Jenica Garcia and Mart Escudero start shooting "Hide and Seek"

by Nitz Miralles
Sep 18, 2007
Jenica Garcia and Mart Escudero have started taping for their launching movie, Hide and Seek, the Halloween offering of Regal Entertainment this year.

Natuloy na ang first shooting day ng Hide and Seek, ang launching movie ng love team nina Jenica Garcia at Mart Escudero sa Regal Entertainment. Ilang beses ding naurong ang scheduled first day shooting dahil may small details pang inayos.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na natuloy last September 13 ang shooting ng horror movie na Hide and Seek sa Magalang, Pampanga. Ang script ay sinulat ni Gina Marissa Tagasa-Gil at sa direksyon ni Rahyan Carlos.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting, may playdate na ang movie. Halloween presentation ito ng Regal kaya inaasahang sa October 31 ang showing nito. Sunod-sunod ang proyekto ng dalawa matapos silang magsama sa GMA-7 drama series na Impostora. Once a week naman ang taping nina Jenica at Mart para sa teen-oriented show Boys Nxt Door at di pa rin sila nagti-taping ng Pasan Ko Ang Daigdig, kaya makakapag- concentrate sila sa shooting ng kanilang launching movie.

Continue reading below ↓

Kundi nagkasama sa eksena sa Impostora ang mag-inang Jenica at Jean Garcia, dito'y babawi sila't mag-ina ang kanilang role sa Hide and Seek. Si Jenica ay si Nica Alicanio at si Jean ay si Leah Alicanio. Samantala, si Eric Quizon naman ang gaganap sa role ni Oliver Alicanio, ang stepfather ni Jenica sa pelikula.

Ang iba pang susuporta kina Jenica at Mart ay sina Ryan Eigenmann bilang Gener Buntag, Valeen Montenegro, Rubi Rubi, Angel Sy, Julio Piske, at Alessandra de Rossi as Dolor Buntag, ang babaeng nagmumulto.

Una ang Hide and Seek sa eight-picture exclusive contract na pinirmahan nina Jenica at Mart sa Regal at hindi pa man natatapos, hinahanda na ang follow-up movie nila. Isang love story na may working title na Now That I Found You na sinulat ni Dinno Erece and to be directed by Joel Lamangan ang gagawin nila sa November.

Ipinapasulat na rin ni Mother Lily kay Dinno ang third project ni Jenica na pagsasamahan nila ni Lovi Poe. Ang upcoming project na ito ay remake ng isang Regal hit movie.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jenica Garcia and Mart Escudero have started taping for their launching movie, Hide and Seek, the Halloween offering of Regal Entertainment this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results