A Secret Affair grosses P100 million in six days

A Secret Affair is topbilled by (L-R) Andi Eigenmann, Derek Ramsay, and Anne Curtis. (CLICK HERE to read PEP's review of A Secret Affair)


Kahit may flight patungong Amerika, pinilit pa rin ni Anne Curtis na dumaan sa thanksgiving party na inihanda ng Viva Films para sa pelikulang A Secret Affair kagabi, October 30.

Nagmula pa sa taping ng It’s Showtime ang aktres kaya late na siyang dumating sa okasyon. Gayunman, nagpaunlak pa rin siya ng sandaling panayam sa ilang miyembro ng entertainment media na naghintay sa kanya.

Sa loob ng anim na araw, ayon sa Viva Films, humakot na raw ng P100 million sa takilya ang pelikula nina Anne, Derek Ramsay, at Andi Eigenmann.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Anne sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“One hundred million! Nakakabongga! In six days!” excited na sabi ni Anne nang malaman ang tungkol sa box-office returns ng pelikulang A Secret Affair.

“Talaga akong nagpapasalamat to all the followers, sa lahat ng mga nanonood at nanonood nang paulit-ulit, dahil sa inyo ‘yan e.

“Sobrang thank you talaga.”

Tila hindi ito inaasahan ni Anne marahil dahil na rin sa naging utos ng ABS-CBN na huwag banggitin ang pangalan ng kanyang leading man, ang dating Kapamilya star na si Derek Ramsay, sa tuwing magpo-promote ng pelikula.

(CLICK HERE to read related article)

Sabi ni Anne, “I’m just so happy how it turned out in spite of the promo that we had.

“You know, I’m so happy that because of the social media and word of mouth naging successful ‘yong movie.”

Tulad nang sinabi niya dati pa, naiintindihan naman daw ni Anne ang naging utos ng ABS-CBN management.

Sabi pa niya, “Kinausap naman nila ako and in-explain nila ang side nila, which I understood naman.

“You know, it really just states that naman, e, na kung kasama ka, maiintindihan mo.

“You know, in the long run, naiintindihan ko. Pero siyempre, it became a funny thing kasi ‘a secret affair’ ‘tapos kami ni Andi, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKING HER FOLLOWERS. Dahil dito, partikular din na pinasalamatan ni Anne ang kanyang masugid na mga tagahanga na tumulong para i-promote ang kanilang pelikula.

“I wanna thank talaga all my Twitter followers that shared that trailer, shared the catchy lines.

“They made sure na they share how they felt about the movie.”

“Ganun naman kasi ang success ng isang movie, it’s really word of mouth.

“Sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanila. It’s really because of them kaya nagpapasalamat ako.”

Nakita raw mismo ni Anne ang naging reaksiyon ng mga manonood nang minsan nanood siya ng patago sa isang sinehan sa Makati City.

Kwento ng actress-TV host, “It just so happened nga na nanood ako sa Glorietta ng pa-secret, nasa likod ako.

“Kasi gusto kong makita kung ano ang reaction ng mga tao na hindi sila for the premiere night. Nandoon kasi sila to watch, iba kasi ‘yon, e.

“When I was sitting down, alam mo ‘yon nakakataba ng puso kasi kung saan sila dapat mag-react, doon talaga.

“Nakakataba ng puso, even going out, sila na mismo ang nagsasabi sa akin na, pangatlong beses na namin panonoorin, it’s because of that, e.

Kaya naman muli ay nagpasalamat si Anne sa mga sumuporta sa pelikula.

“Talagang thank you sa inyo. We owe our success to all of you. Dahil sa inyo, parang nakaka-inspire pa lalong gumawa ng pelikula na mae-enjoy n’yong lahat,” sabi ni Anne.


(CLICK HERE to read PEP's review of A Secret Affair)

DIFFERENT CHARACTER. Dahil dalawang beses nang naging successful ang pelikula ni Anne na tumutukoy sa mga forbidden affairs, ang No Other Woman at A Secret Affair, maasahan bang gagawa siyang muli ng ganitong klase ng pelikula?

“I don’t know. I love to do a lot of films. Kasi it shows your versatility, na hindi lang pare-pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig din ako sa comedy, gumagawa din naman ako ng comedy. Ito [A Secret Affair] naman, hindi ako maldi-maldi [maldita], iba naman siya.

“Who knows what script will fall into my lap the next time. But anything na alam kong attracted ako sa character, gagawin ko naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN