Bea Alonzo says Zanjoe Marudo makes her "feel important"

Zanjoe Marudo and Bea Alonzo are some of the stars featured in the romantic comedy 24/7 in Love.


Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang pelikula ang real-life couple na sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo para sa romantic comedy na 24/7 In Love. Ito ang pelikulang handog ng Star Magic para sa kanilang 20th anniversary.


Makakasama nina Bea at Zanjoe ang mga sikat ng Star Magic talents na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Pokwang, Kim Chiu, Gerald Anderson, Diether Ocampo, Maja Salvador, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Pitong kwento ito ng pag-ibig na magsisimula kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa pagnanais ni Jane (Kathryn Bernado) na manalo ng VIP tickets na gaganaping concert ng kanyang ultimate showbiz crush na si Billy (Daniel Padilla), sasali siya sa isang video-making contest kung saan kailangang sagutin ng video entries ang tanong na “Ano ang gagawin mo bago magunaw ang mundo?”

Sa paghahanap ni Jane ng sagot para sa kanyang isasali na contest, makikilala niya ang iba’t ibang taong magbabahagi sa kanya ng mga markadong kwento na pawang patunay sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig: Ang 40-year-old virgin na si Virgie (Pokwang) na makikilala ang gigolo na si Sam Milby; ang hopeless romantic na sekretarya na si Barbara (Maja) at ang kanyang boss na si Diether Ocampo; si Verna (Angelica), ang babaeng nagdurusa sa kanyang magulong relasyon sa asawa at makikilala si John Lloyd Cruz; si Belle (Bea), ang babaeng in love sa kanyang best friend na bading na si Zanjoe Marudo; ang 35-year-old mentally challenged na si Mike (Piolo) kasama sina Zaijian at Xyriel, at ang childhood sweethearts na gagampananan nina Kim at Gerald.


Sa naturang press con, tinananong si Kim Chiu kung sinara na ba niya ang puso niya para sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson. Sagot naman ni Kim, “Siyempre matagal na po.”


(CLICK HERE to read related article)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos kumpleto ang main cast members sa press conference na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater noong November 8. Ayon sa girlfriend ni John Lloyd na si Angelica, hindi nakadalo sa event si JLC dahil nasa Batangas ito para sa ABS-CBN primetime TV series na A Beautiful Affair.


Matapos ang press conference ay nagpaunlak ng interview sina Bea at Zanjoe at ito ang kanilang ilang pahayag tungkol sa kanilang lovelife at karakter sa 24/7 in Love:

Nagkaroon ba kayo ng bonding moments habang ginagawa n’yo ang pelikulang ito? Kamusta ka-trabaho ang isa’t isa bilang magkarelasyon kayo in real life?

Bea: “Ang sarap pala na, somehow, ka-trabaho mo yung boyfriend mo, wala kayong issue. At yung time na yun, ang tagal naming hindi nakikita ang isa’t isa kasi katatapos ko lang gawin yung The Mistress. Ang sarap na lagi ko siyang kasama.”

Ano ang na-discover n’yo sa isa’t isa during the shoot?

Bea: “Pawisin pala siya pag may eksena, para siyang kinakabahan palagi. Nakakatawa kasi hindi siya nagre relax, ganyan. Para tuloy kinakabahan na rin ako kasi sabi ko, ‘naku kinakarir niya dapat karirin ko rin ito.’ Feeling ko lang pinagaganda niya acting kaya dapat pagandahin ko rin para maging maganda yung episode naming dalawa.”

Zanjoe: “Mainit lang sa location kaya ako pinapawisan. Ang nadiscover ko kay Bea, sa tagal niya sa industriya, alam na alam na niya yung gagawin niya pagdating sa trabaho. Alam mo talaga na actress siya talaga na pag kailangan mo yung emosyon, eto na kaagad. Hindi katulad naming mga baguhan na nangangapa pa.”

Bea: “Hindi totoo yan, alam n’yo, ang galing galing niya roon sa isang eksena na kahit emosyonal scene na somehow mawawala yung pagka bading, kasi sariling emosyon mo na yung papaganahin mo pero alam n’yo hindi nawala yung pagiging bading niya na karakter kahit na emosyonal na siya. Ang galing niya dun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita at ramdam namin talaga yung glow at yung saya n’yo sa isa’t isa ngayon? Bakit? Anong meron sa relationship n’yo at nakikita yung saya sa inyo?

Bea: “Explain mo yan.”

Zanjoe: “Hindi ko ma-explain, e, hindi ko maipaliwananag yun. Wala! Siguro dahil mahal talaga namin yung isa’t isa.”

Anong masasabi mo na sinabi ni Bea na ikaw daw yung beautiful affair sa lahat ng naka relasyon niya at ikaw daw yung savior niya? Anong masasabi mo doon?

Zanjoe: “Wow! Talaga? Alam mo yun, nakakatuwa yung mga ganung bagay! Tapos after ng ilang taon naming magkarelasyon na mayroon pala akong magandang nagawa para sa kanya.”

Bea, paano mo sinuportahan si Zanjoe sa pagiging gay niya sa pelikulang ito?

Bea: “Tinuturuan ko siya ng mga gay lingo, kasi hindi siya masyadong pamilyar sa mga ganung words.”

Bea, paano ka pinasasaya ni Zanjoe sa mga bagay bagay na magkasama kayo?

Bea: “Lagi niya akong pinasasaya, alam mo yun, kahit maliit lang na bagay bigla niya akong yakapin pag kailangan ko, kasi di naman siya ganun dati, somehow, pag gumaganun siya, I feel important.”

Masasabi mo bang siya yung pinaka best relationship mo ever?

Bea: “Mahirap, i-compare. Basta kung ano yung present ngayon, yun ang mahalaga at masayang masaya ako ngayon.”

Ikaw Zanjoe, masasabi mo ba na best relationship mo si Bea?

Zanjoe: “Basta, masayang masaya ako ngayon, hindi naman natin pwedeng ikumpara yung dati kasi magkakaiba naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN