Rodjun Cruz on being part of the gay indie film I Luv U, Pare Ko: "Masaya po ako na ito ang unang movie ko."


Well-attended ang ginanap na premiere night ng indie gay comedy film na I Luv U, Pare Ko last February 5 sa SM Megamall Cinema 9.
Napuno ng mga imbitadong guests ang upper section ng sinehan at ang ibaba naman niyon ay three-fourths filled kaya naging masaya ang okasyon.

Dumating ang dalawang bidang young actors ng pelikula: sina Rocco Nacino, bagama't super-delayed ang pagdating at past 8 pm, dahil nanggaling pa raw sa taping; at Rodjun Cruz na nagde-debut bilang movie actor sa nasabing indie movie.

Ang direktor ng pelikula, si Neal Tan, ay present din kasama ang mga veteran gay comedians na gumanap ng cameo roles. Sa mga support cast, um-attend din si Arnell Ignacio at mga newcomers na sina Xixi Maturan at Mark Anthony Puroy. Naroon din ang producers ng Krix Film Productions, Mr. Riqui Cardema (co-screenwriter) at production-in-charge, Ms. Nona Marcelo, who served as host of the program.

Kapansin-pansin ang pagdalo ni Rayver Cruz, younger brother ni Rodjun; at ng girlfriend ni Rodjun na si Diane Medina. Magkasabay na dumating sina Rayver at Diane. Nang nasa lobby na ay pinagkaguluhan na ng mga photographers at TV crew ang real-life partners.

Halatang umiwas sa naroong taga-media si Rayver at mabilis na pumasok agad sa sinehan. Later, nagpaunlak din ito umano ng interview para sa Ang Latest ng TV5.

Ang mga second cousins nina Rodjun at Rayver na sina Bodie at Dyanin Cruz (children of Tirso Cruz III and Lynn Ynchausti-Cruz) ay dumalo rin bilang pag-suporta sa kanilang pinsang aktor.

Maagang dumating sa venue si Rodjun Cruz, bago pa nagdatingan ang ibang taga-media, kaya exclusive siyang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa cinema lobby.

First movie appearance ni Rodjun ang I Luv U, Pare Ko at bilang co-lead actor, nakapasa siya sa ipinamalas na pagganap, base sa positibong feedback ng mga unang nakapanood in previews. Ano ang masasabi niya?

"Siyempre, sobrang sarap sa pakiramdam!" bungad ni Rodjun. "Ang daming nandito para sumuporta. Yung family ko... yung friends ko, nararamdaman ko po talaga yung pagmamahal ng mga tao."

Masaya din ba si Rodjun na ang una niyang movie appearance ay sa isang pam-bading na pelikula, o gay film? Sa kuwento, si Rocco Nacino ay si Sam, ang gay best friend ni Rodjun (as Carlo), isang homophobic na nagkaroon ng change of heart after some heartbreaking circumstances.

"Magandang pelikula po siya; magandang istorya... maipagmamalaki. Kaya masaya po ako na ito ang unang movie ko.

Of his working relationship with Rocco, Rodjun said, "Okay naman po; magkaibigan kami ni Rocco. At saka nung ginagawa namin yung movie, parang hindi kami nagta-trabaho, parang naglalaro lang kami.

"Ang galing nga niya sa role niya, e. Sabi ko sa kanya, 'Bro, kung hindi lang kita kilala, aakalain kong gay ka talaga!'" Rodjun said with a laugh.


RODJUN AND DIANE. Agad ding tinanong ng PEP ang tungkol sa girlfriend niyang si Diane Medina, na halos lahat ay sa kanila ni Rodjun natuon ang paningin mula nang dumating ang dalaga.

At lahat ay nagsasabing maganda ang young actress-TV news anchor na girlfriend ni Rodjun.

"Salamat po," simpleng tugon lang ni Rodjun.

After 5 years, hindi ba sila naiintriga sa relasyon nila ni Diane?

"Hindi naman... hindi naman po.

Nagbigay impormasyon naman si Rodjun tungkol kay Diane.

"Meron po siyang show sa ABS-CBN, Kailangan Ko'y Ikaw; tapos, nagnu-news din po siya sa government channel, every morning.

"Hindi naman po nakakaapekto [sa amin ang showbiz]; kanya-kanya po kami ng career path, tapos nagsusuportahan po kami."

Later, sa interview kay sa magkapatid ng TV5 news team for Ang Latest, at isang taga-GMA-7, naitanong kay Rodjun kung ano ang posibleng advice na naibibigay niya sa nakababatang kapatid na si Rayver kapag may ka-relasyon ito.

"Suportahan lang talaga palagi. Saka, give-and-take sa relationship," sabi ni Rodjun.

PEP followed-up with Rodjun: Kapag mas sumisikat ang parehas, nate-threaten ang relationship. Hindi ba nagwu-worry si Rodjun na baka ito na ang simula ng kumplikasyon o problema sa matagal na nilang relasyon ni Diane?

Sagot ng young actor, "Hindi naman po, kasi professional naman po kami [ni Diane]. 'Pag trabaho, talagang trabaho po kami, at saka naka-support po kami sa isa't isa..."

SIBLING RIVALRY. Sa younger brother ay supportive at caring si Rodjun, hindi lang sa propesyon nito, kundi sa personal na buhay.

"Ako yung Kuya ni Rayver," pagtutuwid ni Rodjun sa karaniwang impression na mas bata siya kay Rayver.

"1 year, 9 months older ako kay Ray..." banggit pa ni Rodjun, who says walang "sibling rivalry" na namagitan sa kanila ni Rayver ever since.

At hindi niya iniisip na magiging "threat" siya sa kapatid ding aktor, sakaling umangat pa ang estado niya sa showbiz.

"Ay, hindi po ako magiging threat; nagsusuportahan po kaming magkapatid.

"Nakita n'yo po, nandito si Rayver, kahit busy siya.

"Puro love lang... support lang kami sa bawat isa," magiliw pang pagtukoy ni Rodjun about him and Rayver.


RAYVER AND CRISTINE. Natanong na ng PEP si Rodjun, in a previous interview, tungkol sa breakup nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. At sinabi ni Rodjun na nirerespeto niya ang nais ng dalawa na first and last interview na nila ang napanood ng publiko.

Muling tinanong ng taga-TV5 na si Arniel Serato si Rodjun, tungkol kina Rayver at Cristine, at ito rin ang naging tugon ng aktor.

"Ayoko pa rin pong magsalita, kasi nirerespeto ko po ang kapatid [ko]... kasi yun na po yung sinabi niya sa first and last interview po niya.

"Pero masaya po ako [para] kay Rayver ngayon, kasi masaya naman po siya at napag-usapan naman po nila yun.

"May gagawin pa din silang [Rayver and Cristine] project sa ABS-CBN," pag-inform din ni Rodjun.

"Basta ako," dagdag ni Rodjun, "naka-support ako sa brother ko. Mahal na mahal namin siya. Basta nakita namin na masaya siya, nandito lang kami para sa kanya."


PROSPECTS. Kasalukuyang palabas ang gay indie film na I Luv U, Pare Ko in selected theaters.

Sa telebisyon naman ay nahasa sa pagganap at pagpe-perform (sing-and-dance) si Rodjun sa TV5 bilang bahagi ng Sakto Boys (with Edgar Allan Guzman and Lucky Mercado).

Sa mga TV drama ay marami na ring naging guest appearances si Rodjun, na ang isa sa pinaka-memorable ay ang pagbibida nila ni Rayver sa "Bringas Brothers Story" episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Sa ngayon, freelance po ako; si Tito Leo [Dominguez] ang magde-decide kung saan po ako magiging exclusive," ani Rodjun.

Magaganda naman ang natatamo niyang feedback sa ginagawa kaya na-e-encourage si Rodjun na magpatuloy.

"Salamat, dahil naa-appreciate nila yung efforts ko, pati yung sa pag-arte," aniya.

"Sana mabigyan pa rin ng chance, ng projects, para mailabas ko pa po yung talent ko," sambit pa ni Rodjun.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN