Marc Abaya explains why he likes portraying a "bad boy" on cam



Ang Alfredo S. Lim: The Untold Story ay ang pang-apat na pelikula tungkol sa buhay ni Manila Mayor Alfredo Lim. Ginagampanan ni Marc Abaya dito ang role ni Charlie Zaragoza, ang lider ng isang grupo ng sindikato na nakalaban ni Mayor Lim noon.


“Ako po si Charlie Zaragoza, isa pong bank robber. Sa una po kriminal, kaaway ko si Mayor Lim. Pero ang maganda po kay Direk Buboy ginawan niya ng bali yung role sa huli. Mas maiintindihan n’yo po siya kung bakit siya naging ganun,” paliwanag ni Marc.


So, totoong tao ba ang ginagampanan niyang role?


“Opo, pero pinalitan nga yung pangalan kasi from a prominent family kasi mayaman siya, e.”


Ang karakter ni Marc ay naka-base kay Charlie Zulueta, anak ng isang judge at naging lider ng sindikatong involved sa bank robbery at goons-for-hire.


Gustung-gusto raw gampanan ni Marc ang ganitong bad guy roles na may laman.


“Kasi paborito ko yung mga bad guy, e. Mas lalo na pag naiintindihan mo kung bakit siya naging ganun.”


Naranasan niya rin bang maging “bad guy” sa totoong buhay?


“Ako po dahil sa mommy ko babatukan ako nun kung buhay, e. So, ako sa tingin ko dahil matanda na ako good guy talaga ako. Pero nati-trip-an ko yung role kasi yun ang ayokong maging. So, yung mahalaga sa akin, halimbawa sa relasyon ng co-actors ko, sa mga direktor na tulungan akong bigyan ng pagkatao yung villain. Pero masaya ring laruin yung black and white na bad guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN