Nora Aunor, Brillante Mendoza, and Chris Martinez score nominations at the 6th Asia Pacific Screen Awards

The Philippines nabbed three nominations at this year's Asia Pacific Screen Awards: Chris Martinez (left) is nominated for Best Screenplay for his work in Ang Babae Sa Septic Tank; while Brillante Mendoza and Nora Aunor (right) are nominated for Best Director and Best Actress, respectively, for Thy Womb.


Nakakuha ng tatlong nominasyon ang Pilipinas sa 6th Asia Pacific Screen Awards.

Ang pelikulang Sinapupunan (Thy Womb) ay nominado sa dalawang kategorya: Best Director para kay Brillante Mendoza at Best Actress para kay Nora Aunor.

Makakalaban ni Mendoza sa Best Director sina: Anurag Kashyap for Gangs of Wasseypur (India), Cheng Er for Lethal Hostage (China), Khosro Masoumi for Bear (Iran), and Reis Çelik for Night of Silence (Turkey).

Ang mga makakatunggali naman ng Superstar na si Nora sa Best Actress ay sina: Cho Min-soo for Pieta (South Korea), Darya Ekamasova for Once Upon a Time There Lived A Simple Woman (Russia), Humaima Malick for Bol (Pakistan), at Vidya Balan for The Dirty Picture (India).

Nakalaban din ni Nora si Cho Min-soo sa Venice International Film Festival kung saan naging main competition entries ang mga pelikula nilang Thy Womb at Pieta, respectively, ngayong taon.

Nominado naman para sa Best Screenplay ang screenwriter-director na si Chris Martinez para sa obra niyang Ang Babae Sa Septic Tank.

Ang iba pang nominado sa kategoryang ito ay sina Cheng Er for Lethal Hostage (China), Emin Alper for Beyond the Hill (Turkey/Greece), Reis Çelik Night of Silence (Turkey), at Shoaib Mansoor for Bol (Pakistan).

Si Martinez ay naging nominado rin sa Asian Film Awards ngayong taon para pa rin sa Ang Babae Sa Septic Tank, na unang ipinalabas sa Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011.

Ang mga nominado naman para sa Best Feature Film ay ang mga sumusunod: Khers (Iran), Beyond the Hill (Turkey/Greece), The Horde (Russia), Nameless Gangster: Rules of the Time, (South Korea), at Wu Xia (Hong Kong).

Ang mga mananalo sa 2012 Asia Pacific Screen Awards ay iaanunsiyo sa isang awarding ceremony na gaganapin sa November 23 sa Brisbane, Australia.

Ayon sa official website ng Asia Pacific Screen Awards (www.asiapacificscreenacademy.com), 264 na pelikula mula sa Asia Pacific countries ang lumahok sa kumpetisyon ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa mga pelikulang ito ay pinili ang limang mga nominado sa iba't ibang kategorya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN