Ella Cruz on her role in A Moment in Time: "Dito po normal na tao ako at wala akong ka-loveteam."




Paglalarawan ni Ella Cruz sa kanyang role sa pelikulang A Moment In Time: “Ako po rito si Mai Javier. Nanay ko po rito si Ms. Zsa Zsa Padilla. Kapatid ko po si Kuya Patrick Javier, na ginagampanan ni Kuya Coco [Martin]. Sobrang close kaming magkapatid. Talagang tipong kuya siya na sobrang maalaga sa akin. Tapos ako ganundin ako sa kanya. Minsan pinagluluto ko pa siya.


“Nung time na na-in love po siya, siyempre nanibago ako sa kanya. Hanggang sa yun nga, may nalaman siyang secret na parang yun na doon na niya ako palaging kinakausap. Pinu-push ko siya na lagi ko siyang kinakausap nang masinsinan.”


Kasalukuyang pinapalabas ang A Moment in Time kunsaan kapareha ni Coco sa unang pagkakataon si Julia Montes sa isang pelikula.


(CLICK HERE to read PEP's review of A Moment in Time)


Masasabi ba ni Ella na mas angat ang role niya rito in terms of emotions kumpara sa mga nauna na niyang nagampanang roles tulad ng fantaserye na Aryana?


“Medyo po kasi nga yun nga may ibang secret na lumabas, na bilang secret nga siya ay hindi ko pwedeng sabihin at hindi ko siya ma-explain nang maayos. Basta secret po siya.


“Challenging din po ang role ko rito kasi from Aryana na fantasy, na may loveteam, dito po normal na tao ako at wala akong ka-loveteam. Marami nga ang nagtatanong kung sino ang ka-loveteam ko, sabi ko wala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN