Alfred Vargas trains with SWAT Team for his role in "Banal"


"Hindi naman ibig sabihin na makakasama na kami sa operations, but we are just being recognized dahil nagtiyaga kaming matuto. Pero masaya ako dahil hindi lang para sa role, kahit paano nadagdagan ang skills ko dahil sa training ng SWAT," says Alfred Vargas about training with the Makati SWAT (Special Weapons and Tactics) Team.



Naninibago ang fans ng sexy actor na si Alfred Vargas sa porma nito ngayon. Military look ang ipinu-project ni Alfred para sa pelikulang tinatapos niya sa kasalukuyan, ang Banal—the only digital film na nakalusot sa talaan ng official entries sa nalalapit na 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).



Ginagampanan ni Alfred dito ang role ni Jason Ramos, isang SWAT member who would do anything for a promotion. Niratsada ni Alfred ang shooting nito sa panahong patapos na ang taping niya ng Impostora—na nagtapos na noong September 22—at naging maluwag ang schedule ng aktor.



"Nang mabasa ko ang script, nagandahan talaga ako," sabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "May exposé and revelations ang istorya nito tungkol sa katiwalian sa mundo ng mga may kapangyarihan. Matapang ang pelikula, at naniniwala ako sa mensahe nito kaya pumayag agad akong gawin ito.



"Kapag sinabi kasing digital film production, limitado ang resources. Alam ko naman kung hanggang saan lang kami, pero natutuwa ako dahil hindi masasabing basta ito tinipid. Gumawa ng paraan ang producers namin para mas maging mataas ang quality nito," pagmamalaki ni Alfred sa pelikula ni Cesar Apolinario na reporter ng GMA News.

Tinanong ng PEP si Alfred kung tina-target din ba niyang manalo ng Best Actor award para sa darating na MMFF Awards Night.

Tugon ni Alfred, "Marami kasing makakalaban sa [Metro Manila] Film Fest and it will give me a slim chance of winning. Basta ginagawa ko lang ang lahat ng makakaya ko para hindi rin ako mapahiya sa performance ko, and at the same time matulungan ang pelikula sa box-office."



Natutuwa si Alfred dahil malalaking pangalan din naman ang kasama niya sa pelikula, gaya nina Christopher de Leon, Paolo Contis, at Cassandra Ponti.



"I am expecting na makagawa pa ng isang movie before the year ends," bulalas ni Alfred. "Natutuwa na ako dahil kahit paano, buhay ang career ko sa pelikula, at hindi lang ako sa TV mapapanood ng mga tao. Palagay ko, hindi buo ang pag-aartista ko kung hindi ako nakakagawa ng pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SWAT TRAINING. Sa Banal, para maging higit na credible ang kanilang pagganap, silang dalawa ni Boyet ay sumabak pa sa isang SWAT training. Hindi ito basta preparation lang para sa pelikula, but Boyet and Alfred received certifications that they are now honorary members of the Makati SWAT Team.



"Hindi naman ibig sabihin na makakasama na kami sa operations, but we are just being recognized dahil nagtiyaga kaming matuto. Pero masaya ako dahil hindi lang para sa role, kahit paano nadagdagan ang skills ko dahil sa training ng SWAT.



"Kung kinakailangan nila ang tulong ko, if worse comes to worst, kung kakayanin ay gagawin ko. But we are just honorary members kaya hindi naman kailangan na sumali kami talaga sa operations," paliwanag ni Alfred.



LOYAL KAPUSO. Nagmula sa ABS-CBN si Alfred, pero sa GMA-7 siya nagkaroon ng career at inalagaan siya rito sa tulong na rin ng manager niyang si Lolit Solis.



"At magiging loyal pa rin ako sa GMA-7," dugtong niya. "Nagkaroon ng offer ang Dos para bumalik ako sa kanila, pero hindi ko naman basta mapapagdesisyunan ang ganyang mga bagay.



"Basta pagdating sa career ko, si 'Nay Lolit ang bahala riyan. Siya ang masusunod, and proven na 'yan na para talaga ako sa GMA-7 dahil naibibigay naman nila sa akin kung ano ang nararapat," sambit pa ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN