Andi Eigenmann describes how she dealt with betrayal in the past


Kamakailan ay napanood sa telebisyon ang mga mapangahas na eksena ni Andi Eigenmann sa ABS-CBN primetime series na Kahit Puso’y Masugatan kunsaan co-stars niya sina Jake Cuenca, Iza Calzado at Gabby Concepcion.


Makikita na rin sa big screen ang pagganap ni Andi ng isang daring at sexy role sa bago niyang pelikulang A Secret Affair kunsaan ka-love triangle naman niya sina Derek Ramsey at Anne Curtis.



Ang director ng A Secret Affair ay si Nuel Naval mula sa story at screenplay ni Mel Mendoza-del Rosario. Kabilang rin sa cast ang veteran actors na sina Jaclyn Jose, Joel Torre, and Jackielou Blanco. Kasama rin sina Say Alonzo, IC Mendoza, Shy Carlos, Petra Halimuyak, at Gee-Ann Abrahan.


Sa nakaraang press con, sinabi nina Anne Curtis at Direk Nuel ang kaibahan nito sa No Other Woman, na tumalakay sa mag-asawa na nagulo ang relasyon dahil sa isang babae na naging kabit ng mister.


Inamin ni Anne na natakot siya noong unang in-offer ang role na ito sa kanya dahil baka maikumpara ito sa No Other Woman kunsaan siya ang gumanap na kabit. Sa No Other Woman, si Derek Ramsay ang leading man at kasal siya sa character ni Cristine Reyes.


Dito naman sa A Secret Affair, si Anne ang fiancée ni Derek at dapat ay ikakasal na sila ngunit nagbago ang isip ni Anne. Magkakaroon si Derek ng one-night stand with Andi at ito ang magiging dahilan upang mag-away ang dalawang babae na magkaibigan.


Ani Anne, "I told Viva when they storyline came out, sabi ko, ‘nakakatakot kasi baka maging similar sa No Other Woman.


"But when I read the script ni Ms. Mel, it’s totally different. Iba yung ina-atake niya. Hindi siya tungkol sa kabit, as people are assuming. Akala nila yun na yun."


Para naman kay Direk Nuel, "The topic [of A Secret Affair] is very generational…it’s been going on sa parents natin, sa parents ng parents natin. It’s just a matter of how we deal with it. It’s nothing really new.


"Lately mas na-accept ng viewers na panoorin ang mga ganitong pelikula. I just want to make good films…reflective of what’s happening today.


"Itong film namin hindi naman talaga about kabit, it’s about betrayal. Different kinds of betrayal…betrayal between husband and wife, betrayal between friends, betrayal between fiancé."


Sa October 15 presscon ng nasabing pelikula na ginanap sa Citybest Restaurant, Tomas Morato, nakapanayam ng PEP.ph si Andi tungkol sa kanyang role sa pelikula at ang preparasyon niya para sa 1st birthday ng kanyang anak na si Adrianna Gabriellie Eigenmann. Dahil tungkol sa betrayal ang A Secret Affair, tinanong namin si Andi kung paano niya na-handle ang betrayal sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nagtulak sa ‘yo na gawin ang film na ito na medyo sensitive at daring?

Andi: “Basically, it was the fact that I knew that this will help me, grow, that by doing this film, I would grow as an actress, maybe as a person, too, by gaining more experiences. Yun po, I took on the role. I consider it as a good opportunity for me kahit na medyo mahirap pero magandang chance naman to help myself to be a better actress and a better performer.”

Gaano katindi ang daring scenes n’yo ni Derek sa movie na ito?

Andi: “Matindi! I don’t know. May ganun ba? Maybe daring, it is daring! I can’t really measure how daring it is. Basta! That’s how I describe it. Daring! Period! Especially for me, kasi ngayon lang ako gumawa ng ganyang klaseng pelikula.”

Hindi ka ba natatakot na ma link ka kay Derek, kasi you are single, then Derek is single?

Andi: “I guess normal naman na yun, just because two people are doing a movie together, kung ano yung maliit na bagay na makikita nila ay ginagawa na nilang issue, that’s part of marketing. Ini-expect ko na matatanong ako tungkol doon. Automatic naman yun, yung mga issue na ganun naman pag hindi totoo ay hindi naman nagtatagal eh. Maybe, that’s okay with me.”

Kamusta na kayo ng anak mong si Ellie?

Andi: “Okay naman po kami ni Ellie, yun nga lang may sakit si Eli now. She has measles but she’s still a happy baby. Masaya po kami ni Ellie sa buhay namin ngayon. Kahit minsan ko lang sya nakikita dahil busy ako sa work, pero siya naman ang reason why I work hard dahil para sa kanya ang lahat ng hirap ko.”

How are you preparing for her 1st birthday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Andi: “Birthday niya on November 23 po then gagawin ang birthday celebration niya on November 25th. Inaayos ko na po yung birthday party niya. I have Nice Prints Photography who helped me, my friend ate Charice helping me organize it. May mga ilang people na part sila ng events business na tumatawag sa akin na they are willing to help me. Nakaka touch kasi ang daming gustong tumulong para maging maganda ang birthday party ni Eli na they are excited as I am for Ellie’s 1st birthday bash and it’s going big for sure, kasi that’s the way for me to show people and to show Ellie how much I’m going to work hard for her.”


Ayon sa source ng PEP, isang Alice In Wonderland-themed party ang gagawin para sa first birthday ni Baby Ellie sa Blue Leaf, McKinley Hill, Makati City.

(CLICK HERE to view photos of Baby Ellie’s pre-birthday photo shoot)

Yung sa father side ba walang nag o-o-offer na gustong i-contribute sa birthday party ni Ellie?

Andi: “Wala pa pong father side si Eli eh, there’s only mother side kasi hindi pa ako nagka-husband. Immaculate Conception talaga si Ellie (sabay tawa) Hahaha! Kaya mystery siya.”

Binuko ng mommy mo, si Jaclyn Jose, na masaya daw ang puso mo ngayon? How true is that?

Andi: “Mommy ko po talaga, oh! It’s true! My heart is very, very fat and it’s full of joy…because of Ellie!”

Pero aside kay Ellie, si Jake Ejercito daw ang nagpapasaya sa puso mo?

Andi: “Walang ganun! Jake Ejercito...Hindi! I always answer about Jake! Yes! He does make me happy! Pero yun lang. Wala naman sigurong masama kung my opinion is that. I don’t think if theres something wrong naman po, na sa tingin ko na may isang tao na si Jake nga, na mapapasaya niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In what way ka niya napapasaya?

Andi: “In many ways because he’s my best friend and no matter what, I know that he is always there for me and he supports me in everything what I do. And ganun din ako with him, that’s our relationship together na even he is not here, because of the support he gives me at yung paniniwala niya sa akin, saka yung care na ipinakikita niya, parang malapit lang siya kasi wala siya rito eh, nasa London siya, eh.”

“I’m single, pero I have my inspiration. Since nilaglag na ako ng mommy ko, then I can say na besides Ellie, there’s Jake, pero ganun lang po talaga yun. Kasi nga po, yun nga, marunong kaming rumespeto sa mga matanda sa amin, sa mas nakakaalam na makakabuti para sa 'min, kaya ayaw ko pong tapakan at sirain po yun. Pero wala naman pong masama, di ko naman kailangang itago in my part, na napapasaya niya ako.”

For the record, ano ang status ninyong dalawa?

Andi:
“Yun nga po. I’m single pero I have my inspiration.”


Gaano katagal mo na siyang kakilala or inspirasyon?

Andi: “I can say po na friends po kami, I’ve known him since I was a baby, I’ve known him since I was a little girl. Kaya I don’t know kung gaano katagal na yung relationship kasi our relationship is a very special friendship na nag begin since we met.”

Aside ba sa friendship ay may nabubuo bang romantic relationship sa inyong dalawa?

“Hindi po, pero sana! If ever! Since masaya kami sa isa’t isa. Kung sakaling I’m special to him also, just as I am, maybe in the future, sana maging ganun! That’s for me, that’s my honest opinion. We’ll see!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ka ka-open sa family ni Jake?

Andi: “Mabait po yung family niya. Kilala ko po sila before pa.”

Kapag lumaki na si Ellie at makita niya yung daring at sexy scenes na ginawa mo sa pelikulang ito. Okay lang ba sa ‘yo yun?

Andi: “Opo, that’s one thing po na I always ask myself: ‘If I get older, if I wanna look back on these, would I want Ellie and my other children in the future to see these?’ Doon ko po siya bine-base kaya I never do anything malicious or disgusting or wrong on these film, so, okay lang po sa akin yun. Kung alam ko pong ikakahiya ko, hindi ko rin po gagawin.”

Ang theme ng istorya ng movie is about betrayal, paano ka naka relate sa movie na ito?

Andi: “Naka relate po ako somehow, like in my personal issue, betrayal in the sense na naranasan mo na. Akalain mo na yung taong nandiyan na mahal na mahal mo, ang dami niyang ipinangangako sa yo, tapos biglang some incident or mistakes happened na medyo mahirap, maduduwag siya agad kahit alam niyang may deal at understanding na kayo sa isa’t isa’t, you want to be together, you wanna help each other no matter what or be strong together, pero in that sense, medyo naka-relate ako, pero different din, kasi ako now, I’m fine with my life now, no regrets and I’m happy.”

How did you deal with that betrayal?

Andi: “Para sa 'kin, ayun, tinanggap ko na lang na that’s part of life. Pwede tayong madapa, pwede tayong masaktan, pero it doesn’t mean na end of the world na. Ang mahalaga ay babangon ka at hindi na natin uulitin ang nagawa natin dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN