine cinema.”

“That doing such CGI, that will give a lot of curiosity sa buong Pilipinas na kaya na talaga natin gumawa ng ganito.

“But I’m very proud, of course now that I saw it, I think it’s about time that we do more of this. Aside the fact, of course we want to, of course, work with professional actors, the staff, producers, directors.”

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon para kay Joey na umarte nang wala namang nakikitang ka-eksena.

“Well, lahat it’s first time na going to act na wala kang kaharap,” pag-uulit ni Joey.

“In a typical old school na nag-a-acting, may mga views kang makikita.

“But this one, it’s totally a new challenge for me.

“Talagang alienated ako sa mga nangyayari.

“But the director, they made sure na lahat ‘yon ay mabi-visualize.

Continue reading below ↓

“So, it’s a new learning process to me and it’s beautiful.”

Bagamat ito ang kauna-unahang pelikula na nakunan ng buo gamit ang chroma filmmaking, naniniwala naman si Joey na maganda ang kalalabasan nito.

“I think they perfected the graphics,” paniniwala ni Joey.

“Noong araw, kapag may lumilipad kitang-kita yung guhit-guhit.

“But this time, up to the thin line na nag-a-appear, pasok, eh.”

Sa huli, sinabi ni Joey na sana magsilbing panimula ang Tiktik para mapaganda pa ang kalidad ng pelikula sa bansa.

“I think, this would be the legacy of movie cinema, this movie. Not because I’m here (laughs), not because they’re here, it’s because it is something that you can introduce to people and eventually magiging mas metikuloso ang mga manonood dahil hahanapin niyo kasi maganda,” pagtatapos niya.


Ang Tiktik: The Aswang Chronicles ay mapapanood sa mga sinehan simula October 17, 2012.


Read Next
Read More Stories About
Joey Marquez, tiktik, movies
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results