Herbert Bautista will co-star with Rufa Mae Quinto, Andrew E., and Michael V. for the comedy film Raketeros


Pagkatapos gumawang ng pelikula para sa 38th Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll, heto’t muli na namang sumabak sa shooting ang Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.


Mapapanood si Herbert sa Raketeros, na ilalim ng produksiyon ng kanyang kapatid na si Harlene Bautista na Heaven’s Best. Makakasama niya ang ibang mga komedyante tulad nina Andrew E., Janno Gibbs, Michael V., Joey Marquez at ang TV5 actress na si Eula Caballero.


Kung ano ang itinagal ng hindi niya paggawa ng pelikula, ngayon naman, tila namiss niya ito at magkasunod siyang gumawa.


“Shooting lang ang magkasunod,” paglilinaw naman ni Herbert nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa shooting ng Raketeros sa Kamuning.


“Ang showing, mid of this year pa.”


Namiss ba niya talaga ang paggawa ng pelikula?


“Yun din kasi ang advice nila Mother [Lily Monteverde] na at least, kahit once a year, gumawa ako. Now, yung production, puwedeng hindi ako ang bida ron. Puwedeng si Andrew E, puwedeng si Dennis [Padilla] na cameo naman ako, support lang.”

Ilang taon din ngang hindi gumawa ng pelikula si Herbert at nag-focus siya sa kanyang tungkulin sa Quezon City. Napanood din daw niya ang Shake, Rattle and Roll sa sinehan kaya tinanong namin ito kung ano ang naging reaksiyon nang mapanood muli ang sarili sa big screen.


Aniya, “Natawa ako sa sarili ko.


“Ang surprising sa akin dun, siyempre, nanood ako. Ni-review ko ang ginawa ko. May katabi ako na mga pamilya ng mga babae. Hi Mayor, kumusta po? Kumusta po? Tapos, una ang mukha ko sa lumabas sa Shake, Rattle & Roll.


“Sabi ng katabi ko, ay Mayor, kasama pala kayo. So, doon in-analyze ko na, nanood sila because maybe, one, tradisyon na nilang manood ng Shake, Rattle. Meron na siyang marka.


“Number two, dahil hindi nila alam na kasama ko, baka ito yung mga fans ni Vhong Navarro, Dennis Trillo. I’m grateful na nasama ko sa pelikulang yun dahil one way or another, nakita rin ako ng mga fans nila.


“And number three, noong pinanonood ko ang eksena ko r'on, e, wala naman, simpleng-simple lang naman ang ginagawa ko ron, it’s not really an effort to make people laugh. But they are laughing, not at all, but some of the jokes that I’ve been doing kaya sabi ko, meron ‘to.”


Posibleng dahil din doon kaya nagkaroon siya ng “excitement” na sundan pa ito?


“Yes, after that, I paid a visit to Mother Lily. Then, kay Boss Vic [del Rosario], bumati ako. And then, sabi nila, gawa ka. Kahit mga once a year. Wala namang problema yun. At least, nakikita ka. Kaya sabi ko, sige.”


Sa showbiz, ano ang talagang namiss niya sa paggawa ng pelikula?


“’Eto, yung ini-interview ako ng mga press. Hindi politics, hindi business beats, ‘di ba? At saka, yung preparasyon na hayan, waiting, may mga nagse-set-up, gumagawa ng ilaw. Yung mga klase ng crew na masarap kausap, masarap kakuwentuhan...na inaalalayan mo kung kumain na.”
Ang pelikulang Raketeros ay sa ilalim ng Heaven’s Best at kahit na pag-aari ito ng kapatid, hindi raw parte si Mayor Herbert ng produksiyon.


Sabi nga niya, “That’s why nang i-offer ang project na ito, it has to go to the board. But definitely, si Kuya Randy [Santiago] was already accepted as the director.”


Wala ba siyang talent fee sa pelikula?


“Siyempre meron,” mabilis naman niyang sagot.


“Lahat kami rito, discounted ba, parang ganoon. Meron naman, significant din naman, pero tawad-tawad.”


Ang Raketeros daw ay mainstream movie at hindi indie film.


Dugtong pa ni Herbert, “Actually, kaya gusto kong matuloy ‘to, gusto kong makasama si Ogie [Alcasid], Janno, Andrew E. Tara, 'Pare, barkada tayo, bakit hindi natin gawan ng movie ang sarili natin?'”


Nagkataon ba na natapat sa eleksiyon ang paggawa niya ng pelikula?


Pero paglilinaw niya, “This has nothing to do with election. This will be shown after the election. This is not the type na propaganda movie. This is after the election. I hope mga last week of May.”


Sabi naman namin, parang victory party na rin ito kung nagkataon.


“Sana,” nakangiti niyang sabi.


Wala naman daw siyang kalaban sa pagka-Mayor muli ng Quezon City.


Si Eula daw talaga ang choice nila para gumanap na anak niya sa pelikula. Malaking bagay rin daw na sakto sa edad ni Eula ngayon dahil magde-debut na ito ngayong taon.


“E, siyempre, naghanap kami ng magde-debut. Ang gist of the story kasi, yung magbabarkada and the relationship of the father to his daughter na magde-debut. Kasi, si Joey Marquez pupuntahan namin ang debut ng anak niya.


“So, may mga anak kami.


“Si Dennis may anak, except for Andrew na may nanay. Si Ogie Alcasid, may nanay rin which is si Nova Villa.”


Nabanggit naman ni Mayor Herbert na bakit daw si Bossing Vic Sotto, mga bata rin ang leading ladies. May mag-akala nga noong una na leading lady niya si Eula sa pelikula.


Naitanong tuloy namin dito kung meron bang “wish” din sa kanya na magkaroon ng mga batang leading ladies tulad ni Vic?


“Hindi, hindi naman, wala naman,” sabi niya.


“Ako kasi, if the person fits the role at kaya niyang buhatin ang eksena, I’ll go for that more than kursunada, alam niyo yun?”


Malaki ba ang expectations niya sa pelikula dahil pinagsama-sama nga niya ang mga komedyante?


“Well, usapan namin dito, 'Pare, kapag pumutok ‘to, eh, ‘di ang ganda. Kapag medyo okay lang, e, ‘di, gawa tayo ulit.'”


Nabanggit ni Mayor Herbert na si Mother Lily rin ang isa sa nangumbinse sa kanyang gumawa muli ng pelikula. Ngayong may sakit ito ngayon, nadalaw na ba niya ito?


“Hindi pa but I’ve talked to Roselle [Monteverde] and that may the Almighty Father give her strength dito sa challenge na ito na pumapasok sa buhay niya ngayon. And you know, knowing Mother, she’s what, 78 years old?


“A very strong person, a very strong lady, I know she will survive this test and I know, sa rami ng natulungan niyang tao, marami ang nagdarasal para sa kanya.”

PUBLIC SERVICE REMAINS HIS PRIORITY. Kung tutuusin, isa si Mayor Herbert na isang artista naging matagumpay sa mundo ng pulitika. Isama pa ang magandang track record niya mula pa lamang noong SK Chairman siya.


At kahit gumagawa nga siya ng pelikula ngayon, ang pagse-serbisyo pa rin daw talaga ang una sa prayoridad niya.


“Kasi, kung sa frequency naman, once a year lang, e, number one ang public service. Kung quarterly ka gumagawa ng pelikula, then, medyo 50/50 siya. At the rate things are going, priority is to serve people.”


Pero dahil comedy ang tema ng mga pelikula niya, nandoon ba yung limitasyon na hindi puwedeng masyadong sexy bilang Mayor siya ng Quezon City.


Sabi naman niya, “Well, may sexy rin dito. Yung eksena ko nga rito, ginahasa nga ako ni Rufa Mae [Quinto] rito. Well, it has to be handled na hindi naman siya bastos, hindi offensive and besides, people know me naman as a person na hindi naman ako mapagsamantala na tao.


“Kung ano makita nila, I hope, it does not offend anyone.”




ADVICE TO ASPIRING POLITICIANS. Napakarami ng pumapasok na mga showbiz personalities sa pulitika. Bilang isa siya sa maituturing na pinaka-matagumpay sa larangan na ito, ano ang puwede niyang maibigay na payo sa mga pumapasok pa lamang o kahit yung mga nandiyan na.


Ano ang komento siya tungkol sa tao na ayaw pumasok sa pulitika ang mga artista?


“Well, huwag na lang nilang pansinin yun. Ang importante, may puso ka para magsilbi sa bayan. Hindi dapat sumama ang loob. Ang importante, yung layunin mo na ma-improve ang life ng mga taong nangangailangan ng tulong.”


Masaya ba siya kapag may mga artistang pumapasok sa pulitika?


“Well, I guess, my emotional state kung masaya ba ko is irrelevant yun. Ang mahalaga, kapag pumasok tayong lahat dito, we try our utmost best na pangalagaan ang industriyang pinanggalingan natin. Not to the point na protektahan mo ang industriya alone.


“But to make sure na hindi ka mababahiran ng kahit na ano na hindi ikagaganda ng image ng mga taga-industriya and we’re trying our best.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN