Richard Quan is excited to work on the Iglesia Ni Cristo film, Ang Sugo…The Last Messenger

Richard Quan is excited to work on the Iglesia Ni Cristo film, Ang Sugo…The Last Messenger.


Marami ng pelikulang nagawa si Richard Quan, mapa-indie o mainstream man.


Pero masasabing iba at espesyal kay Richard ang bagong pelikulang gagawin niya, ang Ang Sugo…The Last Messenger dahil tungkol ito sa kinaaaniban niyang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo.


Sabi nga ni Richard nang makausap siya ng PEP.ph sa press conference sa Quezon City Sports Club noong Martes, November 27, “Iba, kumbaga, sa mga co-actors ko na hindi Iglesia, excited sila kasi it’s a work and it’s a big project.


“Sa akin kasi, ano ‘to, duty and responsibility, in a way. Ganoon ang tingin ko sa project na ‘to.”


Tatlong buwan na raw ang nakakaraan, alam na niya ang tungkol sa gagawing pelikula nga ng Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng producer nila na si Arlyn dela Cruz pero sikreto pa lang daw noong mga panahon na yun.

Bilang isa ngang kapatiran, silang lahat ba na Iglesia na artista, kasama sa pelikula? Nakita rin kasi ng PEP.ph sa presscon ang iba pang Iglesia. Ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas at Snooky Serna.


Ayon naman kay Richard, “Hindi ko alam sa iba. Pero kasi, ako kasi, ever since, in fact, ang first acting experience ko, sa TV production ng Iglesia. Way back pa. Ilang taon na kong umaaarte, ‘di ba? Palagi akong nababanggit, palagi akong nasasama.”


Proud siya na may ganitong ipo-produce na pelikula ang Iglesia Ni Kristo?


“Siyempre, oo naman,” nakangiting sabi niya.


“And hoping na ganoon kaganda ang lalabas na pelikula. Alam mo naman sa movie, kahit may ganoon ka kagandang script, ang outcome, naiiba pa rin. So, I’m hoping lang na everything will fall into places at magiging one of the best if not the best movie ito.”


Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Richard kung ano ang eksaktong karakter na gagampanan niya sa Ang Sugo.


“Kanina kasi, nag-usap kami ni Arlyn, pinapili niya ako kung ano ang gagawin ko. Kung isa sa antagonist o isa sa mga unang Ministro na kasama ni Ka Felix. I have yet to decide.”


Sa isang banda, noong press conference, ang masasabing mga lead stars ng Ang Sugo ay sina Richard Gomez bilang si Ka Felix Manalo, Albert Martinez bilang si Ka Erdie Manalo at si Senator Bong Revilla bilang si Ka Eduardo.


Kung tutuusin, hindi mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang tatlo. Kumpara sa kanila na miyembro talaga, wala yung pagtatanong na bakit hindi sila ang ginawang mga bida o mismong gaganap sa tatlong henerasyon na ito ng mga Manalo?


Ayon naman kay Richard, “Hindi, mas nangingibabaw yung faith o pagdedesisyon o pamamahala. Mas nangingibabaw yun. So, anything na desisyon nila, amen.”


Hindi rin daw tinatanong ni Richard ang tungkol sa talent fee.


“Hindi ko alam. As of this moment, wala akong pinag-usapan na T.F. Kung meron man, I’ll let my manager talk about it.”


Ang tumatayong manager ni Richard ay si Direk Manny Valera.


Kasalukuyan daw ginagawa ni Richard ang ABS-CBN teleserye na Aryana pero patapos na rin daw yun kaya timing lang daw ang pagpasok ng Ang Sugo. At the same time, may kino-co-produce rin daw siyang indie film.


“Gumawa kasi kami ng short film, Alibi ang title. Napunta siya sa New York Film Festival as finalist. Ako yung lead doon. Tapos bumalik na siya rito, nakakuha siya ng producer roon. Plano naming mag-collaborate.


“Nandoon na rin kasi ako sa stage na gagawa ng project na nakaka-inspire at naniniwala ako kahit paano sa project. Kung magpo-produce ako, it’s not pagkakakitaan. Not on a business side but because, naniniwala ako sa project at may social-relevant.”


Dugtong pa niya, “Matanda na ko. Kaya ganoon na ang thinking ko.”

Siya na ang nagsabi na matanda na nga siya, pero, bakit hanggang ngayon nananatili siyang single?


“Ang dami pang gagawin, e,” sabi niya. “May foundation pa kong inaayos. Tapos, nagme-Med [Medicine] pa ang girlfriend ko. So, matatagalan yun. Seven years yun. So, seven years pa kong libre,” natatawang-biro niya.


Two years na raw sila ng non-showbiz girlfriend.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN