Erik Matti explains why Yam Concepcion and John James Uy were chosen to topbill sexy film Rigodon


Sa muling pag-produce ng Viva Films ng sexy movies via Rigodon, nagbabalik din sa pagdirek ng ganitong klaseng pelikula si Erik Matti.


Dinirek ni Erik Matti ang mga box-office sexy films na Scorpio Nights 2 (1999) na pinagbidahan ni Joyce Jimenez; Ekis (1999) na bida si Sunshine Cruz; Sa Huling Paghihintay (2001) at Dos Ekis (2001) both with Rica Peralejo; at Prosti (2002) with Aubrey Miles.


Just recently, si Erik Matti din ang nagdirek ng box-office hit na Tiktik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes.


Sa pagiging aktibo nga ulit ni Direk Erik sa paggawa ng pelikula, kinumisyon siya ng Viva Films na gumawa ng sexy na pelikula para naman daw mabigyan ng bagong panoorin ang moviegoing public.


Ayon kay Direk Erik ay tatlong klase lang daw kasi ng pelikula ang laging naipo-produce at pinapalabas ngayon sa mga sinehan.


“Kung hindi mga romantic-comedies, nandiyan ang horror at ang mga kuwento ng indie films.


“Ginawa namin itong Rigodon para naman may ibang choice ang mga manonood natin.


“Before naman kasi, patok na patok ang mga sexy films. Ito ang kumukita talaga noon. Sabi nga nila, sex sells and we’re reviving that era.”


Ayon kay Direk Erik, wala naman daw magiging problema with the people of MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil automatic daw na Parental Guidance (PG) ang magiging classification nila.


“Kahit na gaano raw katindi ang mga eksena, PG ang ibibigay sa amin.


“That is okay because Rigodon is really for mature audiences only.


“But when it comes naman to the SM Cinema, we will be cut some scenes dahil yun ang patakaran nila if we want Rigodon to be shown there.”


Hindi rin naman daw naging madali para kay Direk Erik na hanapin ang magbibidang babae sa Rigodon.


Nag-audition nga raw ang 40 girls bago nila nahanap ang kanilang bida na si Yam Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Hindi madali ang paghanap namin kasi we were looking for a particular look—yung mukhang sweet at inosente, pero malakas ang sex appeal.


“We were looking for a Joyce Jimenez type of girl. Kahit na mag-sexy, class pa rin ang dating.


“Marami kaming tiningnan na mga girls at maraming magaganda at sexy. But when Yam came in, she was a standout. She was the one we were looking for. Tamang-tama ang hitsura niya for the role.”


Pero kailangan daw ma-convince ng husto si Yam para gawin ang movie dahil maraming nudity ang gagawin nito sa role nito as Sarah sa Rigodon.


“Apparently, Yam didn’t know what she was going to do sa movie when she auditioned.


“When we presented her the story, medyo hesitant na siya.


“I can’t blame her kasi hindi naman siya yung basta na lang nag-aambisyong mag-artista.


“She came from a decent all-girl’s school [Assumption] at nakatapos siya ng college sa Saint Benilde. Kaya alam niyang may iba siyang magiging trabaho just in case she does not accept this movie.”


Ang mother raw ni Yam ang kinausap ng husto ni Direk Erik para ito na raw ang mag-convince sa anak.


“Kinausap ko ang mother muna. I explained to her what Yam will do sa movie. I want her to have an idea of what the movie is all about.


“Noong ma-convince ko na ang mother, siya na ang kumausap kay Yam.


“When Yam said yes na, she was cooperative when we started shooting. Sabi niya na she will trust me because her mother trusts me.”


Sa pagpili rin ng leading man ni Yam, marami ring tiningnan na mga male actors si Direk Erik bago niya mahanap si John James Uy.


“Napansin ko kasi na ang mga nakukuha kong leading man noon, Jay Manalo ang tipo. Yung bad boy ang dating pero may malambot na side ang pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“This time, I was looking for someone na inglisero, disente pero may mystery sa pagkatao niya. Tapos kailangan mag-compliment ang looks niya sa physical look ni Yam.


“When I saw John James Uy, he fits the role that I was looking for. He might not be an experienced actor yet but I saw that raw acting talent sa kanya.


“He was also very cooperative sa mga sexy scenes niya with Yam. Wala akong narinig na reklamo from him.”


Mahahaba nga raw ang mga sexy scenes nila Yam at John James sa Rigodon kaya hanga siya sa patience ng kanyang mga artista.


“Halos lahat ng mga shots ko rito sa movie ay tuhog. Hindi siya napuputol kaya ang isang love scene nga nila ay umaabot ng 5 to 6 minutes. Kasi dire-diretso at walang cut.


“Kaya sa rehearsal pa lang, madugo na kasi we have to get that perfect shot of the scene or else magsisimula ulit kami.


“There was this one difficult scene nga na inabot kami ng 15 takes.


“Kailangan kasi tama ang timing sa paghalik, sa paghiga, pag-ikot nilang dalawa. Kapag may maling kilos, we have to start again.


“Kaya bilib ako sa resistensya nila Yam at John James. Kahit alam mong pagod na sila, they still give out their best to make the scene come out right.”


May susunod na nga raw na gagawing sexy film si Direk Erik kaya yung follow-up niya sa Aswang Chronicles ay matatagalan pa bago masimulan.


“We’re thankful that Tiktik did very well at the box-office.


“Happy na kami sa kinita ng movie. Happy enough to make another one like that. Iniisip namin na prequel ang gawin. Pero pag-uusapan pa naman namin ‘yan. Right now, may binubuo ulit kaming bagong story na sexy ulit.

“We don’t know kung si Yam pa rin ang bida or bago na namang girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“We are praying that Rigodon does well in the box-office when it opens on November 21,” pagtatapos pa ni Direk Erik Matti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN