Richard Gutierrez wants to work again with Angel Locsin

Isa sa mga natutunan ni Richard Gutierrez (in photo) kay direk Peque Gallaga ay ang pagkakaroon ng sistema sa trabaho. Dahil dito, mas naging inspirado siya na ipagpatuloy ang plano niyang maging direktor.


Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto makatrabaho muli ni Richard Gutierrez ang dati niyang katambal na si Angel Locsin.

“Well, marami ang nagre-request sa amin ni Angel to work together,” pagbabahagi ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Enero 23, sa Ryu Ramen sa Tomas Morato, Quezon City.

“So marami ang nagre-request, ‘yong mga fans... so the fans want to see that, then I think we should do it for them.”

Matagal ding naging screen partners sina Richard at Angel, na parehong nagsimula sa teen-oriented show ng GMA-7 na Click (2001).

Pero nakilala ang kanilang tambalan sa fantaserye na Mulawin (2004), na ipinalabas din sa pinilakang-tabing, ang Mulawin: The Movie (2005).

Ilan pa sa mga pelikulang ginawa nila ay Let the Love Begin (2005), I Will Always Love You (2006), Mano Po 5: Gua Ai Di (2006), at The Promise (2007).


DIRECTING. Samantala, abalang-abala si Richard ngayon sa pagpo-promote ng Regal Entertainment film na Seduction.

Kasama niya dito ang dalawang Kapuso stars na sina Sarah Lahbati, na kanyang nobya, at si Solenn Heussaff.

Ngayon na lamang uli gumawa ng pelikula si Richard. Ang huli niyang project ay ang My Valentine Girls (2011), kung saan nakasama niya si Eugene Domingo.

Sa latest film niya, si Peque Gallaga ang kanyang direktor. Pakiramdam daw ng binata, nahasa ang talento niya sa pag-arte.

“As an artist talaga, I feel that I’ve grown,” wika ng aktor na gumanap bilang si Ram.

“I was able to push myself further, and Direk Peque really helped me with that.

“Parang he gave me the freedom to be an artist, to portray my role, and ang sarap, ang sarap lang ng working relationship namin ni Direk Peque.

“So I think [makikita] rin ‘yon sa screen ng mga viewers.”

Bukod sa paghahasa sa kanyang talento sa pag-arte, nabuksan din daw ang interes ni Richard sa pagdi-direct ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nakahikayat daw sa kanya ay ang “efficient system” ni Direk Peque, na ginamit nito sa set ng Seduction.

Ani Richard, “Parang nag-open pa ‘yong mind ko, ‘yong mga possibilities ng movie making.

“Kasi sobrang efficient ng system niya [Direk Peque], and how he treats the artists with the camera. Parang he makes you feel na you’re doing a proper movie… alam mo ‘yon?

“‘Yong very details na magtrabaho siya, parang mas ano pa ‘ko, mas nag-grow pa ako as an artist.”


TV SERIES. Kung abala ngayon sa paggawa ng pelikula si Richard, mukhang madadagdagan pa ito ng bagong teleserye.

Nabanggit kasi ng Kapuso actor na may inihahandang bagong proyekto ngayon ang kanyang home network.

“May kino-conceptualize ang GMA na soap opera, and I think they want to start soon.

“Pero wala pa silang binibigay na final na concept. But they said they’re cooking something nga for February or March.”

At kung mabibigyan man ng pagkakataon na magdesisyon kung anong genre ng gagawin niyang teleserye, pipiliin daw ni Richard ang “action.”

“I want to do action, action-love story. Kasi I don’t think I have done action for a long time,” pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN