Shyr Valdez and Mark Gil play American missionaries in "Search and Destroy"

by Rommel R. Llanes
Sep 18, 2007
Shyr Valdez and Mark Gil play Gracia and Martin Burnham, the American missionaries abducted by the Abu Sayyaf in the film documentary Search and Destroy. It will be shown in the U.S. this October.

Malaking achievement para sa character actress na si Shyr Valdez ang kanyang pagganap bilang Gracia Burnham sa documentary film Search and Destroy. Gumanap namang Martin Burnham si Mark Gil na kinilala kamakailan bilang Best Actor sa 30th Gawad Urian Awards.

Ang Search and Destroy ay tungkol sa pinagdaanang hirap ng mag-asawang American Protestant missionaries na sina Gracia at Martin Burnham sa kamay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf. Na-abduct ang mag-asawang Burnham ng militant Islamic group na ito noong May 2001 mula sa Dos Palmas resort sa Palawan.

Nang magkaroon ng U.S.-Philippine rescue operation upang iligtas ang mag-asawa noong June 7, 2002, sa kasamaang-palad ay nasawi si Martin at isang hostage na Pilipinang nurse na si Edibora Yap.

Produced by the U.S.-based Wild Eyes Productions, ang Search and Destroy ay idinirek ni Mark Bowden; ang anak niyang si Aaron Bowden ang head researcher.

Nabalitaan pa ng (PEP) Philippine Entertainment Portal na pumayag sina Shyr at Mark na gawin ang naturang documentary kahit mababa lamang ang kanilang tinanggap na talent fee bilang mga artista.

Continue reading below ↓

"Kahit nga siguro walang TF [talent fee], tatanggapin ko ang project na ito! Bihirang dumating ang ganitong pagkakataon sa isang artista, and very honored ako na ako ang gumanap bilang Gracia Burnham," pahayag ni Shyr.

Dahil sa dedikasyon sa kanyang role, walang anumang reklamong narinig mula kay Shyr kahit na marami siyang eksenang halos mailagay sa panganib ng kanyang buhay. "May eksenang mahuhulog ako kunwari sa bangin, hindi ako nagpa-double, ako mismo ang gumawa nung stunt na yun.

"May eksena ring dahil wala akong mainom na tubig, uminom ako mula sa isang swamp sa gubat kahit may mga dumi at kung anu-anong insekto sa tubig," kuwento pa ni Shyr.

Ipapalabas ang film docu na ito sa second week ng October sa History channel sa buong Amerika at neighboring U.S. territories.

Nabalitaan din namin na binili na ng sikat na Hollywood producer na si Jerry Bruckheimer ang film rights ng kuwentong ito ng mga Burnhams, at kung matutuloy ang plano, isasapelikula ito next year.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mark Gil, movies
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shyr Valdez and Mark Gil play Gracia and Martin Burnham, the American missionaries abducted by the Abu Sayyaf in the film documentary Search and Destroy. It will be shown in the U.S. this October.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results