"Bahay Kubo" actresses deliver realistic fight scene


(From left) Shaina Magdayao, Maricel Soriano, and Yasmien Kurdi star in Regal's Bahay Kubo, an entry in the 2007 Metro Manila Film Festival. In one confrontation scene, the three stars had to slap, scratch, and pull each other's hair to make the scene realistic.



Naikuwento ni Yasmien Kurdi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyaring bugbugan scene nila ni Maricel Soriano sa first shooting day nila ng Bahay Kubo, ang isa sa entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Yasmien, tinotoo ni Maricel ang pagsabunot at paghatak ng damit niya kung kaya't napuruhan ang StarStruck First Princess ng kalmot sa leeg at dumugo pa ito. Puro sorry nga raw si Marya kay Yasmien after the take at ang Diamond Star pa ang umalalay sa paggamot ng kalmot nito.

Bukod dito, may isa pa palang mas malalang nangyari on another shooting day, ayon sa isang production insider. Natensyion nang husto ang production team sa eksena, pero later ay pinalakpakan ito ng lahat dahil sa galing ng mga artista at sa mga makatotohanang sampalan at bugbugan nila.

Three-way ang nangyari sa eksena; sina Marya at Shaina Magdayao ang mag-aaway at aawat si Yasmien.

Sa unang take daw, nagkahiyaan sina Marya at Shaina na totohanin ang mga sampal nila sa isa't isa, kaya't puro daplis lang ang ginawa nila.

Hindi raw ito nagustuhan ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan dahil kita sa camera na daya lang lahat. So kung puwede raw mas igtingan pa nila ang acting kahit daya para lumabas na parang natural at nang hindi maging paulit-ulit ang take.

Una raw sumampal si Marya kay Shaina at namula ang pisngi ng young actress. Sa reverse shot, si Shaina naman ang sumampal kay Marya at namaga ang mukha ni Marya.

Nang umawat na si Yasmien, lumampas ang ikalawang sampal ni Shaina kay Marya kung kaya't nabatukan si Marya ng palad ni Shaina. Si Yasmien naman ang nakasalo ng isang sampal sana ni Marya kay Shaina.

Natapos ang take, nagpalakpakan ang lahat. Nagyakapan ang tatlong babaeng bida at puro "sorry" sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN