Babagwa, Cinemalaya entry about Internet scamming, will begin regular run by September 18

Starring Alex Vincent Medina (left) and Alma Concepcion (right), Babagwa will begin its regular run in cinemas by September 18.



Pagkatapos nitong maging blockbuster sa New Breed section ng Cinemalaya 2013 kamakailan, mapapalabas na ang Babagwa (The Spider's Lair) sa regular cinemas simula September 18, Miyerkules.

Mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana at produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, ang Babagwa ay tungkol sa Internet scamming. Ang storya ay tungkol kay Greg, isang lalaking gumagamit ng fake na Facebook Account para makakuha ng pera sa mga matrona o bading.

Muntik pa ngang hindi maipalabas ang Babagwa dahil X rating ang initial rating na binigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa naturang sexy drama. Ngunit, dahil sa pagdepensa ni Atty. Joji Alonso, naging R-18 ang rating ng Babagwa.

(Read: Cinemalaya entry Babagwa almost got X rating; producer defends film to get R-18)

Ang lalaking nambibiktima ay ginagampanan ni Alex Vincent Medina na huling napanood bilang kontrabida na si Diego sa Ina, Kapatid, Anak. Love interest niya dito si Chanel Latorre.




Comeback movie ito ni Alma Concepcion na pansamantalang nahinto sa paggawa ng pelikula.

Nanalo rito si Joey Paras bilang Best Supporting Actor sa Cinemalaya, para sa kanyang mahusay na pagganap bilang bading na "partner in crime" ng character ni Alex.



Babagwa stars (L-R) Nico Antonio, Joey Paras, and Alex Vincent Medina


(View complete list of winners here: Vilma Santos and Irma Adlawan emerge as Best Actress winners in Cinemalaya 2013)

Introducing dito ang commercial model-turned-actor na si Kiko Matos, na unang napanood ng publiko noon sa "TV Idol" of the defunct MTB (Magandang Tanghali, Bayan). Na-realize ni Kiko na ang pag-arte ang kanyang pangarap kung kaya't binalikan niya ang showbiz.

Kasama rin sa cast sina Chanel Latorre (na may daring scenes rito with Alex), Nico Antonio, Marx Topacio, Garry Lim, at Sunshine Teodoro.

Nakakuha ang Babagwa ng hindi lang isa, kundi tatlong imbitasyon mula sa iba't ibang international film festivals: sa Vancouver International Film Festival (nominee for Dragons and Tigers Award), Warsaw International Film Festival (competition film), at Hawaii International Film Festival (competition).

Magaganap lamang ang tatlong festivals na ito sa loob ng tatlong linggo, ngayong September hanggang October 2013.


May R-16 rating ang pelikula na ito sa SM Cinemas samantalang R-18 rating naman ito sa iba pang mga sinehan.

Sa mga naka-miss ng Babagwa sa 9th Cinemalaya, mapapanood ito simula September 18.

P.S. Pagkatapos ng pelikula, manatili sa loob ng sinehan upang mapanood ang extra post-credit scene ng Babagwa (The Spider's Lair).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN