Vice Ganda on bed scene with Luis Manzano: "Akalain mong nakapatong sa akin si Luis na naka brief lang.”

This Guy’s In Love With You Mare features a quirky love triangle featuring (L-R) Luis Manzano, Vice Ganda, and Toni Gonzaga.


Isang kakaiba at kwelang pelikula ang pagbibidahan nina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda sa pelikulang This Guy’s In Love With You Mare. Nakatakda itong ipalabas ngayong October 10 sa mga sinehan. Co-produced by Star Cinema and Viva Films, ang kakaibang comedy na ito ay idinerehe ni Wenn Deramas.


Nakipagkulitan sa press ang tatlong bida na sina Toni, Luis at Vice sa recent press conference ng nasabing pelikula na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kamakailan. Tinalakay nila ang kakaibang kuwento ng pelikula kunsaan nagpanggap na isang lalaki si Vice Ganda at sinubukan na mapaibig sa kanya ang karakter ni Toni. Isa sa mga pinag-usapang eksena sa pelikula ay ang kissing scene sa pagitan ni Vice Ganda at ni Toni.


Kuwento ni Direk Wenn: “Ang This Guy's In Love With You, Mare ay tungkol sa tatlong tao na pareho-parehong naghahanap ng puwesto nila sa mundong ito. Si Vice as Lester, isa siyang pusong babae na sinentro ang buong buhay sa lalaking pinakamamahal niya na si Mike, si Luis yun, na naghahanap naman ng isang normal na buhay na may asawa at may anak. Si Toni as Gemma, nasa sa point ng buhay niya na gusto na niya mag-asawa so tamang-tama yung timing nilang dalawa ni Mike. Ang hindi niya alam, meron palang dark secret ang boyfriend niya.”

Bago pa man nila i-shoot ang pelikula, ayon kay Luis, excited na siyang gawin ito hindi lamang dahil sa kakaibang love story na hatid nito kundi maging sa mga kaibigang makakatrabaho niya. "When they offered this project, siyempre nakita ko yung cast at yun pa lang enough na to get me excited," aniya. "Working with this cast, this unusual storyline, it's something I'll always treasure because it's not everyday na aalukin ang isang artista ng isang ganitong kaibang klaseng pelikula."


Bahagi rin ng This Guy's In Love With You Mare sina Edgar Mortiz, Buboy Garovillo, Gladys Reyes, DJ Durano, Karla Estrada, Carla Martinez, at Ms. Tessie Tomas. Kasama rin sa pelikula sina Jayson Gainza, Eagle Riggs, Ricky Rivero, IC Mendoza, Dang Cruz, Cecil Paz, Manuel Chua, Ricci Chan, Lassy, Tess Antonio, at Edward Mendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong naramdaman mo ng hinalikan ka ni Vice Ganda?

Toni: “Iba! Kakaiba sa lahat. Di ba, hindi ako nakikipag kissing scene? Yung John Lloyd [Cruz] lang sa My Amnesia Girl, pero parang gusto ko bumalik sa ‘no kissing scene’ policy.”

Bakit ka pumayag kay Vice?

Vice: “Eh, di ba para lang namang John Lloyd ang dating ko! (sabay tawa!)”

Na trauma ka ba sa kissing scene niyo ni Vice?

Toni: “Hindi naman na-trauma, weird lang. Kakaiba eh! Parang hinalikan mo yung kapatid mong si Alex [Gonzaga], di ba, weird?”

Ikaw ba Vice si Toni ba ang una mong nahalikan na babae?

Vice Ganda: “Sa pelikula, oo, in real life meron din, nagka girlfriend ako, pero hanggang kiss lang nung papunta na dun ayaw ko na, hindi ko na kasi kaya, eh.”

Balita namin may bed scene kayo ni Luis Manzano rito? Ano naman yung aabangan sa bed scene n’yo rito?

Vice Ganda: “Compared dun sa amin ni Derek Ramsay [in Praybeyt Benjamin], mas malala ito kasi may patungan, eh. Akalain mong nakapataong sa akin si Luis na naka brief lang.”

Sabi naman ni Direk Wenn: “Ako mismo, nagulat kasi ini-expect ko na, naka boxer si Luis, nung tanggalin niya yung towel niya, nagulat ako na naka brief lang si Luis, so aabangan niyo yung bed scene nila ni Vice dito. Di siya bastos pero kwela.”


Anong kakaibang comedy ni Toni ang aabangan ng mga manonood sa ‘yo dito?

Toni: “Lahat! Pinakamasayang pelikulang nagawa ko ito. Nakakatuwa kasi, first time kong naka trabaho si Luis Manzano sa pelikula, ganun din si Vice Ganda na ka love team ko pa sa pelikulang ito.”

Anong first reaksyon mo nung malaman mong makaka trabaho mo silang dalawa?

Toni: “Sobrang excited, kasi it was informed to me a year ago pa, akala ko hindi mag ma-materialize, ayun masaya ako na natuloy yung project namin together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung aabangang kakulitan at kakwela ninyong tatlo rito?

Toni: “Ang dami, etong pelikulang ito, walang patid ang kwela. Grabe!”

Anong kakaibang role ni Toni Gonzaga ang makikita sa pelikulang ito?

Toni: “Sweet na pakawala (sabay tawa!) Nasa loob ang kulo.”

Kitang kita sa trailer na nag bathing suit ka pelikulang ito for the first time. Anong dahilan at napapayag ka na gawin yun sa pelikulang ito?

Toni: “Dahil kay Direk Wenn Deramas, alam ko namang pag si Direk Wenn ang gumawa hindi bastos ang dating, eh, kaya ayun pumayag ako.”

Hindi ba nagalit si Mommy Pinty na nag-bathing suit ka sa pelikulang ito?

Toni: “Hindi naman, kasi pag ba-bathing suit ko naman dito, hindi yung bathing suit na yung ending, eh, mag hubaran at may bed scene. Resort kasi yung venue, alangan namang naka-pants ako sa resort, di ba? Saka one piece lang naman suot ko, baka sa susunod na ako mag two piece,” biro pa ni Toni.

Kinonsider mo ba yung sasabihin ni Mommy mo bago mo gawin yung eksena na yun na na naka one piece ka?

Toni: “Nung ginawa ko yun…parang di ko na siya kinonsider si Mommy (sabay tawa!)…un yata yung time na nag de -decide na ako para sa sarili ko. Saka mabilis lang yung eksena saka masaya naman, hindi naman bastos.

“Saka, alam naman nila kung hanggang saan ang limitasyon ko sa sarili ko, eh, may tiwala naman si Mommy sa akin, eh. Alam nila na yung pagbe bathing suit ko na iyon ay wholesome naman na eksena. Saka hindi naman yun naka tight shot sa pwet ko or sa boobs ko--full shot naman yun.”

Ibig sabihin ba nito na pwede ka na ring mag-pose para sa men’s magazine?

Toni: “Hindi siguro sa men’s magazine, kasi pag sa men’s magazine ka na na pose iba na yung gusto mong palabasin, gusto mo nang pag pantasyahan ka na ng mga kalalakihan, di ba?


So, ibig sabihin ayaw mong pag pantasyahan ka ng mga kalalakihan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro ni Toni: “Gusto ko rin naman…(sabay tawa!) biglang gusto ko rin naman pala noh? Pero hindi naman sa men’s magazine sa National Geographic Magazine or Animal Planet siguro…(sabay tawa!)”

Napapag usapan niyo ba ni Mommy Pinty na kung pwede ka na umakyat ng mas mataas na level?

Toni: “Oo, lagi kong sinasabi. Sabi niya, ‘ikaw pag hindi ka mabantayan, magbo bold star ka?’ Yun na rin naman ang career pathing ko, eh (sabay tawa!). Kasi nagawa ako na lahat. Ang di ko na lang nagawa ay mag S.T. [sex trip movies],” pabiro niyang sabi.

“Pero biro lang naman rin ni Mommy Pinty yun, alam niya rin naman na at the end of the day, kagaya niyan, pag shooting day, alam niya rin naman na hindi ako gagawa ng isang bagay na mababastos ako.

“Pero once in my entire life and in my career, siguro gagawa rin ako ng isang role na turning point ng buhay ko or career ko…na seryoso naman.”

Ggagawa ka rin kaya ng mga daring eksena tulad ng ginawa ni Bea Alonzo sa The Mistress?

“Hindi ko pa yata kaya yun. Pwede bang The Stress na lang. Yung stress kaya ko yun pero yung mistress, di ko kaya yun, mga bagay kasi na yun na experienced talaga, eh, saka yung may pinaghuhugutan. Pero depende, siyempre malaking challenge ‘yan. Pinaghahandaan siguro yung bagay na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN