CineFilipino Film Festival aims to bankroll films that reflect the "authentic Filipino experience"

Vincent "Ting" Nebrida heads the CineFilipino Film Festival, which is a project of Studio5 and the PLDT Smart Foundation in association with Unitel Productions.



May masayang balita si Vincent Nebrida, festival director ng
CineFilipino Film Festival, noong Biyernes, October 12. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. Nebrida sa corporate office ng TV5 sa Taguig City.


Ang CineFilipino ay proyekto ng Studio5 (ang movie arm ng TV5), PLDT-Smart Foundation at ng Unitel Productions. Si Nebrida ang executive producer sa Unitel, na kilala para sa mga de-kalidad na pelikula tulad Crying Ladies at La Visa Loca.


Sa CineFilipino ay inimbitahan ang mga taong may kasanayan na sa paggawa ng pelikula para magpasa ng screenplay. Ang mga mapipiling screenplay ay bibigyan ng grant na aabot sa P1.5 million para gawin ang pelikula, na ipapalabas naman sa March 13-19, 2013.


Pahayag ni Nebrida, nakatanggap umano sila ng 145 na entries para sa CineFilipino. Kagila-gilalas ang numerong ito dahil noong August 17 lamang binuksan ang submission period. Noong October 8 ito nagtapos, kaya kung susumahin ay marami-raming filmmakers ang nakabuo ng script
sa maikling panahon.


Kuwento ni Nebrida, “We were just overwhelmed completely. These were people coming from different parts of the city, there were some who flew in from as far as Cebu and Davao. So on the day of the submissions, we received close to a hundred submissions.”


Dagdag pa ni Nebrida, kakaiba ang CineFilipino dahil nag-require sila ng screenplay. Sa ibang mga festival kasi ay synopsis lamang ang hinihingi.


“The deadline is for the full-length screenplay. It's unusual to get that many. I don't know the numbers for other festivals, whether it's Cinemalaya, Cinema One. All these festivals are obviously run by colleagues and friends, but the difference is that, for example, in Cinemalaya, the submissions that they get are for the synopsis. Whereas, we require the full screenplay. So we were just surprised to get 145 screenplays,” saad niya.


Ayon pa kay Nebrida, isang apirmasyon ang dami ng entries na tanggap na ng local film community ang bagong festival na ito.


“You don't get that number of submissions if they don't have that kind of respect for you, or if you're being questioned for credibility. But given that it's our first year, it's great to feel that they're looking forward to another film festival,” sabi niya.


SELECTION PROCESS. Ngayong natanggap na ang mga entries ay sasalain na ito ng isang selection committee. Bukod kay Nebrida ay sikreto ang mga pangalan ng ibang mga tao sa committee na ito.


Sikreto rin para sa committee ang mga pangalan nang nag-sumite ng mga screenplay.


Ang mga paraang ito raw ay magpapakita na patas ang pagpili nila nang mga bibigyan ng grant.


“That's why we read the scripts, there will be no names. It's like Palanca also. We will just judge them on the basis of the material,” sabi ni Nebrida.


Ayon pa sa kanya, basic lamang ang criteria sa pagpili: dapat bago at nakakaengganyo ang kuwento.


Paliwanag niya, “The criteria basically is, as we indicated in our mechanics and guidelines, one is the originality of the material and the freshness of the storytelling. Number two is the authenticity of the Filipino experience. And the third is the potential for audience engagement. So we obviously are looking for material that can engage an audience.”


DIRECTORIAL FREEDOM. Sa November 8 na ia-announce kung anu-anong mga screenplay ang napili. Matapos nito, ia-award na ang mga P1.5 million grants para masimulan na ang pelikula.


Itinanggi ni Nebrida na magiging mahigpit ang CineFilipino at ang TV5 sa mga kasaling filmmakers. Hindi raw mamimilit ang network na i-cast ang kanilang mga artista, o kaya naman ay baguhan ang mga kuwento.


Hayag ni Nebrida, mahalaga pa rin na maging malaya ang filmmaker sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya.


Aniya, “We'll have not a mentoring committee, but a monitoring committee. To make sure that everyone finishes on time, and to make sure that the deliverables are completed and passed on to us. So there will be a system obviously. But in terms of someone, or a group imposing or pressuring, no it's not us. I think we'd like to know who they're casting, but of how they make it, it's up to them.”


Gayunpaman, maaari pa ring magbigay ng suhestiyon ang nasabing monitoring committee.


“I mean, there are no guarantees. I think what TV5 can only do is to help enable, or negotiate, but, I mean, at this point, no one should be able to say that so-and-so should have a role. It's up in the air, so there are no parameters, basically. We'll just laying it open. If it works out, fine. If not, then that's the way it is,” saad niya.


Bibigyan din nang kalayaan ang mga filmmaker na mag-solicit pa nang karagdagang pondo, kung kinakailangan.


“From discussing this thing with a lot of filmmakers, they felt that you can actually complete a movie with P1.5 million, from start to finish. But even with P1.5 M, they are still welcome to raise more funds. We do have a ceiling, though. We have a ceiling of P3 million.


"We have to even the playing field, because otherwise, some people might raise P5 million, so their film will look more expensive. It's not fair for the others.”


Sa March 13-19, 2013 ipapalabas ang mga mabubuong pelikula. At kahit sa TV5 mapupunta ang rights ng mga ito, kikita pa rin ang mga filmmakers.


“Hopefully there will be theatrical releases for the films. But in terms of TV5, they do have rights to these films. That's part of the idea. Basically, the broadcast rights belong to TV5 worldwide and in perpetuity. But in terms of theatrical, there's a 50-50 split,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN