Viva Video introduces Super V in bid to fight piracy


Viva Video introduces Super V, its mascot for a lighthearted campaign that aims to stop the serious piracy problem of the ailing movie industry.


Ang piracy ay isang seryosong problema na tila lalo pang lumalala. Bukod sa napakataas na taxes ay piracy na ang isa pang mahigpit na kaaway ng naghihingalong industriya ng pelikula sa bansa. Tinatayang umaabot sa milyun-milyong piso ang nalulugi hindi lamang sa movie industry kundi pati na rin sa music, business software, at iba pang katulad na media.

Upang maiwasan ang lalo pang pagkalugi, ang ibang film outfits ay napipilitang gumawa ng mas konting pelikula kundi man tumigil na nang tuluyan sa pagpo-produce. Samantala, ang ibang film companies na ayaw tuluyang sumuko ay nakikipagtulungan sa Optical Media Board (OMB) upang sugpuin ang piracy.

Isa na rito ang Viva Video na kamakailan ay naglunsad ng isang extensive fun campaign laban sa pamimirata sa katauhan ng isang bagong kakampi—ang superhero na Super V. Gamit ang taglay niyang superpowers, Super V comes to the rescue with all-original videos na puwedeng ma-enjoy ng buong pamilya sa loob ng kanilang tahanan.

Lalong palalakasin ni Super V ang kanyang all-out fight against piracy sa pamamagitan ng isang roadshow, ang Power of the Original: The Anti-Piracy Show.

Nakatakdang libutin ni Super V ang iba't ibang malls sa sumusunod na mga petsa: September 30 (SM Sta. Rosa), October 7 (Sta. Lucia East Grand Mall), October 20 (Robinsons Place Manila), October 28 (Trinoma), November 4 (Robinsons Galleria), November 11 (SM City Clark) at November 18 (Festival Supermall).

Kasama ni Super V sa giyera laban sa piracy ang mga major studios na tulad ng Walt Disney, 20th Century Fox, Metro Goldwyn Mayer, HIT Entertainment, Sesame Street, Nickelodeon, MGA Entertainment, Hi-5, Veggietales, Sky Films, Viva Films at Viva Records.

Kasama rin ang mga kilalang Viva artists na sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, The CompanY, Raffi Quijano, Danita, Miki Hann, at Nikki Bacolod. Tutulong rin ang mga bandang Freestyle at Kollide.

Sa buong panahon ng nabanggit na roadshow (na magsisimula ng 10 am hanggang 9 pm), maaaring makabili ng mga original VCDs at CDs sa napakamurang halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN