Gerald Anderson has fallen for reel partner Kim Chiu but they're taking time


The love team of Kim Chiu and Gerald Anderson will be tested in the box-office when I've Fallen for You opens on September 26.


Sa press conference ng I've Fallen for You na ginawa sa ABS-CBN compound last Monday, naging topic ang love life ng two young stars na si Kim Chiu at Gerald Anderson.

Tinanong ng mga movie writers and editors ang kanilang mga naging karelasyon.

Ayon kay Kim, nagkaroon na siya ng Chinese boyfriend noong siya'y 14 years old pa lamang. Ngunit nakipag-break si Kim dahil mahilig 'yong bf sa DOTA (isang online game) at hindi na halos pumapasok sa school.

Si Gerald naman ay nagkaroon na ng tatlong girlfriends. Hindi niya ma-explain pero yung mga girls daw ang nakipag-break sa kanya.

Hindi maiwasan ni Gerald na matawa sa tanong ng mga movie writers kung bakit hindi pa sila nagkakatuluyan ni Kim. Si Kim naman ay umiwas sa isyu.

"Wala pa po kami sa point na kami na. Pero ako, gusto ko na. Pinag-uusapan po namin. We're taking time," sabi ni Gerald.

"Sinabi ko na po dati. [Kapag] mas matagal na naging kayo, mas matagal din kayong magsasama. Malay mo habang buhay," sabi ni Kim.

Pero makulit ang pagtatanong kay Kim kung bakit ayaw pa niyang sagutin si Gerald gayong handa naman na ang binata.

"Natatakot po akong masaktan," banggit na lang ni Kim.

DEFINE "KILIG." Natanong naman ang dalawangartista na i-define kung ano ang kilig para sa kanila. Para kay Gerald,"Yung talagang halata na in-love sila sa isa't isa."Kinikilig ba si Kim kay Gerald?"Oo, kasi kapag nag-jo-joke siya, natatawa na lang ako," pag-amin ni Kim.

Ano naman ang pinaka-kilig na ginawa nila para sa isa't isa?

"Noong birthday ko po, binigyan niya po ako ng PSP [Play Station Portable]," sagot ni Gerald.

"Noong birthday ko din. Binigyan niya ako ng dinner sa rooftop nung apartment ko kasama ang Kimerald [fans club]," nakangiting sabi ni Kim.

May mga kilig scenes naman ba sila sa movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento nila, hindi mahilig si Direk Lino Cayetano sa mga kilig scenes. Hinahayaan silang mag-decide sa mga kilig scenes nila.

Ayon kay Kim, sabi raw ni direk, "Yung mga kilig-kilig na eksena, ‘kung may idadagdag kayo, gawin niyo na lang, kasi ayaw ko talaga iyan.'"

"Nung una sabi niya, ‘kayo na bahala diyan', tapos sabi namin ni Gerald, ‘anong gagawin natin?', sabi ko ‘hindi ko alam'.

"Kung ayaw niya, papaulit niya naman," sabi ni Gerald.

JITTERS ABOUT TWO PREMIERES. Heto rin ang unang pagkakataon na tampok ang tambalan ng dalawang former housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition. Ipinakilala sila sa First Day High at naging love team sila sa TV series na Sana Mulit Muli.

"Kinakabahan nga po kami. Linggo-linggo nga, nagdadasal kami. Tapos, kinakabahan dahil dalawang premiere night," Kim said.

I've Fallen in Love will open in cinemas starting September 26. Magkakaroon sila ng premiere night on September 24 sa Cebu at September 25 sa SM Megamall.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN